M A T H E O
Sa bawat salitang sabihin ni Dr. Jose Fernandez ay parang lalo akong nasisiraan ng bait, paano naman nangyari 'yon? Paano? Paano at paano? Paulit-ulit kong iniisip kung paano pero wala akong maisip na sagot! Bakit ba ganito ang mga nagaganap? Agent ba talaga ako? Pero bakit parang hanggang ngayon wala pa rin akong magawang tama!
"Tinawag ko ang headquarters dahil alam kong may posibilidad na itakbo niyo si Victoria, naging kasama niyo siya sa maraming taon at hindi na imposible 'yon." Dagdag ng doktor, napahilamos ako sa aking mukha bago tumayo muli.
"Mawalang galang na Dr. Jose, p'wede bang manahimik muna kayo? Naiintindihan ko kayo pero ang gulo nang paraan na ginawa ninyo? Ha? Alam niyo ba ang parusa na ipinapataw sa mga espiya na nahuhilo sa departamento natin?" Tanong ko rito habang lumalapit ako papunta sa kaniya, kinakabahan na naglakad ito paatras palayo sa akin.
"Tumigil ka na Matheo, narito na sila." Kinakabahan akong nakinig sa paligid at narinig ang mga yabag ng maaaring bente katao, hinintay kong may magbukas ng pintuan at hindi nga ako nagkakamali. Inilabas ng pintuan si Francess Sarmiento, ang omega ng district sixteen, isa sa mga nagnanais noon pa man na makuha ang posisyon ni bossing.
"Nice to see you Matheo, ano? Pagiba na ba ang district seventeen?" Ngisi-ngising tanong nito sa akin, tinaasan ko lamang ito ng kilay. "Francess, tara na ano ba?" Tawag sa kaniya ng isang lalaki sa may labas ng pintuan, hindi ko na agad napansin kung sino ba ito ngunit nanginginig ako sa inis at galit. Sunod kaming lumabas ni Reyes at Mendoza papunta sa kuwarto kung nasasaan si Victoria sa pamamagitan nang pagsunod sa kanila.
"Agent Victoria Salvador, inuutusan kang sumama sa amin nang tahimik at matiwasay. Ikaw ay pinaghihinalaang nagkasala sa ilalim ng batas ng S.H.I.E.L.D."
"Ano bang pinagsasabi niyo? Mga adik ba kayo?" Rinig ko na kaagad ang pagtaas ng boses ni bossing, nagaalala akong pumasok pero sinubukan akong pigilan ng iilan sa mga tao ni omega Francess."Sumama ka na lang nang maayos, taksil." Pangaasar pa nito kay bossing. "At talaga lang ha? Matheo, ano ba 'to?! Anong nangyayari!" Sigaw na tanong nito sa akin nang hawakan na ang kaniyang dalawang braso. Napayuko na lamang ako bago nagisip nang ibang paraan.
"Bossing.. sumama ka na lang muna, at 'wag ka munang magsasalita." Pinilit kong lumapit sa kaniya para pakalmahin siya, kunot noo siyang nakinig sa akin bago siya hinila papaalis ng kampo ni Sarmiento kasama ang mga bata nito. Hindi ko maisip kung ano ang mga dapat kong gawin lalo na at kahit alam ko na, na maaari ngang espiya si bossing, pero naniniwala ako na hindi siya gan'on. Sa tagal na magkasama kami ay kilala ko na siya, hindi niya magagawa 'yon.
"Ano na niyan gagawin natin, alpha?" Tanong ni Mendoza. "Alam kong hindi 'yon magagawa ni bossing, alpha. Gawan natin nang paraan." Sagot ni Reyes sa akin, sa tingin ko ay dapat malaman rin ni Gonzales at Santos ang mga naganap at inutusan ko na lamang na ipag-bigay-alam nila 'yon sa kanila habang pinagdesisyunan kong tawagan si Salvador. Isaac Salvador, ang director ng departamento. Dahil paano naman 'to nangyari? Hindi ba't anak niya si bossing? Paano nangyari na ang isang katulad niya na nasa pinaka taas na posisyon ay nagawang magkaroon nang gan'ong– basta! Hindi ko na maintindihan ang mga nagaganap, masyadong mabilis! At bawat segundo ay importante!
Ilang segundong tumunog ang tawag bago nito sinagot ni Salvador. "Ano 'yon, agent Matheo Santos?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. "Nasaan kayo? At alam niyo ba ang mga nagaganap? Kung nasaan man kayo ay dapat tayong magkita sa headquarters, dadalhin sa kataas-taasang hukuman ang anak ninyo." Agad kong pagputol sa mga susunod niyang maaaring sambitin, umigting ang katahimikan sa kabilang linya at narinig ko na lamang ang mga sunod-sunod niyang malalim na paghinga. "Nasa ilocos ako, pero I will come back there as soon as possible, make sure that my daughter will not say a thing, anything that she will say will be use against her." Matapos n'on ay pinatay na nito ang tawag, kahit pa na madalas kong asarin ang ama ni bossing ay ngayon ko siya kakapitan.
Kahit pa na nabigla at nasaktan ako sa mga nalaman ko hindi ako dapat magpadalos-dalos, kilala ko si Victoria, sa tagal nang panahon na magkasama kami ay alam kong hindi niya 'yon magagawa.
'Victoria.. sino ka ba talaga?'
______________________________
"Sagutin mo ang aking mga katanungan, espiya ka ba ng kalaban?" Tanong ng kung sino mang lalaki sa kaniya, isa ito sa mga imbestigador na saklaw sa departamento ng kataas-taasang hukuman, ang tagapag-pataw ng batas at kapayapaan.
Nanatiling tahimik at hindi kumikibo si Victoria, batid niya na isang salita lang ay maaari na itong gamitin laban sa kaniya. Gusto niyang manghingi nang tulong, pero papaano? Papaano at kung kanino gayong nakakandado siya sa kaniyang upuan?
Batid ng lahat kung gaano siya kadelikado bilang isang agent, sa loob nang tatlong segundo ay kaya niyang makapatay nang lima katao, ganoon siya kabagsik, ganoong na lamang rin ang dahilan kung bakit siya ang pangalawa sa posisyon ng mga magagaling na agent ng S.H.I.E.L.D. Ama niya ang nangunguna, si Isaac Salvador.
Habang pilit na tinatanong ng mga katanungan na gustong malaman ng lahat, nanatiling nanonood sa may labas si Francess Sarmiento, ang omega ng district sixteen. Isa sa mga naghahangad na makuha ang puwesto ni omega vespera, ang nagiisang Victoria Salvador. Katabi nito ay si Gallileo Lazaro, ang alpha ng district sixteen.
Silang dalawa ang sumusunod sa ranggo, bilang isang agent nasusukat ang ranggo batay sa mga nakamit na tagumpay, kasama na rin nang husay at galing. Pero kahit anong determinasyon at husay sa trabaho ay hindi nila mahigitan ang dalawa, kaya noon pa lamang ay kinaiinisan na nila ang mga ito, lalo na at sila ang hadlang sa lahat.
"Kung pu-puwede lamang ay ako na ang sasaksak sa kaniya." Bulong ni omega Francess, bahagya siyang tinapunan nang tingin ni Gallileo Lazaro bago muling tumingin sa loob ng silid kung saan salamin lamang ang pagitan mula sa kanila at nang sa mga nagaganap sa loob.
"Kanino ka nagta-trabaho? Sagutin mo ang aking katanungan!" Sigaw ng lalaki na nagtatanong at nagpupumilit kay Victoria Salvador. Tinignan lamang niya ito nang masama at hindi na umimik pang muli.
Mabilis na lumipas ang segundo, minuto at maging oras. Inaasahan ni Victoria, na darating ang kaniyang ama na iniisip niyang wala ito sa mga kasalukuyan na panahon. Hindi takot mamatay si Victoria, bagamat takot siya at naiinis mamatay sa kadahilang maling pagaakusa sa mga bagay na hindi naman niya ginawa. Maging si Matheo at ang mga kagrupo niya ay wala.
Siya ay iginapos sa isang silid habang hinihintay dumating ang tatlong hukom na tagapagpasya, ang tatlong tagapagpataw nang kaparusan sa sino mang nagkasala. Sa tagal nang panahon ay ngayon lamang siya naluha.
YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystery / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...