M A T H E O
Kampante ako na ayos lang ang kalagayan niya, na bumalik siyang buo at buhay. 'Yon lang naman ang gusto ko, 'yon lang. Na malamang ayos lang siya, na magiging ayos lang ang lahat.
"Tara na, hinihintay na tayo sa labas, dela Cruz." Ngumisi na lamang ako bago ipinasok ang aking mga kamay sa aking bulsa, abot langit na pagpipigil ang ginawa ko lalo na at nasa gitna kami nang trabaho at hindi p'wedeng gawin 'yon.
Daretso ang itsura nila Reyes at nagpipigil nang ngiti nang kami ay lumabas mula sa silid kung saan kami nagusap ni bossing. "Alpha, bossing. Nasa sala na po ang mga bisita." Tugon na salubong ni Mendoza matapos dumating galing siguro sa sala.
Tumango lamang ako bago naunang naglakad kasabay si Victoria, bumaba kami dala-dala ang aming mga kagamitan. "O,Victoria, I haven't seen you for a while. Kamusta?" 'Yon ang bungad na tanong ni Mr. Dazmon, saglit akong tinignan ni Victoria bago muling tumingin kay Mr. Dazmon na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa. "May kinailangan lamang akong asikasuhin, handa na ho ba ang lahat?" Hindi nito sinabi ang totoong dahilan, upang maiwasan ang gulo, panigurado ay may maiinis at hindi na muli pang magtitiwala pa sa amin kahit pa na isang pagkakamali lang pala ang lahat.
"Napaka-kupad magtrabaho ng mga ito." Mahinang bulalas ni Mrs. Lancy Visokovich. Hindi kami pa muling umimik dahil baka sadyang gan'on lang talaga siya, lalo na at nawalan siya ng apo.
Tumayo sa may kataasang palapag si Victoria upang sabihin ang mga kailangan gawin. "Magandang araw sa inyong lahat, unang-una ay.. nagpapasalamat kami sa inyong pakikipagtulungan sa amin, isang malaking pasensya rin sa itinagal nang imbestigasyon na ito," Panimula nito sa malakas na tono, naagawa nito ang atensyon ng mga bisitang nagmamadali na ring umalis at bumalik sa kani-kanilang mga buhay.
"May isang hiling lang kami.." Dagdag nito, dahan-dahan na isinara sa pagkakakilala ko ay si Ms. Diana iyon, ang nagsara nang hawak-hawak na libro. "Anong hiling? Pera? Ginto? Ano ang gusto niyong hingiin mula sa pamilya ko?" Sarkastikong tanong nito at tumawa sa harapan ni Victoria. Agad na akmang hihilahin ng ama nito ito sa braso. "Diana, anak, please not now.." Pakikiusap nito, nanatiling propesyonal kami sa aming tungkulin lalo na at mga dugong bughaw pa ang aming pinagtrabauhan, kulang na lang ay utusan nila kami magtimpla ng kape.
"Ano ba, papa? Stop being blind, halata naman na they're only here for your money, our money!" Bahagyang tumaas ang tono nito, hinawakan ng ama nito ito sa magkabilang balikat. "Ms. Diana Visokovich.." Pagtawag ni Victoria, napalunok ako at tumayo sa kaniyang tabi, batid ko na baka harap-harapan pa nitong pagsasagot-sagutin ito na siyang dapat hindi mangyari.
"Hindi kami humahabol sa pera, lalong-lalo na ang misyon na 'to ay hindi bayad. Kung may pera man kayong ipinagdadamot, inyong-inyo na." Bulalas ni Victoria, ni walang pakialam niyang sinabi 'yon ngunit nabastusan at nagalit lalo ang anak ni Mr. Dazmon, sinubukan ko siyang pakalmahin pero dulot yata nang matrabahong linggo ay madali siyang mainis. "Victoria, kumalma ka, nakikiusap ako." Tinapik ko ang balikat nito. "Ako na ang bahala, mauna na kayo ni Reyes sa labas." Pinagmasdan ko si Reyes para samahan si Victoria, nabigla man ako na agad siyang pumayag at lumabas kasama si Reyes ay mas mabuti naman 'yon.
Muli akong lumingon sa kanila. "Pagpapaumanhin, magpapatuloy ako sa dapat naming sabihin." Saad ko, ang lahat ng mga ito ay nakatingin na sa akin ngayon. "Maguumpisa na ang lamay para kay Ms. Fleur Amaranth ngunit, ayon sa hiling ni Mr. Dazmon ay nais niyang naroon kami upang magbigay proteksyon sa inyong lahat, at ayon rin sa iilan niyang hiling ay manatili kayong aktibo upang makipagtulungan sa imbestigasyon." Pagpapaliwanag ko, kumunot ang noo ng ilan habang nabahala naman ang iba.
"At ano ang mangyayari kapag hindi kami nakipagtulungan?" Tanong ng isang may edad ng lalaki na kawangis ni Mr. Dazmon, ito yata ay si Mr. Danilo. "Ito ay isang importanteng proses lalo na at patuloy kaming nagiimbestiga, hindi ko masasagot ang inyong katanungan ngunit sana ay makipagtulungan ang lahat." Iyon na lamang ang aking sinagot.
Aminado mang may iilang pagkakamali sa mga desisyong ginawa ay pinili ni Mr. Dazmon na maghiling sa amin ng proteksyon, kahit pa na ang iba para sa kaniya ay maituturing mong kampon ni satanas, nananatili ang kabaitan sa puso at isip nito, isang bagay na hirap magawa ng ilan.
Lahat ng kanilang numero ay nakasulat na sa mga kinakailangan namin para maisagawa ang paghahanap sa kung sino ba ang dahilan ng lahat ng ito, isa-isang umalis ang mga bisita, ang ilan pa sa mga ito ay halatang pagod na pagod at nais na talagang umalis. Kasabay kong naglalakad si Mr. Dazmon palabas ng mansyon habang ang kaniyang asawa ay umakyat na upang magpahinga, ang anak nito na pumunta saglit sa unibersidad. "Matheo, maraming salamat sa pagbuwis niyo ng oras at tyaga sa nangyaring insidente, nagpapasalamat man ako na narito kayo ay- hindi ko gusto ang dahilan sa kung bakit narito kayo." Saad nito, ngumiti ako nang bahagya. "'Yon ang trabaho namin.. Mr. Dazmon.. huwag kayong magaalala dahil susubukan naming lutasin ang lahat." Ipinasok ko ang aking kamay sa aking bulsa, umubo ito nang saglit bago bahagyang tumawa. "Matheo hijo.. may nakikitaan na ba kayong posibleng suspect?" Normal lang na itanong niya ito, ngunit sa mga panahon na ito ay papakinggan ko an gkutob ko at huwag munang sasabihin.
"Magiging ayos rin ang lahat, Mr. Dazmon." Tinapik ko ang likod nito bago ako lumapit sa aming sasakyan. Si bossing ay katabi na si Indigo. "Maaasahan ko ba kayo sa araw ng lamay?" Tanong nito habang nakatayo ng tuwid sa harap ng entrada. "Makakaasa kayo, Mr. Dazmon." Bati ko bago kami pumasok sa aming sasakyan, saglit namang isinuot ni bossing ang helmet nito bago humarurot paalis.
------------------------------
Narating namin ang headquarters pero sinalubong kami nang mga tingin at panghuhusga ng ilang ahente, pinilit na naming hindi pansinin 'yon at umasang sana ay hindi dumating ang mapangasar na si Sarmiento. Ibinaba namin ang aming mga kagamitan ng marating namin ang aming building, bawat distrito kasi ay may sariling building at sama sama na ang mga naroroon. "Ang sakit ng likod ko!" Reklamo ni Mendoza. "Tumatanda ka na kase." Pangaasar ni Reyes kay Mendoza, nag batuhan ng damit ang dalawa bago nagayos ng gamit.
Pagod man at nais magpahinga ay hindi pa p'wede, masyado pang maaga at marami pa kaming p'wedeng tapusin. Nasa opisina kami ng aming district building, nakapalibot sa malaking lamesang bilog kung saan naroon ang lahat nang aming kailangan. Minsan ay nagbabasa nang mga kinakailangan alamin ukol sa imbestigasyon, minsan ay umaalis rin si bossing dahil pinapatawag siya ni direktor Isaac Salvador. Matapos ng mga naganap ay hindi ko matawag sa pangasar na palayaw si direktor Salvador, dala na siguro ng kaba at pagalala na naramdaman ko.
Binabasa ko ang nakasulat na panayam ni Wayne Jacoby at ang kapatid nito, maaari man silang inosente sa paningin ng iba ay maaari pa ring iba ang totoong naganap, at isa pa unang-una pa lang ay ayaw ko na sa ugali ng isang 'yon. Bumukas ang pintuan at inilabas n'on si bossing na bahagyang pawis. "O bossing, ayos ka lang?" Tanong ni Mendoza, tumango ito bago uminom ng tubig, maging ako ay naghihintay sa balitang maaari niyang dala. "Ayon sa tests na isinagawa ay nagkamali ang kampo ni Dr. Jose Hernzandez, ngayon ay sinisingil siya dahil sa gulong naganap." Balita nito at ngumisi nang bahagya, madalang mo lang makitang nakangisi si bossin gkaya napakpreskong tignan n'on.
"Magandang balita 'yan." Tugon ko. "Buti nga d'on.. nagmamadali kasi 'di man lang kami sinabihan." Dagdag ni Reyes, nagtatanong pa ang mga ito kay Victoria nang bumukas ang pinto, sina Epsilon Lucas at Epsilon James 'yon, humahangos ang mga ito at hinihingal. "Epsilon Lucas, naguulat ng importanteng impormasyon, alpha, omega." Lumingon ito sa amin. "Magpatuloy." Sagot ni Victoria. "Omega, alpha.. ako po ay nagpaiwan upang imbestigahan ang kalapit na building ng mansyon, ang building sa harapan nito, umaasa akong may cctv footage akong makikita sa departamento ng lumang kainan ngunit wala, pero may natagpuan ako." Maging ako ay napatayo matapos idetalye ni Epsilon James ang mga sumunod. "Ano ang nakita mo?" Tanong ko rito, kaming lahat ay hinihintay ang sagot nito.
"Dalawang basyo ho ng bala, sa balkonahe ng lumang gusali na kainan na ngayon sa harap ng mansyon. Mula roon ay kitang-kita mo ang k'warto ng biktima. Omega, alpha.. tinangka ring barilin ang biktima."
"Ano?"
YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystery / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...