“Ano ang kinalaman mo sa lahat nang naganap sa loob ng mansyon, manang Beleng?” Tanong ni Victoria na ngayon ay nakaupo sa kaniyang harapan, batid na ni Dazmon ang pangyayari at rebelasyong naganap at siya ngayon ay parating na. “Sino ang nagutos sayo na maglagay ng lason sa yelo na dapat ay ilalagay sa juice ng biktima?” Dagdag na tanong nito, nakayuko at wala nang ibang makapang dahilan ang matanda.
Nanatili itong tahimik at hindi umiimik, maging si Matheo na nakatayo sa tabi ni Victoria ay inaabangan na ang maaaring isasagot ng matanda. “Ano ba?! Sabihin mo ang totoo!” Hinampas ni Victoria ang lamesa na siyang pagitan niya at ng matanda. Hindi na nabawalan pa ni Matheo si Victoria, lalo na at naiintindihan nito ang kaniyang nagbabagang inis, sino ang hindi magagalit sa taong maaaring isa sa mga nagnais saktan ang biktima? Sa listahan ng ilang beses na pagsubok sa pagkitil sa buhay ng biktima hanggang sa tuluyan itong bawian ng buhay. “Para kanino ka nagta-trabaho?” Inis na pinakatitigan ni Victoria ang matanda, nagaabang ng kasagutan o anumang impormasyon na makakapagturo sa kung sino ba talaga ang kadahilanan ng lahat ng ito.
"Alam mo ba, na isa 'yan sa mga– mga paraan ng mga putanginang taong hindi namin kilala na gumustong pumatay kay Fleur? Ngayong nagtagumpay na kayo, ano? Putangina!" Sigaw nito, kumapit ako sa balikat nito dahil parang hina na ito makapagpigil ngunit hinampas lamang nito ang kamay ko paalis. "Punyeta kayong mga demonyo! Mga kampon kayo ni Satanas!" Dinuro-duro nito ang matanda na ngayon ay humahagulgol na.
Binalibag ni Victoria ang lamesa na siyang pumapagitan sa kanila ng matanda na si manang Beleng sa kaliwang bahagi ng silid bago nito hinampas ang pintuan pabukas bago 'yon hinagis nang malakas pasara. Napahilamos ako sa aking mukha bago hinanap si Mendoza na nasa bandang kanan katabi si Gonzales, Santos at Reyes. "Bantayan niyo 'to, susundan ko si Victoria." Utos ko sa kanila, baka makatakas pa ang isang 'to. Naniniwala ako na malapit na kami sa katotohanan, kung magsasabi lamang nang totoo ang ginang.
Tinanong ko sa mga Epsilon na nageensayo sa pinaka unang palapag ng gusali kung nakita ba nila si Victoria at iisa lamang ang sagot nila, nasa firing range ito nagpapaputok ng bala. Nang bumukas ang elevator kung saan anong numero ang pinindot ko ay agad na umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng bala. Naroon siya, sa nagiisang cubicle na may nakasinding ilaw. Sunod-sunod itong nagpaulan ng bala sa target at nag-reload nang panibago. Ipinasok ko ang aking kamay sa aking bulsa bago siya nilapitan.
"Victoria.." Tawag ko rito, hindi ito natinag at patuloy na nagpaputok sa kaniyang harapan. "Victoria." Linakasan ko ang tawag ko rito nang hindi niya ako pansinin. Muli siyang nawalan ng bala at sana ay magpapasok ng panibagong bala nang hawakan ko ang kamay niya pababa, inis itong tumingin sa akin, ang mga madalas na walang ekspresyon na mata nito na lagi akong tinitignan. Akma itong aalis nang hilahin ko siya palapit sa akin.
Yinakap ko siya nang mahigpit, alam kong kailangan niya lamang ng oras para magpakalma. Tinapik-tapik ko ang likuran nito. "Pagod ka na ba? Gusto mo bang magpahinga?" Mahinang tanong ko rito, hindi ito kumikibo ni hindi rin binabayaran ang aking pagyakap sa kaniya ng bisig niya.
"Alam kong pagod ka, pero 'wag mo sanang lamunin ng galit mo ang mundo.. kailangan ka ni Fleur, kailangang makamit natin ang hustisya at katotohanan. Kung galit na galit ka sa mundo, hayaan mong pakita ko sayo ang kagandahan nito." Tinapik-tapik ko ang likuran nito, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang lumalabas sa sarili kong bibig.
Ni hindi ko rin maisip na tumagal kami ng ilang segundo nang magkayakap, si Victoria ang tipo ng taong ayaw nagpapahawak at nagpapayakap.
"Hayaan mong maging pahingahan mo ako sa panahon na magulo ang kapaligiran, nandito lang ako.." Dagdag ko, sasabihin ko na lahat nang nais kong sabihin, bago lumabas ang dragon na totoong siya.
Napangisi ako nang bayaran niya ang bisig ko nang mahigpit na yakap bago bahagyang umiyak sa aking dibdib.
YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystery / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...