CHAPTER 11: THE MAIDS

136 4 0
                                    

M A T H E O

"Nasawi ang dalawa dahil sa pagkalason, ang kakaiba doon e.. isa itong uri ng lason na hindi ko pa narinig sa buong buhay ko bilang doctor.. recognizable ang lason pero ang nakakapagtaka e galing pa ito ng russia.." Saad ng doktor karating namin roon, agad kong binuhat ang isa sa mga katulong habang si mendoza ang sa isa at agad na dinala sa hospital, pero huli na ang lahat. Pinapahanap ko ngayon kay Reyes ang telepono ng dalawa upang mabuksan st matawagan ang mga mahal nila sa buhay, upang malaman ang sinapit nila.

"Russia? Anong lason 'yon?" Tanong ni bossing.
"Novichok.. ayon sa aking research e isa itong military-grade nerve agent na ginawa pa noong nga panahon Soviet Union, kung tutuusin ay dapat nanghina lang sila at nagkasakit, pero sa dami nang nainom nila huli na ang lahat. Sa tingin ko ay umepekto na ang lason gabi pa lang, pero hindi sila nagsabi sa inyo, kaya siguro doon sila sa kusina binawian ng buhay." Dagdag na pagpapaliwanag ng doktor habang inilabas ang mga bangkay at idinaan sa aming harapan, napakuyom ako sa inis. Ngayon ko na nararamdaman na talagang may foul play na naganap, hindi ito basta-basta pagkitil ng sariling buhay, this is murder.

"Ininom? Bakit naman nila iinumin kung masama ang lasa n'on? I know Novichok, I was once poisoned in Taiwan.. mabuti na lamang at 'di ako ganoon kalakas tinablan." Dagdag ni bossing, ahh 'yon ba 'yon? Ang mga panahon na nalason siya sa una naming misyon. "According sa tests at results na aming ginawa e.. hinalo sa juice ang lason, dahil litaw sa resulta na juice lang naman ang ininom ng dalawa kasama ang lason na na-intake rin nila. Tingin ko ay sadya ito, pero sana ay 'wag niyong masamain pero natatakot ako para sa sarili kong buhay lalo na at ngayon lang ako nadamay sa ganitong kaso, may mga pulis ba!" Pwera biro ng doktor, naiintindihan ko at sigurado naman akong pati si bossing. Sino ba namang hindi matatakot, doktor ka tapos yung iniimbistigahan mo e pinatay o napatay.

Habang kausap ko ang doktor ay lumayo saglit si bossing para tawagin si Epsilon Lucas para maghanap ng bote ng juice at ipadala kaagad ang mga natirang katulong sa mansiyon dahil baka pati sila ay nalason. Pagbalik niya nagpaalam nang umalis ang doktor, "Inutusan ko na sila Lucas.. takot na takot daw 'yong mga natirang katulong na naiwan sa kuwarto, naghanap lang pala nang maiinom na tubig ang dalawang nasawi dahil sa init na nararamdaman nila pero hindi nila alam namamatay na sila unti-unti." Ipinasok nito ang mga kamay niya sa kaniyang bulsa, napabuntong hininga na lamang ako bago naglakad palabas ng hospital kasama si bossing.

"Bossing tingin mo ba.. sadyang pinatay talaga si Ms. Fleur?"
"Ano ba ang ibang naiisip mo? Debut niya at trip niya mag-sky diving?" Sagot nito, napailing na lang ako. Minsan at napaka pilosopo rin ni bossing.

Ako ang nagmaneho ng kotse kasama si mendoza, si bossing naman e humarurot paalis, sa mga panahon na 'to walang tumatakbo sa isip ko, hinahangad ko na lamang na agad dumating ang mga karagdagang detalye tungkol sa mga kasalukuyang iniimbistagahan. Kumbaga sa nakasanayang imbestigasyon, kami na ang kakalap ng impormasyon mula sa posibleng suspek, pero kung sa mga pulis ay magtatanong pa kung totoo ba na ginawa niya ang ganito o ganiyan, sa amin ay pagmamatyag lang nang mga nakaraang gawain ng mga posibleng suspek, at kung meron man na magtu-turo na siya nga ay kasali sa nangyaring krimen, ito ay agad na huhulihin.

Marami pa kaming gagawin, at hindi ko na maramdaman ang pisngi ko sa pagod. Hindi rin nagtagal ay narating namin ang mansiyon, naroroon pa rin ang mga media at nahirapan kaming makaraan, nauna sa amin si bossing ng apat na minuto.

Si Reyes na rin ang nagpatawag sa lahat ng mga bisita na nananatili sa kaniya-kaniyang kuwarto, dapat nilang malaman ang totoo. Nahanap na rin ni Reyes at nahagilap ang numero ng mga magulang nang mga nasawing biktima at sila ay paparating na, isa-isang bumaba ang mga ito at nangunguna si Mr. Dazmon Visokovich.

"Anong meron? May nangyari ba? May nalaman na ba kayo?" Agad nitong tanong nang makalapit sa amin, hindi ko alam ang sasabihin ko gayong hindi maganda ang balita, lalo na at hindi ko alam paano sasabihin sa matanda na naghihintay nang magandang balita.

'Ilang hindi magandang balita pa ba ang darating bago makamit ang pinaka-puno't-dulo nang lahat ng ito.'

"Magandang hapon sa inyong lahat.. sana ay manatili kayong kalmado sa aming sasabihin.." Lumingon ako kay bossig na siya na lamsng nagsalita matapos mapansin ang pagdadalawang isip ko. Sa hindi inaasahang pangyayari.. nasawi ang dalawa sa inyong mga katulong, sila ay nagngangalang Louisa Fernandez at Anne Feliciano. Natagpuan silang nakahandusay at wala nang buhay sa kusina, at sila ay-" Hindi pa man natapos ni bossing ang kaniyang sinasabi nang sumigaw ang mga kababaihan sa takot.

"Omg! Nagmu-multo na siya!"
"How can it be Fleur! She will never do this!"
"Hindi kaya't nagre-revenge na siya?!"
"Oh my God!"

"Bago kayo tumili na parang mga napilayang palaka e hintayin niyo muna akong matapos, naghanap lamang sana nang maiinom ang dalawa nang umepekto na ang lason sa kanila, na ikinasira ng kanilang mga lamang loob." Prangkang sagot nito na ikinagulat ng iba, ang iba ay makikitang iretable at nainis sa sinagot nito, walang preno ang bibig ni bossing lalo na sa mga maaarte.

"L-Lason? Lason? Paano- bakit naman may manglalason sa kanila?" Agad na tanong ni Mr. Dazmon, kinuha ko ang monitor tablet na hawak ni Mendoza nang ipakita niya ito sakin, pinapakita nito ang mga lokasyon kung nasaan nakaturo ang mga cctv, pero ang nakakapagtaka ay lahat 'yon ay hindi gumagana.

"Lason Mr. Dazmon, lason. At ang pinaka-punto nang pangyayari na ito ay hindi tinapos ng inyong apo ang kaniyang sariling buhay, ngunit siya ay pinatay, at hindi lamang sa isang paraan, ngunit mas marami pa sa isa.." Karagdagang pagsindak nito sa mga taong nasa harapan naming lahat, maririnig ang iilang hikbi ng ilan, habang ay iba ay nahirapang huminga.

"Dagdagan ang bantay sa kanila, sa mga oras na ito. Anyone can be the suspect."

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now