Kenzo Villamar POV
Kinabukasan ng Linggo ay dalawa lang kami ni Ten ang nakapaggrocery sa mga Ingredients nasa 3k ang budget para sa Buong Week, Kasama na ang bigas duon, Unang araw ay lulutuin namin ay Adobong baboy, Sunod ay Lumpiang Shanghai at para makatipid ay isa nalang ang iluluto, Sunod ay Pork Steak, Puro baboy ang gusto nila.
Sabagay mahal din kasi pag Beef eh.
Magkasama kaming pumunta ni Ten sa school para ihatid sa Laboratory namin ang mga nabili, Nakilagay nalang kami sa Ref ng Cafeteria dahil wala namang ref sa laboratory namin, tanging lababo at mga Gamit pang kusina lang ang nanduon, Tulad ng mga Knife, Chopping board, Kaldero, Pan and hindi ko na alam ang tawag sa iba.
Kinabukasan ay lunes na maaga akong nagising, Para Gumawa ng Sushi dito sa bahay, May fresh salmon din akong binili para kay Ralph, Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito pero gusto ko lang matikman nya dahil alam kong hindi ito kasama sa mailuluto namin for 1 week.
Nagising pa si Kuya Kreno ng madaling araw at naabutan akong naghihiwa ng Sushi, Nagkukusot pa ito ng mata nya kaya nang marealize nya kung sino ang nasa kusina ng ganitong oras ay nanlaki ang mata nya.
" Kenzo?! " Gulat nitong tanong hawak ang Fresh milk galing sa ref.
" Good Morning, Kuya " Bati ko dito, Napatingin siya sa ginawa ko.
" Wow, Para sa akin ba ito? " Tanong nito, Kukuha sana sya ng isang piraso pero agad ko itong tinakpan, Nag angat sya ng tingin sa akin na may nalulungkot na mukha.
" Wala si Kuya? " Tanong nito, Ngumiti ako at kumuha sa sushi na hindi na kasya sa Baunan na nilagyan ko para kay Ralph.
" Ahhh " Utos ko dito, Agad naman syang ngumanga para isubo sa bibig nya ang sushi na gawa ko, Nginuya nya ito at mas natuwa ako ng nagustuhan nya ito.
" Hmnn, Ang Sarap " Kumento nito at kumuha pa ng isa, Sinubuan ko din siya ng Salmon at mas lalo syang nag enjoy.
" Sa susunod gusto ko si Kuya naman gawan mo nyan ah " Sabi nito, Tumango ako.
" Para kanino ba yan at napaka aga mong gumising para lang gawin yan? " Naghihinalang tanong ni kuya Kreno.
" Sa school yan, kuya " Sabi ko dito.
" Kanino ba talaga? " Kuya Kreno, Nilingon ko ito ng nakangiti dahil hindi ko na iyon mapigilan, Si kuya Kreno kasi ay hindi titigil sa mga pang aasar.
" Sa School nga yan kuya Isinali kasi ako sa Cooking club kaya Ayan ang dadalhin ko " Paliwanag ko dito, Tumango siya at uminom ng Fresh milk.
" Okay, Pero ang sarap ah Mabuti at tinakpan mo agad baka mapagawa ka ulit ng wala sa oras kasi mauubos ko yan " Kuya kreno, Tumawa ako at nang mag alas singko na ay nag asikaso na ako ng sarili ko, Habang si Kuya Steven ay naghahanda ng Breakfast namin.
Bumaba na ako para sumabay sa kanilang mag umagahan, Matagal ng magkaibigan si Kuya Steven at Kuya Kreno, Dahil nag aral sila sa iisang University dati at sa pag kakaalam ko may Girlfriend na si Kuya Steven kaya hindi ko alam kung paano pa sya nakakahanap ng oras para samahan kami dito ni Kuya Kreno, Sa totoo lang Hindi naman nya kami responsibilidad dahil mas priority na dapat nya ang Girlfriend nya pero ito sya pinaglulutuan kami ni Kuya Kreno.
" Ako ang maghahatid sayo, Kenzo " Sabi ni Kuya Kreno.
" Mabuti naman, Grand Master kasi kapag ikaw yung naiiwan dito hindi ka nag lilinis " Nang aasar na sabi ni Kuya Steven kay Kuya Kreno.
" Ahhh, Naglilinis ako " Kuya Kreno.
" Nang ano? " Kuya Steven.
" Nang ano ko " Kuya Kreno.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
FanfictionLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...