M A T H E O
Nagising akong may matinding sakit ng ulo, nanghingi na lamang ako ng gamot kay Reyes para mawala ang sakit n'on. Alas-otso na ng umaga, at isang oras matapos kaming pagsabihan ni Mr. Dazmon na bukas ay magsasalita na siya tungkol sa nangyari sa media. Maging siya daw ay naiirita na sa nagkukumpulang media sa labas ng gate ng mansyon, madalas ay lalong nagbabaga ang mga problemang nagaganap kapag nakikialam ang media. 'Yon bang hindi sila makahintay?
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakuhang resulta kagabi, na hindi linagay sa juice ang lason kung hindi sa yelo. Pinagmamasdan ko ang linalaman ng ref nang humahangos na dumating si Maria palapit sakin. "Oh? Napano ka Maria? May humahabol ba sa'yo?" Agad kong tanong at tumingin sa may likuran niya, parang wala namang humahabol sa kaniya.
"S-Ser! Tumakbo ako papunta dito dahil may naalala po pala ako!" Sagot nito habang nakakapit sa braso ko. "Reyes!" Sigaw ko, may naalala kuno ito at kailangan itong mai-dokumento para sa karagdagang imbestigasyon.
"Yes alpha!"
"Isulat mo lahat nang sasabihin ni Maria."
"Masusunod po!"Bumaling ang tingin ko kay Maria at binigyan siya ng tubig, agad niya itong linagok bago kumalma. "'Yong juice ho? Yung juice ho! Yung juice ho na ininom ni Anne at Louisa, para kay ma'am Fleur ho 'yon! Pero tatlong araw na ang nakakaraan na hindi siya uminom, gawa po yata nang abala siya sa pag-ayos ng passport niya para umalis ng bansa kasama si ser Dazmon at ma'am Lancy." Kuwento nito na ikinagulat ko, tatlong araw na ang nakakalipas? Pero kung ganoon, sino naman ang naglagay ng yelo na 'yon?
"Naaalala mo ba kung.. magkasama sa parehong araw 'yong bote ng juice at yung mga yelo? Napansin mo ba?" Tanong ko rito, hinihingal pa rin ito nang bahagya bago sumagot sa akin. "Opo! Kaso nga lang po e nahugasan na 'yong lagayan ng yelo dahil naubos na ni Louisa at ni Anne kakainom nung juice na 'yon.. kaya kung sakali man na may hinahanap kayo diyan ser e wala na, wala ring laman lahat ang ref sa likuran dahil inutusan niyo ang isa sa mga tauhan niyo na itapon lahat ang laman ng ref dahil baka nahawahan ng lason. Wala rin naman hong nagluluto sa ngayon dahil baka may malason na naman po." Dagdag nito, kung tatlong araw ang tinagal ng juice at yelo sa ref e ilang araw na ang nakalipas bago pa mangyari ang insidenteng nahulog ang biktima mula sa dalawampu't dalawang talampakang tore.
Kung tutuusin ay posibleng iisa lamang ang may gawa nito pero batay sa aming imbestigasyon at pagmamatyag, mainit ang paningin nang karamihan sa sana ay magmamana ng lahat ng itinayo ni Dazmon Marco Visokovich, na naghatid sa kaniyang huling hantungan.
Wala si bossing sa araw na 'to at agad na umalis para tignan ang kalagayan ng bangkay ni Fleur Amaranth sa morgue, kasalukuyan itong naka-freeze dahil hindi pa pu-puwedeng magsagawa ng burol dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon, ang hiling sana ni Mr. Dazmon ay magmadali, pero sa dami nang nadamay sa pagkakataon na 'to ay baka isang buwan pa ang itagal.
"Ikaw si.. Magdalene Visokovich.. anak ka ni Danilo at Faith Visokovich.. tama ba?" Tanong ko, pang-apat na araw na ng imbestigasyon at naka-pitong tao na kami. Hindi namin magawang bilisan ang proseso gayong maraming detalye ang kailangang pagaralang mabuti. "Yes.. puwede bang pakidalian? Bagal much?" Sagot nito, tingin ko ay kailangan kong magtiis dahil tila maldita ang anak mayaman na 'to.
"Ehem.. pakisalaysay ang mga ginawa mo sa araw na nangyari ang insidente." Saad ko, inikot nito ang kaniyang mga mata bago nagsalita. "I went out shopping early in the morning since I had nothing to wear.. then of course I prepared myself elegantly.. maaga kaming pina-ayos ni dad dahil magba-biyabe pa nga. I'm the one na pumili ng hotel dahil ayaw ko sa pi-pityugin na hotel na hindi malinis, to be honest I was always with my parents that night at ayaw kong umalis and thankfully I did that. Close ako kay Fleur noong bata pa kami but sinabihan ako ni dad na lumayo sa kaniya na agad ko naman sinundan, who knows what could be the reason? What if nung bata ako pinatay ako ng pamilya ng mga baliw diba?" Kuwento nito at tumawa, agad akong nagtaka.
YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystery / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...