M A T H E O
Pinunasan ko ang mukha ko matapos kong maghilamos, kahit kailan talaga napaka-bangis mag-ensayo ni bossing. "Alpha dela Cruz! Pinapatawag tayo ni director Salvador!" Tawag ni agent Beta Reges sakin, inis naman akong tumingin sa kaniya "Ni hindi pa man ako nakagamit ng palikuran e tumatawag na si balbaro! Ano daw ba ang kailangan niya at anong oras na ngayon niya pa tayo pinapatawag?" Nagsuklay ako ng buhok habang hinihintay na sagutin ni Liwanag ang tanong ko "Mission daw! Investigation! District natin ang naatasan!" Agad akong lumingon sa kaniya nang may gulat at agad na nagbihis, tumakbo na kami ng kampo papunta sa opisina ng balbaro naming direktor, hinihintay na pala ako ng buong kampo at hindi man lang sinabi sa akin agad ni Reyes.
Nasa pinaka camp ng S.W.O.R.D. kami nagpahinga matapos ang matagal na bakbakan sa sulu matapos tangkain angkinin ng mga pirata ang isang palayan doon, apat na araw pa lang ang nakakalipas at may bagong proyekto na naman. Kung ako ang tatanungin, pagod na ako at gustong magpahinga nang kahit isang linggo lamang. Pero investigation ang kahit kailan hindi ko pa nagawa dahil sa laging hindi kami ang naaatasan doon, isa itong bagong pamamaraan ng pagtrabaho para sa amin. Imbestigasyon ang hindi ko pa nagagawa kahit pa na matagal na akong agent ng S.W.O.R.D. Tinahak namin ang daan papunta sa opisina ni director Salvador, iilan na lamang nga ang nasa labas dahil oras na para matulog ang may curfew and headquarters.
"Magandang gabi agent Matheo Santos.. at maging ang buong district 17.. alam kong dis oras na ng gabi pero may emergency investigation na kailangang maganap at ang kampo niyo ang napili ko lalo na at ang omega niyo mismo ang tumanggap ng assignment." Pagbati ni balbaro, tumaas agad ang kilay ko.
'Tinanggap kaagad ni bossing? E 'yon ang tipo ng taong hindi tumatanggap ng assignment na biglaang ibibigay lalo na at gabi na e..'
"May inasikaso lamang ang omega niyo sa saglit na panahon at nais niyang ipabatid ko sa inyo na kayo ay mapapasabak sa matinding pag-imbestiga, sa katunayan e kaibigan ko ang namatayan at ako ay aligagang matulungan siya sa lalong madaling panahon.. eto ang karagdagang impormasyon mula sa biktima.. nariyan na rin ang address na inyong pupuntahan." Ibinigay isa-isa ni balbaro ang mga folder sa aming lima habang ang mga susunod na ranggo na miyembro ng aming kampo ay naghintay sa labas.
Nang buksan ko ang folder na ibinigay ni balbaro ay natanaw ko ang litrato ng tila pamilyar na babae "Fleur Amaranth Senclaire Visokovich? Hindi ba't eto ay ang apo ng nagtatag ng unibersidad ng Visokovich?" Tumango na lamang si tanda sa akin katanungan, tila biglaan naman yata ang kaniyang pagkamatay? Sinubukan kong hanapin ang kaniyang autopsy report ngunit wala iyon rito.
"Bago mo pa tanungin kung nasaan ang autopsy report ay wala pa, agad ko kayong ipinatawag rito dahil as of the moment. Isang oras pa lamang ang nakakalipas matapos mamatay ang biktima at agad akong tinawag ni Dazmon Visokovich upang magpadala ng magimbestiga ukol sa misteryosong aksidente ng kaniyang apo na nauwi sa kaniyang pagkasawi. Sa pagkakaalam ko ay nahulog siya mula sa dalawampu't dalawang talampakang tore at bumagsak siya sa mga naitanim na rosas na punong-puno ng malalaking tinik na nakadagdag sa mga natamo niyang sugat at pinsala." Patuloy kong tinitigan ang litrato ng biktima at tila ba kilalang-kilala ko ito, na para bang matagal ko na siyang kilala.
"Agent Matheo Santos, ikaw ay aking pinagkakatiwalaan na tulungan ang iyong mga miyembro upang maitaguyod nang maayos ang inyong misyon. Pumunta na kayo agad sa inyong itinalagang lokasyon at isagawa ang misyon nang may tiyaga at kahusayan. Ang panahon ay mahalaga, gawin ang inyong tungkulin nang mabilis at mahusay." Dinala na namin ang mga folder dahil ito ang pagbabasehan naming impormasyon at hintayin na lamang ang karagdagang iba pa, biigyan niya kami nang huling permiso bago umalis papunta sa lugar nang pinangyarihan.
YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystère / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...