Dedication for my sister who loves to read this story🫢
kalbokiniskintab_24Kenzo Villamar POV
Sa PE namin ay kailangan naming magsayaw ng by partner at dahil wala namang mga babaeng estudyante ay kanya kanya kaming hanap ng kapareha na lalaki at ang nag alok sa aking maging kapareho ko ay si Jeremiah, Hindi ako marunong sumayaw kaya si Jeremiah ang nag Gaguide sa akin ng tamang step.
Magkahawak ang kamay namin dito sa Quadrangle habang pinapraktice ang sayaw ng magkasama, Kasama namin ang mga kaklase naming nay mga kanya kanya ng kapartner at dahil ang awkward ng sayaw ay puro tawanan lang sila ng tawanan at nagmumurahan dahil hindi nila makuha ang step yung iba nagkakahiyaan dahil hindi naman daw makatarungan na lalaki ang maging kapartner nila sa sayaw.
" Nakuha mo na ba? " Tanong sa akin ni Jeremiah kaya tumango ako.
" Oo, Ang galing mo magturo " sabi ko dito habang pinapanood magbatukan ang mga kaklase namin.
" Simple lang naman kasi yung steps " Sabi niya, Tumango ako dahil tama sya simple lang pero nakakalito kaya kaylangan talaga may maggaguide kung saan ang tamang unahin.
" Kenzo " Mahinang tawag ni Jeremiah kaya nilingon ko siya.
" Hmm? " Tanong ko dito, Kumurap sya at nag iwas ng tingin na para bang nasilaw, Kaya tumingala din ako, Hindi naman ganun kainit sa side namin.
" Jeremiah? " Tawag ko sa kanya para tumingin siya sa akin pero hindi sya lumingon pa, Kaya kumunot ang noo ko.
" Ahmm, Wala " Jeremiah.
" Ano nga yun? " Tanong ko pa.
" Wala yun, Kalimutan mo na Nakalimutan ko din kasi " Sabi niya, Kaya hindi ko na din siya pinilit pang alalahanin iyon.
Nang Hapon ay hinatid ako ni Jeremiah sa Waiting shed at si Kuya Steven ang sumundo sa akin, Kaya bumati si Jeremiah dito kumunot ang noo ni Kuya Steven at mukhang may hinahanap pang ibang tao.
" Hindi mo kasabay si Ralph? " Tanong ni Kuya Steven sa akin.
" Hindi po " Sagot ko dito.
" Sabi ko sa kanya ihatid ka,tuwing hapon " Kuya Steven, Ehh?! Inutusan nya si Ralph?? nilingon ko si Jeremiah na mukhang badtrip, Bakit naman?
" Ahh, Jeremiah Thank you " Sabi ko dito, Agad naman syang tumango sabay ngiti sa amin ni Kuya Steven.
Nang makaalis kami sa Tapat ng School ay nilingon ko si Kuya Steven para tanungin habang nagdadrive sya.
" Kuya Steven, Inutusan mo nga si Ralph? " Tanong ko dito.
" Oo, Kasama yun sa bayad sa kanya, Hindi mo ba sya nakita sa School nyo? " Kuya Steven agad akong umiling.
" Hindi po, Kaninang umaga lang " Sabi ko dito.
Kinabukasan ay Pagtapos kong magpacheck ng Bag sa Guard ay naabutan ko na naman si Ralph na naghihintay sa Loob at nang makita nya ako ay sumilay ang ngiti sa kanya, Ako naman ay nangunot ang noo dahil sa nakita kong pasa sa Gilid ng labi niya at nagbaviolet na pasa sa Gilid ng sintido nya.
Agad akong lumapit sa kanya.
" Anong nangyari sa mukha mo? " Tanong ko dito, Ngumisi siya at agad napaaray ng maramdaman ang pagkirot ng mga pasa nya.
" Wala, Nadapa lang ako sa hagdan tapos tumama yung ulo ko sa bato tapos nahulog ako sayo " Ralph, Parehas kaming nagreak sa huli nyang sinabi.
" Ano? " Hindi makapaniwala kong tanong dito.
BINABASA MO ANG
Ralph To Kenzo (BL) [Completed]
FanfictionLahat ng mga Tao ay may karanasang hindi magawang kalimutan, Yung iba karanasang masasaya, Karanasang malungkot, Karanasanv hindi mo maiisip na mararanasan mo pala sa isang taong pinagkakatiwalaan mo. Isang Estudyante ng pribadong Paaralan si Kenzo...