Kenzo Villamar POV
Nang hapon na iyon ay sinama ako ni Kuya Kreno sa Hospital para ipatingin at nalamang Hindi ako masyadong umiinom ng gamot dahil na din siguro nakampante ako nitong mga nakaraang linggo na hindi na ako inaatake.
Kahit ganun daw ay kailangan ko pa ding imaintain ang Gamot kahit saan, Dahil walang makakapagsabi kung kailan aatake ang Sakit ko Sakin na sigurado akong hindi na mawawala sa buhay ko.
Siguro mawawala ang sakit na ito kung mawawala din ako.
Agad akong napatigil sa paglalakad ng maisip ko yun, Hindi ko kayang saktan ang sarili ko pero patuloy akong nasasaktan ng nakaraan ko.
Hindi ako iniwan ni kuya Kreno hanggang sa makatulog ako dito sa kwarto, Hindi din nakauwi si Kuya Steven pero nasabi ni kuya Kreno ang nangyari sa kanya kaya oras oras syang nangangamusta kung ayos lang ba ako.
Kinabukasan ay nagising ako sa kama ko na ayos na ang pakiramdam habang si kuya Kreno ay nakatulog na sa upuang nilagay nya sa tabi ng kama ko para masisigurado nyang walang mangyayaring atake sa akin kagabi, Napatingin din ako sa kamay naming magkahawak, Napangiti ako at agad hinimas ang kamay nya.
Si Kuya Kreno, Hindi ko makakalimutan ang pag aalaga sa akin, Gusto ko ding Makalaya na sya sa akin pero dahil sa Sakit ko ay hindi nya ako maiwan, Pangarap nyang makapag abroad para magtrabaho duon ng walang tulong galing sa magulang naming nasa maynila para ipagpatuloy ang negosyo nilang ipapasa sa amin ni kuya sa tamang panahon.
" Kuya " Tawag ko sa kanya at mukha namang nagising sya sa pagyugyog ko ng mahina sa braso nya, Humigpit ang hawak nya sa akin sunod ay nag unat sya at nakita akong nakamasid sa kanya.
" Sorry, Nakatulog ako " Sabi nito, Umayos ako ng upo at tuluyan na naming nabitawan ang kamay ng isa't isa, " Kanina ka pa ba gising? " Kuya Kreno, Umiling ako, " Gusto mo pa bang magpahinga ngayong araw? " Dugtong pa nya.
" Papasok na ako, Kuya " Sabi ko dito, Agad naman syang tumango at tumayo.
" Mag luluto na ako ng breakfast natin " Sabi nito, kaya pagtango ko ay iniwan na nya ako para makapag ayos ng sarili, sabay kong binuksan ang Malamig at mainit na tubig sa Bathtub ko, Paglublob ko dito ay para akong nabuhay muli, Ang sarap sa pakiramdam.
Nang matapos kong maglublob duon ay nagbanlaw na ako sa shower, Amoy na amoy ang After shave ko dahil branded ito, Si Kuya Steven ang bumili, Maingat akong naglagay ng cream sa pisngi ko at maingat na shinave ang nasa buhok buhok dito pababa sa leeg ko, Hmm!! Maganda na ulit, Nilagyan ko naman din ang mga pasa ko sa braso at katawan bago lumabas ng nakatapis lang sa pang ibaba.
Kumuha ako ng panloob ko sunod ay sando at boxer, Sunod ay ang Uniform ko at ang signature kong Jacket pinaibabaw ko pa ang collar ng uniform ko para malaman ng guard na may suot akong uniform sa loob, Pinaibabaw ko naman ang ID sa jacket ko, Pagsakbit ko ng bag ay bumaba na ako.
Naabutan ko si Kuya Kreno na naglalagay na ng plato sa lamesa, tinulungan ko siyang maglagay ng naluto nyang umagahan, Wala pa din si Kuya Steven.
" Okay ka na ba? " Kuya Kreno, Ngumiti ako ng maliit sabay tango.
" Opo " Kuya Kreno, Siya naman ang tumango at nagsimula na kaming mag almusal, Nagsabi siya na sa susunod na sabado ay kailangan naming pumunta ng Maynila dahil may pupuntahan kaming kasal, Kasal ng kaibigan nila mama sa Negosyo.
Tanggap ako ng Pamilya ko bilang ganito, kaya alagang alaga nila ako na parang babae.
" Magtext ka or tumawag sa akin pag may problema, Kenzo Pupunta agad ako " Kuya Kreno, Tumango ako at kinawayan na sya habang paalis ang kotse nya, Nilingon ko ang Front ng school at napangiti.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
FanfictionLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...