CHAPTER 23: COURT

19 3 0
                                    

Pinuno nang mga naroroon nang bulong-bulungan at kaniya-kaniyang kuwento ang silid kung saan magaganap ang pagdinig ukol sa mga naganap.

Dalawang oras ang nakalipas matapos ipatawag ang mga maaaring duminig roon, upang masaksihan kung ano ang ipapataw sa kinikilalang pinaka magaling na ahente ng S.H.I.E.L.D.

Nakagapos sa kinauupuan, at binabantayan ng apat na lalaki, sa kadahilanang baka kung anong aksyon ang kaniyang gawin makatakas lamang. Nakayuko lamang ito, sinusubukang huminga nang maayos kahit pa na nakagapos ito nang mahigpit sa kaniyang upuan, nakabalot ito sa kaniyang buong katawan at maging sa kaniyang dibdib. Sunod-sunod na dumating ang kaniyang mga kagrupo, ang kaniyang distrito. Tila ba hindi maipinta ang kanilang mga mukha, tila ba may kumurot sa kaniyang puso at agad itong nagtapon ng tingin sa sahig.

Si Matheo Santos, o kilala bilang Agent dela Cruz, si Luna Garcia o kilala bilang Beta Reyes, maging si Sagrado Cruz sa gobyernong pangalan na Gamma Mendoza, Diwa Villanueva sa pangalang Delta Santos at Lakan Ramos bilang Delta Gonzales. Hindi nila lubos malaman kung ano ba talaga ang mga nagaganap, kumbaga sa isang ligaw na bata ay mas ligaw pa sila sa ligaw.

Hinihintay na lamang ang tatlong tagapag-pataw nang parusa. Naroroon ang kampo ng apat na organisasyon na nagbubuo sa samahan at punong hari na tagapagpanatili nang kapayapaan sa buong mundo. Pinangunahan sa may gawing kaliwa malapit sa may entrada ang mga miyembro ng F.A.L.C.O.N., S.H.I.E.L.D., G.H.O.S.T at M.A.R.I.N.E. Ang apat na organisasyon ay nagtipon-tipon para sa pagpupulong na pagdinig na ito. Maging ang mga beteranong miyembro na nailipat sa pinaka mataas na organisasyon ay naririto rin. Ramdam na ramdam ni Victoria ang pangungutya at mapanghusgang pagtapon nang tingin nang mga naroroon sa kaniya.

Kalaunan ay bumukas ang pintuan at inilabas noon ang tatlong hukom na ikinatahimik ng lahat, agad na tumayo ang lahat nang naroroon at ang iba ay pumunta na sa kani-kanilang mga upuan. Umupo na sa kani-kanilang mga upuan ang tatlong hukom na ngayon ay nasa pinaka mataas na palapag sa malaking silid, nasa gitna nito ay ang akusado na si Victoria Salvador.

"Kamusta ang lahat? Tayo ay magumpisa na." Panimula ni Judge Maximus Aurellius Santos, ang lolo ni Matheo Santos, ang nangunguna sa ranggo sa tatlong hukom ng V.E.S.P.I.D., ang organisasyon na humahawak sa apat na organisasyon. Naiiba ang batas ng distrito kumpara sa gobyerno ng bansa, may sarili silang batas, at isa sa mga batas nila ay ligal ang pagpataw nang parusang kamatayan.

"Inyong kagalang-galang, nais kong umpisahan ang panayam ng akusado. Narito kami ngayon upang kolektahin ang mga nauugnay na impormasyon hinggil sa mga alegasyon ng espionage laban sa akusado." Panimula ni Raul Montemayor, ang piskal nang hukuman. "Naiintindihan, magpatuloy." Sagot ni Judge Maximus, napansin nito na ang kaniyang apo ay nakaupo sa may gawing kaliwa sa mismong harapan ng akusado, alam niya na malapit ang dalawa sa isa't-isa na tila ba magkapatid na, ngunit kailangan nilang gawin ang nararapat.

"Maaari bang ipabatid mo ang iyong pangalan at trabaho." Dagdag ng piskal, taas noong itinaas ni Victoria ang kaniyang ulo at walang takot na tinitigan sa mata ang tatlong hukom na ngayon ay nasa itaas at tinititigan siya sa ilalim.

"Ako, ako si Victoria Salvador. Ang omega vespera ng distritong labimpito, labing walong taong gulang." Matigas nitong sagot, ramdam ng lahat ang galit na umiigting sa kaniyang boses na ikinabilib ng ilan, na ikinadismaya ng iba.

"Binibining Victoria Salvador, ikaw ay inaakusahan sa kasalanang espionage. Batid mo ba ang kasalanan na ito at ano ang magiging kapalit na kaparusahan?" Kasunod na tanong ng piskal, bawat salita na bitawan nito ay pumalibot sa pandinig nang lahat nang naroroon. Saglit siyang tumingin sa kaniyang mga kinikilalang kaibigan, ang limang kaibigan na naniniwala siya na naroroon para sa kaniya. Pero sa mga panahon na 'yon ay hindi niya malaman kung ano ang nasa kanilang mga isipan.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now