CHAPTER 40: THE TRUTH

10 1 0
                                    

Life and death, crime and justice, land and sky, water and fire, darkness and light.

Everything, everything has it's own weakness and opposite. There will be always something, that could be a potential weakness to others and that is the truth. Same with the truth, there are fabricated lies, lies buried beneath the very land we step on everyday.

Victoria Salvador, the strongest agent of the organization S.H.I.E.L.D. An agent that crossed miles and boundaries, overcoming the never-ending lies that was buried for years, finally unveiled. Anger filled her heart in agony, she had no choice where to dispose her hatred to everyone. Why did it happened that way? Whom and what are they anyways?

----------------------------------------

Tumulo ang ilang luha sa kaniyang pisngi habang binabasa ang nilalaman ng talaarawan, ito ay pagmamay-ari ng nagiisang Fleur Amaranth Senclaire Visokovich. Ang kulay ubeng talaarawan, nilalaman nito ang lahat nang pinagdaanan ng dalaga habang ito ay nabubuhay pa. Bawat detalye ay inilahad at sinulat, bawat pangyayari araw-araw ay naroroon. Tanging pitong blankong pahina na lamang ang natira na hindi nasulat at hinding-hindi na muli pang masusulatan ang naiwan roon.

Habang hawak na ang lahat nang kailangan niyang malaman ay kinakailangan niyang makausap sina Matheo tungkol rito. Ngunit kailangan nilang magingat.

Kinabukasan ay agad niyang ipinatawag ang lima, pinakita niya ang lahat, bawat papel, kasulatan, ebidensya at maging ang talaarawan. Maging si Matheo ay nainis matapos mabasa ang mga iyon, alam nila, alam nila na kung sakaling may ibang paraan ay maaari pa nilang nailigtas si Fleur.

"Papaanong napunta sa iyo ang mga 'to, Victoria?" Tanong ni Matheo sa kanilang pinuno, sumandal ang dalaga na may magulong buhok sa kaniyang silya bago napakagat sa kaniyang dila. "Annonymous ang address nito, Matheo. Pero.. sasabihin ko na ang lahat sa inyo.." Tumayo si Victoria, na agad sinundan nang tingin ng lima.
"Ako si—"

M A T H E O

Naging malinaw ang lahat sa akin, ang lahat nang pagod, sakripisyo, pagpupuyat at pagaaral malaman lamang ang lahat ay nagkakaroon na nang kasagutan. Ang buong katotohanan sa pagkatao ni Victoria, batid kong may kulang pa roon at handa akong alamin kung ano iyon.

Aming ipinatawag ang ilang nadamat sa aksidente upang pumunta sa mansyon, hindi na muli pang nagtanong si Mr. Dazmon ngunit ang iba lamang ang nagtanong, nagalit at nainis.

Pinilit kong sumama sa kotse si Victoria, alam ko ang galit at pagmamadali na nararamdaman niya. Maging ako ay takot na nakatakas na ang salarin, lalo na at kung alam nito na alam na namin ang ilang detalye na ni isang tao ay hindi kayang aminin.

'Hindi man ito ang susi, ay nabuksan naman ang ibang kandado ng pintuan.'

Nang makapasok sa mansyon ay nakaparke na sa labas ang ilang sasakyan na sa tingin ko ay pagmamay-ari ng aming mga tinawagan. Sinalubong kami ng mga titig, pagtataka at pagsulyap nang makarating kami sa sala.

“What could be the reason why you all called us here? Don’t you know that I’m about to fly to Paris for my vacation? Yet, you simply ruined it already.” Sarkastikong panimula ni Ms. Diana na katabi ang assistant nito na halata naman na hindi komportable. “Ako ay nanghihingi ng pasensya, ngunit kayo ay aming sinabihan noon pa, na hindi kayo maaaring umalis ng bansa hanggang kasalukuyan pang nangyayari ang imbestigasyon.” Pagpapaliwanag ko, batid ko at halata naman na wala pa silang kaalam-alam sa hawak naming ebidensya, na ngayon ay hawak ni Victoria. 

“and who are you- to command my daughter that she can’t leave the country? Buhay niya ito, she has rights! It’s her rights to do whatever she wants, honey please do something.” Hinarangan ni Mrs. Lancy si Ms. Diana na ngayon ay pinapakatitigan rin ni Victoria, tinapik at nanghingi nang tulong si Mrs. Lancy sa asawa nito. 

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now