May pahintulot ni Mr. Dazmon na nagkaroon ng panibagong imbestigasyon, upang mahanap ang nawawalang diary o journal ng biktima. Kulay asul man o ube, dahil sa pagkakaalam ng lola nito na si Mrs. Lancy Claire Visokovich ay dalawa ang talaarawan ng biktima, ang apo nito na si Fleur Amaranth Senclaire Visokovich.
Sa hardin naghanap si Reyes, sa sala naman si dela Cruz o mas kilala sa totong pangalan nito na Matheo Santos. Si Santos na naghanap sa may kusina, si Gonzales na naghanap sa labas kung saan may malawak na hardin, habang si Victoria na naghanap sa bawat kuwarto ng mansyon.
Kung hindi alikabok ay mga naipit na gamit ang mga nakita nila, ni isang ebidensya o maging ang kulay asul na talaarawan ay hindi nahagilap. Inis na bumaba ng pangalawang palapag si Victoria nang wala siyang makita. Naiinis ito sa kadahilanang wala man silang nakitang isang bagay na makakatulong sa imbestigasyon. Importanteng makita ang talaarawan dahil maaaring maging susi iyon sa katotohanan. Katotohanan na sino ba o meron bang nagtatangka sa buhay ni Fleur Amaranth noong mga panahon na ito ay nabubuhay pa.
"May nakita ba kayo?" Tanong nito sa lima, umiling si Matheo at naghubad ng gloves na siyang pumoprotekta sa kanilang posibleng makitang ebidensiya, upang hindi nila ito mabakasan ng sariling fingerprint. Nagkita-kita ang lima sa sala ngunit si Santos ang tanging wala. "Nasaan si Santos, dela Cruz?" Tanong ni Victoria kay Matheo na maging ngayon ay nagtataka na. "Bossing, alpha. May nakita ho ako." Agad na lumingon ang lima kay Santos na galing sa may bandang kanan na bahagi ng mansyon. Saglit na nagtinginan si Victoria at Matheo bago sumunod kay Santos.
Idinala sila sa bahagi ng mansyon kung saan makikita ang isang fireplace, luma na ito ngunit ang disenyo nito ay nananatiling maganda. "Ano ang ipapakita mo, Santos?" Tanong ni Matheo na ngayon ay luminga-linga na sa paligid. "May nakita ho akong abo na bahagya pang mainit sa pakiramdam, naroroon ko nakita sa fireplace na 'yan. Tila ba mga papel ito, na nagmula sa isang maliit na libro, sa tingin ko ay ito ang hinahanap natin talaarawan." Pagpapaliwanag nito, gulat na nagtinginan ang dalawa na sina Victoria at Matheo.
"Mendoza, tignan mo at mag-gloves ka." Utos nito na agad sinundan ni Mendoza, isinuot nito ang gloves bago yumuko upang tignan ang lugar kung saan sinasabi ni Santos na nakita niya ang posibleng sunog na, na talaarawan. "Buti at nakita mo ito, hindi ba't naatasan ka sa kusina?" Karagdagang tanong ni Matheo kay Santos, iniangat nito ang tingin sa alpha ng kanilang ditrito. "Pabalik na sana ako nang makita kong may bahagyang umuusok riyan." Turo nito sa fireplace na siyang ngayon ay kinakalkal na ni Mendoza.
"Ano, Mendoza?"
"Halos sunog na lahat, bossing. Pero may natira hong sobrang liit na piraso ng balot ng talaarawan." Iniabot nito ang napaka-liit na pirasong halos sunog na balot ng talaarawan. Positibo sila rito na sinunog nga ang talaarawan ng biktima, isa rin utong kumpirmasyon na may nilalaman itong importanteng detalye na siyang ikinabahala nang may hawak nito kaya nito ito sinunog."Pero dalawa ang talaarawan ng biktima, nasaan ang isa pa?" Tanong ni Gonzales. "'Yan ang ating aalamin, nasaan ang isa pang talaarawan?" Saad ni Victoria bago nagpabuntong hininga.
----------------------------------------
Dismayado man ay ano pa ba ang magagawa nila? Buti na lamang at wala ang tatlong anak ni Mr. Dazmon na maituturing na napaka-suplado at mayabang ni Victoria, dahil kung hindi ay baka nasapak nito ang mga ito sa inis. Dumaan sa kaniyang isipan na baka ang matandang kasambahay na si manang Beleng ang posibleng sumunog nito dahil siya lamang ang nasa mansyon ng mga panahon na 'yon, ngunit umaasa siya na nakatabi at kalaunan ay makita ang isa pang talaarawan ng biktima.
Sa loob ng isang oras ay patuloy na naghanap ang kampo nila Victoria, umaasa na makita ang kulay ubeng talaarawan ni Fleur na siyang sinasabi ni Mrs. Lancy na dalawa ang talaarawan ng kaniyang apo.
Sa sobrang inis ay nagawa niyang mapagtaasan ng boses ni Matheo matapos siyang imbitahang magpahinga muna, kalaunan ay pumayag ito ngunit nagbabaga ito sa inis, batid nila na gusto ng lahat na makamit ang katotohanan at hustisya.
"Kailangan nating mahanap 'yon.. naroon ang kasagutan, ngunit saan tayo maghahanap?" Tanong ni Victoria, tinapik siya ni Matheo sa balikat bago ito umupo sa kaniyang tabi. "Sana ay walang kung sino man ang may noon.." Sinubukan nitong pagaanin ang loob nang kinikilalang pinuno. Hindi mapigilan ni Victoria ang matuwa, nagpapasalamat pa rin ito na hindi ito nagbago matapos ang maling paratang na isa siyang espiya.
Habang namamahinga sa harap ng mansyon ay inutusan ni Matheo na kumuha ng maiinom na tubig si Reyes sa kusina. Agad itong sumunod at agad na nagtungo sa kusina, nang makarating roon ay siya ang naunang uminom ng dalawang basong tubig bago kumuha ng isang pitsel at iilang baso.
Ngunit matapos ang isang minuto, ay naagaw ng kaniyang pansin ang isang bulto ng anino na siyang agad niyang pinagtuunan niya nang pansin, agad niya itong sinundan patungo sa may bandang likuran ng kusina patungo sa likurang bakuran ng mansyon kung saan makikita ang ilang halaman at ang tatlong basurahan kung saan idinadala ang kalat ng buong mansyon.
Patakbo niya itong hinuli sa akto at agad na hinawakan sa may braso. "Anong ginagawa mo?!" Sigaw na tanong nito. Nagulat ito at takot na nagpumiglas kay Reyes. "Alpha! Bossing!" Sigaw nito, kumaripas nang takbo ang lima nang marinig si Reyes. "Anong nangyari?!" Bungad na tanong ni Victoria. "Anong kaguluhan 'to?" Kasunod na tanong ni Matheo.
"Alpha.. bossing.. huling-huli ko sa akto, may itinatapon siya." Sagot ni Reyes at hindi binitawan ang nagpupumiglas na matanda. "Itinatapon niya ang bote ng lason, sa tingin ko ay siya ang may pakana sa pagkamatay ng dalawang kasambahay, nagta-trabaho siya para sa kalaban!" Pagpapaliwanag ni Reyes at galit na itinapon ang kamay ng matanda. "Sabi na nga ba at may itinatago ka.." Tugon ni Victoria.
YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystery / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...