Kenzo Villamar POV
Napangiti ako ng makuha ko ang Flying saucer na binato sa akin ni Ralph, It's Sunday Morning kaya nandito kami sa Isang Park para mag picnic, Kasama namin si Kuya Kreno, Kuya Steven, Jeremiah, Ako, Si Ralph, Joshua and Thomas at ang kapatid ni Ralph.
" Ang Galing " Nakangiting puri sa akin ni Ralph kaya ibinato ko din ito patungo sa kanya kaya lang may agad nakakuha nito bago pa lumanding sa kamay ni Ralph.
" Joshua!!! " Inis na sigaw ni Ralph sa kaibigan.
" Pasali naman, Pre!! Ano Ikaw lang masaya? Idamay mo naman kami sa kasiyahan mo " Joshua, " Thomas Oh!! " Agad akong napalingon ng tumabi sa akin si Thomas para kunin ang Flying saucer.
" Go'it " Thomas, Sabay bato ng Flying saucer pabalik sa magkaibigan, Nagkaagawan pa silang dalawa habang kami ni Thomas ay tawang tawa lang, Nagkadaganan pa sila sa damo kaya lumapit na ako para umawat.
" Ako nga eh " Joshua.
" Kami ang naglalaro nito, Pulpol! " Ralph.
" Pasali nga kasi, Damot Damot mo! " Joshua.
" Madamot na kung madamot " Ralph at tuluyan ng nakuha ang Flying saucer tsaka ito tinakbo, Nang lingunin nya ako ay hinawakan agad ako ni Ralph sa kamay para magkahawak kamay kaming lumayo sa kinaroroonan ng mga kasama namin.
Tumatawa kaming tumigil sa pagtakbo palayo, Napahawak ako sa Katawan ng puno habang humihingal, Nang magkatinginan kami ni Ralph ay naglabas agad sya ng cellphone para kunan ako ng litrato, Nang mag agawan kami sa cellphone ay may tumayo mula sa likod ng puno.
" Kenzo? " Nakilala ko ang dalawang tao na magkatabi ngayong nakaharap sa amin ni Ralph.
" Cjay? Ten? " Tawag ko sa mga ito, Ngumiti silang pareho sa akin, Kaya ngumiti din ako, Pero agad din nawala yun ng mapansin ko ang mga Sugat ni Cjay sa braso pati na ang mga Band Aid sa Mukha nya pati Leeg.
" Anong nangyari sayo, Cjay?? Okay Ka lang ba? " Tanong ko dito, Tsaka lumapit para suriin ang mga natamo nya.
" Ayos na siya " Si Ten ang sumagot ng tanong ko kaya nilingon ko si CJay.
Ibang iba sya ngayon, Yung Cjay na palaging malakas ay nagmukhang mahina na ngayon, Sa tingin ko may nangyari talagang hindi maganda sa kanya.
" Ahh, Nandito ba kayo para mag picnic? " Tanong ni Ralph.
" Ahh, Oo Nag liliwaliw lang habang malayo pa ang pasukan " Ten.
" Sumama nalang kayo sa amin " Yaya ni Ralph sa mga ito, Nagkatinginan muna si Cjay at Ten bago tumango, Si Ralph at Ten lang ang nag uusap habang kami ni Cjay ay tahimik lang.
Nang makabalik na kami sa kinaroroonan nila kuya ay nagulat sila ng may bago kaming kasama, Mabuti nalang at nakilala sila ni Kuya Steven, Nang bumalik si Kuya Steven ay sumigla ulit ang bahay, Lalo na ang Kuya Kreno ko, Mukhang nagkaayos na sila.
" Kumain na kayo " Kuya Kreno, Nagkatinginan kami ni Cjay kaya ngumiti ako dito, Parang nung nakaraang buwan lang tinitrigger nya ako, ngayon ang tamlay na nya.
" Pwede ba kitang makausap? " Tanong niya, Tinuro ko ang sarili ko.
" Ako? Bakit? " Tanong ko dito.
" Oo, Tayong dalawa lang " Cjay, Lumingon muna ako sa mga kasama namin, Mukhang importante naman ang pag uusapan namin kaya tumango na ako, tinanguan ko si Jeremiah ng makita nya kaming dalawa ni Cjay na magkasama.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
FanfictionLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...