Kier Ralph Ledesma POV
Ang sinabi ni Kuya Kreno at Kuya Steven na babalik sila agad ay hindi na nangyari, Hindi sila nakabalik ngayong hapon, Nandito kami sa Sala nila nakatambay, Nanunuod ng palabas sa TV, Yung katabi ko tulog na ako tawa lang tawa habang nakaakbay sa kanya, Nilingon ko ito tsaka hinimas ang gilid ng ulo nya para marelax sya, Muli akong tumawa sa TV.
Napalakas yata at bahagyang nagising si Kenzo, Sa akin agad sya bumaling ng tingin kaya ngumiti ako sa kanya tsaka Humigpit ang yakap nya.
" Antok ka pa? Lipat ka na kaya sa kwarto mo? " Nag aalala kong tanong dito, Kahit naman kumportable kaming dalawa dito sa Sofa nila mas kumportable kung nakahiga din yung paa nya, Agad syang umiling.
" Wala pa sila Kuya? " Tanong nito.
" Wala pa " Sabi ko dito tsaka tumingin sa oras sa cellphone ko, Bumangon si Kenzo tsaka tinignan ang oras sa cellphone nya.
" Tulog ka pa " Sabi ko dito.
" Anong oras na, Ano oras ka uuwi? " Tanong nya.
" Maya maya, Pag dating nila kuya Kreno " Sabi ko dito, Tumango siya at tumingin sa paligid.
" Bakit? " Tanong ko dito.
" Gusto mo na ba akong umuwi? " may pagtatampo sa boses kong tanong dito, Umiling sya at kinuha ang kamay ko.
" Dito ka lang " Sabi nito kaya ngumiti ako at nilagay ang palad sa ulo nya para guluhin ang magulo nyang buhok, Hinawakan nya ang wrist ko kaya parehas kaming napatigil sa pag ngiti ng makaramdam ako ng kakaibang excitement ng kumagat sya sa labi nya, Ganito ba sya kaexpensive kapag mag lilipbite dati pa? o ngayon lang ito?
" Magccr lang ako " Paalam nito, Tatayo na sana sya kaya lang hinawakan ko na sya sa kamay para hindi makawala, Hinawakan ko ang hita nya para iupo sya sa akin ng nakaharang, Halata sa reaksyon nya na hindi nya inaasahan ang ginawa ko, Pinasadaan ko ng mata ang buong mukha pababa sa katawan nya at sa pagkakaupo nya sa akin.
" Anong gagawin mo sa CR? " Tanong ko, Tsaka nilapit ang ilong ko sa leeg nya, Mapaumaga mapahapon sa school hindi nawawala yung amoy nya sa ilong ko, Parang nakatatak na talaga yung amoy nya sa pagkatao ko.
" Anong ginagawa mo? " Kabado nyang tanong.
Since naging kami Hindi na ako nagtry pang akitin sya, Respeto na din sa trauma na pilit nyang kinakalimutan, Ayoko syang matrigger dahil sa mga halik ko, Oo masakit pero naiintindihan ko na hindi pa ito yung tamang oras na ibigay namin ang sarili sa isa't isa.
We do cuddle, We kissed, Hold Hands, and Hug pero hindi pa talaga kami lumalagpas sa puntong intimate, Gusto ko pero ang inaalala ko si Kenzo, Hindi pa sya handa kaya tama na muna itong akit akit, Kasi makakaligtas naman sya.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
" Mahal kita, Kenzo " Bulong ko dito.
" Mahal din kita, Ralph " Walang pag aalinlangan nyang sagot sa akin kaya nakangiti akong bumitaw, Siya ang unang humalik sa akin, Hindi ito yung Halik namin sa isa't isa na mabagal lang.
Nagsimula ang Klase at ilang linggo din kami hindi nakakapagkita masyado ni Kenzo, Pakiramdam ko mag isa ako kapag wala sya kaya pag tapos ng Laro namin ay tumakbo agad ako sa Locker para makapagpalit ng damit pagtapos ay nagbike agad ako patungo sa Building nila Kenzo, Nakangiti ako ng pinapaandar ko ang Bike na regalo sa akin ni Kenzo pero napatigil din agad ako sa gitna ng kalsada ng makita ko si Kenzo at Jeremiah na magkasama, Hindi lang sila basta magkasama, Nakaakbay pa si Jeremiah at nakangiting nagsasalita sa tenga ni Kenzo.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
Fiksi PenggemarLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...