Chapter 20

54 4 2
                                    

Kenzo Villamar POV

Pagdating namin sa Manila ay Pumunta muna kami sa Store na bibilhan ng Charger ko, Si Hamu kasi, binigyan ko na nga ng pagkain hindi pa pala siya nabusog duon.

Dumiretso na kami sa Reception dahil tapos na ang kasal sa simbahan, Agad akong niyakap ni mom pagkakita nya sa akin, Hinaplos pa nito ang mukha ko, Dahil din sa sobrang abala nila sa Negosyo nila ay hindi siya nakakabisita o nakakatawag man lang para kamustahin kaming magkapatid.

Pumalakpak kami ng magTose ng mga baso ang mga Bisita kagaya ng ginawa ng Bride and Groom, May ipinakilala pa sa akin si Mom na lalaking anak ng kaibigan nya, Gwapo pero Hindi kagaya nya ang tipo ko.

Nang mag Alas kwatro na ay nagpaalam na ulit kami kay Mom at Dad, Para bumalik na ng Bulacan sinabi pa nilang sa bahay na muna namin kami magpalipas ng gabi, Pero may Trabaho pa si Kuya Kreno sa Computeran na inaplayan nya.

Nakatulog na ako sa byahe namin pabalik ng Bulacan dahil traffic din, Weekend, Uwian ng mga nagspend ng weekend sa galaan, Pagkadating namin sa Bahay ay Si Kuya Steven nalang ang nanduon, Wala na si Ralph.

Mabuti naman.

Humilata ako sa Kama ko at hindi na nakapagpalit bago makatulog ng mahimbing, Nagising ako ng madaling araw dahil may humahawak sa Katawan ko.

Madilim ang buong kwarto at tanging pangalan lang ni Kuya Kreno ang hinahanap ko, Hindi ako makagalaw dahil sa mga hawak palang para akong napaparalisa.

" Tulong! Kuya Kreno! " Sigaw ko pero walang lumalabas na boses sa bibig ko, Nakita ko si Aldrin na nakangising nakatingin sa akin..

Siya na naman!! Siya na naman!!!

Sumigaw ako ng pagkalakas lakas kaya nagising ako na humihingal, Binuksan ko ang Lamp shade ko para kumuha ng isang gamot at lunukin agad ito ng walang iniinom na tubig, Mapait pero nakasanayan ko na din ang lasa nito.

Dahil sa panaginip na iyon ay hindi na ako nakatulog pa ng madaling araw, Nagpalit din ako ng pambahay, Binuksan ko lahat ng ilaw ko para kampante akong wala akong dapat ipag alala, Matapos kong magpalit ay  Kinuha ko nalang ang Cellphone ko para manuod sa Youtube ng mga Cases na meron ako.

May mga gumagaling at meron namang pinili nalang ang magpakamatay para makalimut, Napatingin ako sa palapulsuhan ko, Hindi ko kayang saktan ang sarili ko, Napatingin din ako sa Kamay kong wala ng Benda, Gumaling na ito pero may kaunting gasgas pa na naruon.

Nag Notif ang Facebook kaya binuksan ko iyon, Pinindot ko ang Search at agad lumabas ang Pangalan ni Ralph kaya Pinindot ko iyon tsaka bumungad sa akin ang Timeline nya.

Nagbago ang Ayos nito, Hindi nag iba ang profile pic pero yung cover photo nya ay qoutes about Love, Nag Scroll ako at wala na ang In a relationship status nya with stacey, may ilan post din sya about break up at mukhang nagpaparinigan sila ni Stacey sa Facebook.

Nagbreak sila??

Kinabukasan ay nagising ako sa Katok na nagmula sa pinto ko, Inayos ko ang sarili ko dahil hindi na ako nakaayos pa ng Higa kagabi, Nasa tabi ko ang Laptop na patay na, Nalowbat na din siguro kakagamit ko magdamag.

" Kenzo " Tawag ni kuya Kreno, Kaya bumangon ako sa kama para pagbuksan sya ng pinto.

" Aalis na muna ako ah " Sabi nito paglabukas ko ng pinto, Tumango ako habang nagkukusot ng mata.

" Uwi din ako mga hapon " Kuya Kreno, Tumango ulit ako.

" Si Kuya Steven, Kuya? " Tanong ko dito.

" Mag Gogrocery daw sya para sa bahay nila, Sinabihan ko din na mag grocery siya para dito sa bahay, May gusto ka bang ipabili? " Kuya kreno, Agad akong umiling.

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon