Napansin ni Victoria ang madalas na pagtawag sa kaniya ni Dazmon Visokovich sa kadahilanang nais nitong magtanong ng ilang detalye ukol sa kasalukuyang tuloy-tuloy na imbestigasyon, ngunit batid niya na may ibang mas malalim na dahilan.
Habang nasa kanilang distritong gusali ang kaniyang kampo ay dumalaw siya sa mansyon ng pamilya Visokovich, matapos ang insidente ay nananatiling nagpapahinga ang punong ama ng pamilya na si Dazmon. Tanging si manang Beleng ang nakita niya na nasa loob ng mansyon matapos iparke ang motor na si Indigo sa may tabi ng mga rosas.
“Nasaan si Mr. Dazmon?” Tanong nito sa matandang kasambahay na konting salita mo lamang ay parang butiki na kung magulat. Noon pa man ay iba na ang nararamdaman ni Victoria sa matandang kasambahay, na parang dapat ay hindi siya dapat pagkatiwalaan. “Nasa kaniyang opisina ho si don Dazmon.” ‘Yon ang sagot ng matandang kasambahay. Tumango lamang si Victoria bago tahakin ang opisina kung saan sila madalas magkita at magusap ni Dazmon. Nagpatuloy naman sa paglilinis ang matandang kasambahay. Nang makarating roon ay kumatok siya ng tatlong beses, ilang segundo ang lumipas ay wala pa ring sumasagot, minabuti niyang buksan ang pintuan at roon niya nakita si Dazmon, pinagmamasdan ang litrato ng kaniyang apo.
Hinahanap-hanap siguro nito ang kaniyang apo na namayapa dahil sa aksidenteng naganap, sinasadya man o hindi ay hindi na muling maibabalik pa ang kahapon. Muling kumatok sa bukas na pintuan si Victoria upang ipagbigay-alam na naroroon na siya, lumingon ang pagod na lalaki sa may pintuan. Lumiwanag ang mukha nito bago tumayo. “O, come in, come in.” Saad nito, pumasok si Victoria at isinara ang pintuan, umupo ito sa harapan ng lamesa ni Dazmon.
“Kamusta naman ang.. imbestigasyon?”
“Ayos lang.”
“Nais mo ba ng kape, juice o coke?” Tanong nito.Umiling si Victoria. “Mr. Dazmon.. maaari ba tayong magusap?” Sambit ni Victoria, kumunot ang dalawang kilay ni Dazmon bago bahagyang natawa. “Aha.. bigla akong natawa sa tono mo, Victoria. Tutal ay nandito ka naman ay sige, ano ba ang paguusapan natin?” Umupo si Dazmon at pinaglapat ang dalawang kamay.
Huminga nang malalim ang dalaga bago kinapa ang mga salitang dapat ibulalas. “Mr. Dazmon, naiintindihan kong nais mong mapabilis ang resulta ng imbestigasyon ngunit ikinalulungkot kong sabihin sa inyo at sana ay maintindihan niyo. Hindi ko maaaring sabihin sa inyo lahat nang impormasyon sa kung ano ang ginagawa namin, dahil aming kinakatakot na sa kahit saang lugar tayo pumunta ay may mga tainga ang nakikinig.” Isinandal nito ang kaniyang sarili sa upuan. “Pagkatiwalaan mong ginagawa ko ang lahat nang makakaya ko at maging sina Matheo, magtiwala ka lamang Mr. Dazmon. Ngunit kailangan nating magingat, nakikiusap ako.” Dagdag nito.
Bumagsak ang ngiti ni Dazmon ngunit muli itong ngumisi pero halata ang pagkapilit nito. “Pasensya ka na, Victoria. Sa totoo lang ay.. ang totoong dahilan kung bakit lagi kitang pinapapunta rito ay dahil.. you remind me of her, you remind me of my girl, my apo, my Fleur.”
M A T H E O
May sinusundang posibleng suspek na ang aming kampo ngunit patuloy pa rin naming pinagaaralan ang insidente, nais naming maging pulido ang aming galaw. Walang labis, walang kulang. Sa bilis ng panahon ay limangpung araw na pala ang nakalipas matapos masawi ang biktima, ako ay umaasang hindi na dapat muling i-autopsy pa ang katawan ng biktima lalo na at cremated na ito, wala na kaming mababalikan dahil tapos na.
Nang marating ang chapel, kung saan rin mismo naganap ang lamay ng biktima ay bumaba na kami ng kotse, si bossing naman ay kasama si Indigo. Kung ayon sa mga nakakakilala kay Wayne Jacoby at ang biktima na si Fleur na tila ba ang may namamagitan naman sa kanila at nagmamahalan ay paano namang nagawang paulit-ulit magloko ng anak ni Mr. Wilson? 'Yon ang lalo kong kinaiinis, napaka-hangin na tao na nga ay nagawa pang magloko nang paulit-ulit?
Kumpara noong pinaglamayan ang biktima ay mas marami ang mga pumunta, ngayon ay mga kalapit na kaibigan na lamang at mga kamag-anak ni Mr. Dazmon ang dumalo, hindi mawawala ang mga kaibigan ni Fleur Amaranth lalo nag isa sa mga kaibigan nitong lalaki na hanggang ngayon ay naghihinagpis sa kaniyang pagkawala.
Nakipagpalitan sina Reyes at Mendoza sa aming dalawa ni Victoria upang magbantay sa loob, magi-isang oras na rin kasi kaming nakatayo. Habang may hawak na kape ay napansin ko ang paglapit sa amin ng isa sa mga anak ni Mr. Dazmon, mas maamo ang itsura nito at sa tingin ko ay ito si Ms. Diana.
"Hindi pa ba tapos ang trabaho niyo? What are you guys doing here at the prayer mass for my niece? Wala ba kayong ibang trabaho, ha?" Bungad na tanong nito at tumayo sa aming harapan, hindi ko alam ang dapat kong isagot lalo na at baka lalo akong magdagdag ng langis sa nagbabaga ng apoy.
"Ms. Diana, unang-una sa lahat ay hiling ito ng iyong ama. We're being considerate, as we want him 'protected'." Pinaka-dikdik ni Victoria ang huling katagang sinabi na ikinataka ni Ms. Diana. Bahagya akong lumingon sa kaniya upang sabihing tama na ngunit tinapunan lamang niya ako nang panandaliang sulyap. "and what the hell do you mean?" Karagdagang tanong ni Ms. Diana. "Hindi pa ba halata, Ms. Diana? Bakas na bakas sa kasaysayan ninyo na maging ang sariling dugo't laman ni Mr. Dazmon ay nagagawa siyang lokohin at saktan hangga't nabubuhay siya, ikakataka niyo pa ba kung ang sarili niyong ama ay takot sa inyo?" Humakbang palapit si Victoria kay Ms. Diana na nakabistidang itim.
"Bruha ka! You don't know what you are saying! I would never hurt papa!" Bahagyang lumakas ang boses nito, sinubukan kong pumagitna sa kanilang dalawa. "Sinabi ko bang ikaw? Kung natatamaan ka ay ganito na lang, hindi ba't ikaw ang pumatay sa pinaka-mamahal mong pamangkin?" Nanlaki ang mga mata nito sa mga binitawang salita ni Victoria, saktong susugurin na ni Ms. Diana si Victoria nang dumating si Mr. Dazmon.
"Diana! What's going on?!" Sigaw na tanong ni Mr. Dazmon, lumabas rin ang ilan sa mga bisita at pinuntahan kami sa may puno kung saan namin napagpasyahang magpahinga ni Victoria, nang puntahan kami ni Ms. Diana. "N-Nothing, papa!" Inis na sagot nito bago tumingin nang masama sa aming dalawa. Nasa may likuran ni Mr. Dazmon si Mrs. Lancy habang sumunod na lumabas rin sina Reyes at ang tatlo. Nagdadabog na umalis si Ms. Diana na siyang agad binigyan pansin ni Ms. Diamond at agad na yinakap nang makapasok sila sa chapel.
"Ahh.. ayos lang ba kayo? Anong nangyari?" Agad na tanong ni Mr. Dazmon, nagaalala itong lumingon kay Victoria at sa akin. "Ikinatataka ng anak ninyo ang patuloy na pagaligid namin sa inyo, Mr. Dazmon. Tila ba ayaw niya kaming narito, iintindihin na lamang namin." Ako ang sumagot dahil pansin ko ang pananahimik ni Victoria.
'Baka biglang manapak e..'
"P-Pasensya na kayo.. medyo maldita ang anak ko, anyways.. please carry on with your work, ayos na kami rito. 'Wag na kayong magbantay." Tinapik nito ang balikat ko. "Sigurado ba kayo, Mr. Dazmon?" Tanong ko rito. "Oo.. pasensya na kayo for all of this– medyo problema sa ulo ang mga anak ko, mauna na kayo salamat." Dagdag pa nito.
Ipinagpilitan ni Mr. Dazmon na umuwi na kami at magpatuloy na lamang sa imbestigasyon dahil baka lalong uminit ang tensyon na namamagitan sa amin at sa mga anak niyang gusto nang itigil ang imbestigasyon, pero hindi nila hawak ang desisyon na 'yon. Ang inaalala lang naman namin ay si Mr. Dazmon, siya na mismo ang nagsabi na pinalaki niya para maging halimaw nang hindi sinasadya ang mga anak niya, alam kong takot siya para sa sarili niyang buhay pero nagpapasalamat na lamang na handa kaming gabayan at protektahan siya.
Nang makabalik sa distritong gusali ay agad kaming nagpatuloy sa pagta-trabaho, walang katapusang pagkalap ng impormasyon at pagbabasa. "Sigurado ka na ba sa mga suspect na 'to, Victoria?" Tanong ko sa kaniya nang makita ang mga posibleng suspek na kaniyang pinaka-titigan sa mga panahon na 'to. "Sigurado, walang labis, walang kulang."
YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Tajemnica / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...