V I C T O R I A
Gusto ko man agad-agad na tanungin si Mr. Dazmon ay hindi naman p'wede, lalo na at kasalukuyan pa rin siyang nagpapahinga. Gusto ko rin naman malaman ang kalagayan niya ngayong patuloy naming tinatapos ang kaso, maraming nabunyag sa saglit na panahon ngunit hindi pa rin umaamin o nalalaman kung sino ba talaga ang pumatay sa biktima, kung sakaling hindi nga si Damon ang pumatay sa biktima.
Narating ko ang hospital kung nasaan kasalukuyang naka-confine si Mr. Dazmon, pasasalamat ko na wala ang asawa nito na panigurado ay tatabuyin ako palayo, nasisiguro ko na naghahanap ito ng mga abogado para sa mga anak nito, pero gagawin ko ang lahat maidala lamang ang tatlo sa dapat nilang kalagyan.
"Ahh.. room 4142 pa rin ang kuwarto ni Mr. Dazmon, tama ba?" Tanong ko sa nurse na nagbabantay sa may entrada, tinignan nito ang kaniyang computer. "Opo, gising na po si Mr. Dazmon at kasalukuyan pong kumakain ng almusal." Ngumiti ako bago nilisan ang pwesto g nurse.
Nasa ikalawang palapag ang kuwarto kung saan nananatili si Mr. Dazmon kaya ginamit ko ang hagdan dahil alam kong may katagalan bumaba ang elevator, nang marating ang kuwarto ay nadatnan ko ang dalawang Epsilon na inutusan kong magbantay, nararamdaman ko na parang malingat lang ako ay baka kung ano na ang mangyari kay Mr. Dazmon, mahirap na.
"Magandang araw po, omega."
"Magandang araw po, omega Victoria." Bati ng mga ito, tumango ako bilang tugon bago kumatok at buksan ang pintuan."Mr. Dazmon?"
"O, Victoria? Ikaw pala 'yan, pumasok ka." Narinig kong sagot nito, pumasok ako sa loob at tinignan ang kalagayan niya. May dextrose itong nakaturok sa kaniya pero, bumuti naman ang itsura niya kumpara kahapon. May edad na si Mr. Dazmon at bawal siyang mastress.'Dapat ko bang tanungin si Mr. Dazmon, ngayon mismo?'
"Kamusta ka? Naparito ka, may kailangan ka bang itanong?" Tanong nito, napailing na lamang ako para itabi pansamantala ang mga katanungan na gusto kong ibigay sa kaniya, hindi ko nanaisin na makadagdag sa problema, hinanakit at galit na nararamdaman niya, lalo na ngayon na kumpirmadong tatlo sa mga anak niya ang nagtangkang manakit sa kaniyang sariling pamangkin.
"Gusto ko lamang malaman ang kalagayan niyo, Mr. Dazmon. Masarap ba ang pagkain na ibinigay sa inyo?" Umupo ako sa kaniyang tabi, ngumuso ito at tinabi ang plato na may kanin at mangkok na may sabaw ng sinigang. "Yes.. they feed me well here, may I know now what's happening with.." Natigilan ito sa susunod sanang sasabihin na agad ko na lamang inintindi, napapikit ako bago tumango.
"Pasensya na.. Mr. Dazmon, pero– umamin na ang mga anak mo. Pero.. ang misis niyo, gustong bigyan at hanapan ng abogado ang tatlo niyong anak dahil wala na silang panggastos sa abogado matapos niyong ipatigil ang mga ATM cards nila." Pagpapaliwanag ko, bahagya itong nagulat pero sa kabilang banda ay parang inaasahan niya na rin.
Ramdam ko ang pagod ni Mr. Dazmon, napalapit na ako sa kaniya lalo na at lagi ko siyang nakakasama. Mapait na pangyayari ang lahat, at susubukan kong protektahan siya sa lahat nang makakaya ko.
"Just.. do what you think is right, I've how Salvador works and I trust him. Nagawa ka niyang palakihin para maging isang mabuting tao, maraming salamat, Victoria." Pagpapasalamat nito ang tinapik ang aking kamay, susubukan kong gawin ang lahat, malaman lang ang katotohanan.
YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystery / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...