Kenzo Villamar POV
Lunch namin ng Biyernes ay nagpatawag ng meeting ang lahat ng clubs, Kaya ito ako tahimik na naman sa isang lamesa, Wala naman akong kaclose sa kanila at Pinag uusapan nila ang pwede naming iluto para sa Members ng sports club at dahil ilang sports ang mayroon na clubs sa buong school ay hindi pwedeng isang club lang ang lulutuan namin.
" Ganito nalang, Sa isang Club tatlong member ng cooking club ang magluluto, Kunwari kami ni Ten at king sa Badminton club " Sihestyon ng Vice president ng club.
" Hindi ba parang sobrang bigat naman nun? Ang dami dami ng mga Members ng isang sport club tapos tatlo lang ang magluluto? " Bigla naman singit ni Cjay na kakarating lang at agad tumabi sa akin kaya Nagkatinginan kami.
" Ilan lang din naman kasi tayo, Guys mas mahirap kapag lahat tayo nilutuan lahat ng club, mamaya hindi pa sumakto kaya mas okay yung tatlong tao nalang sa isang club, Mas mapapadali ang trabaho " Sabi ng Vice President, Kinalabit ako ni Cjay kaya lumingon ulit ako sa kanya.
" Partner tayo " Sabi nito, Nagkibit balikat ako dahil hindi ko naman alam kung anong klaseng pagpili ang gagawin ng club namin para mabuo ang tatlong tao sa isang Sport club.
" Paano naman yung Budget? " Tanong naman nung isa pang lalaki.
" Yung Budget, Sa Sport club na yun kasi sila naman yung kakain tayo lang ang magluluto para sa kanila, And Guys chance na din natin ito para mas makilala pa ang club natin, Kasi sa susunod baka tayo na ang magluto ng cafeteria foods " Vice President.
" Okay, Goods na ba tayo guys? " Tanong nito, Kaya sumang ayon nalang kami dahil wala naman kaming ibang maisip na suhestyon, Mas maganda nga siguro yung tatlo sa isang group dahil mas mabigat kapag lahat ng club ay nilutuan namin, magkukulang kulang pa.
" Okay, Ilan ba tayo dito? " Vice President, Binilang nya kami.
" Okay, Gagawa ako ng 8 groups tatlong number lang per group kaya ang number na makuha nyo ay yun na ang grupo nyo, sa likod ay nakasulat na din ang Club na lulutuan nyo kaya Wala ng magrereklamo guys kasi next kailangan may output na tayo ng mga gusto nilang kainin " Vice President.
Isa isa kaming tumayo para kumuha ng papel na may numbers at pag upo ko ay duon ko binuklat ang papel, Number 6 ako at pagtalikod ko ng papel ay Soccer club ang nakasulat, Bigla kong naalala si Ralph.
" Anong number mo? " Tanong ni Cjay sa akin at kinuha ang papel ko.
" 6? Mag kagroup tayo " Natutuwa nitong sabi, Pero ako ay hindi natutuwa nagtaas agad ako ng kamay, Grabeng lakas ng loob ang inipon ko makapagtaas lang ng kamay.
" Yes, Transferee? " Tanong sa akin ng Secretary.
" A-ahhm, Pwede po bang magpapalit ng group? " Lakas loob kong tanong dito kahit naman alam ko na ang kalalabasan nito.
" Hindi pwede, Kung ano ang nabunot nyo yun na ang group nyo, Guys!! Cooperation ang kailangan natin dito, Wala ng magrereklamo, Kung ayaw nyo sa group nyo pwede namang umalis nalang kayo sa Club " Secretary, Unti unti kong ibinaba ang kamay ko.
" Bakit? Anong problema? " Curious na tanong ni Cjay pero hindi ko sya binigyan ng pansin.
" Ayaw mo ba akong kagroup? Well, Wala naman tayong choice " Sabi nito kaya nilingon ko siya, Bakit naman naisip nyang sya ang dahilan bakit ayaw ko sa group.
Ayaw ko sa group 6 kasi Soccer club ang kailangan lutuan at makikita ko duon si Ralph, Nasa iisang school lang kami kaya hindi din imposibleng magkasalubong kami sa iisang lugar.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
FanfictionLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...