CHAPTER 30: BECOMING

8 1 1
                                    

M A T H E O

Iilan na lamang ang dapat naming trabauhin, mga iilang tao na lamang ang kailangan paunalakan nang panayam. Muli kaming nagpasensya sa nagtagal na panahon ng imbestigasyon, ang tanging nagreklamo lang naman ay 'yong kulay asul na anak ni Mr. Wilson Jacoby.

Sa mga nagdaan na araw, pinilit kong sanayin ang sarili ko na hindi ko muna makikita si bossing. Natanggap ng aming kampo ang balita na hindi nga siya espiya ngunit magbabayad nang malaking halaga ng pera kapalit nang pekeng dokumento na ipinasa sa ilalim ng pangalan niya. Marami akong katanungan na parating dumaraan sa isipan ko, at hindi na ako makahintay kailan ko mailalabas ang mga 'yon.

From: Matheo Santos (Alpha dela Cruz)
Message: "Victoria? P'wede ba tayong magusap?"
sent yesterday 7:39 AM

From: Matheo Santos (Alpha dela Cruz)
Message: "Makakabalik ka na ba sa trabaho?"
sent yesterday 5:07 PM

From: Matheo Santos (Alpha dela Cruz)
Message: "Malapit na kaming matapos sa trabaho rito, sasabihan kita kung may malaman man ako."
sent 8:11 AM

Hindi siya sumasagot sa mga text ko at maging tawag, hindi ko mapigilan ang magalala. Kahit pa na kasing tapang 'yon ng limang toro e, isa siyang babae, kailangan niya nang pangangalaga.

"Mukhang alam ko na iniisip ni alpha, Santos." Saad ni Mendoza kay Santos, lumingon ang dalawa sa akin at minabuti kong itago na lamang ang aking telepono. "Mukhang may nami-miss 'yan.." Sagot ni Santos sa akin ang ikinakunot ng noo ko. "Kababata ko rin siya kahit papaano, malamang nagaalala ako? Mga loko talaga kayo." Tumayo ako mula sa aking kinauupuan upang kumuha ng kape sa may lamesa.

"Alpha, si bossing!" Sigaw ni Mendoza.
"Nasaan?!" Agad akong lumingon sa kung nasaan ang itinuro niya pero wala naman siya doon, napagtanto kong linoloko lamang niya ako nang humagalpak nang tawa ang dalawang mokong. Napailing na lamang ako ng maging si Gonzales ay sumama sa pagtawa nila, bumalik na sa pagta-trabaho si Reyes at siya ang tumawag sa pauunlakan nang panayam ngayong araw.

Ang kapatid ni Mr. Damon Visokovich ang pau-unlakan nang panayam, wala pa man siya ay alam kong dapat naming maghanda sa napaka-tinding kaartehan na maaari niyang ipamalas sa amin. Napailing na lamang ako, kalaunan ay dumating si Reyes na nakayuko, ipinagbukas niya ng pinto ang babaeng nasa trenta anyos na siguro. "Let's get this over with.." Mataray na tonong sagot nito sa amin.

Nagsimula ang oras ng normal, kagaya lamang ng mga sinambit niya ang mga isiniwalat ng iba, sa kung anong oras siya dumating kasama ang assistant niya na si Erica at kung saan sila nanatili.

"This is so excruciating.. hindi pa ba tayo tapos?" Dagdagna tanong nito sa akin, ang mga titig nito ay tila ba naiinis na at nawawalan ng gana. Bilib ako na may tao pa pala na ganito, na kahit na sariling dugo't laman nila ang namayapa ay wala silang pakialam. "Huling katanungan, Ms. Diamond. Wala ba kayong nakitang.. sa tingin niyo ay may ginagawang hindi maganda?" Tanong ko rito, iniikot nito ang kaniyang mga mata at mabilisang tumayo. "Sabi na sa inyo na hindi ako ang pumatay kay Fleur." Sagot nito at maraang hinampas ang pintuan pabukas.

"Pero hindi ko sinabing pinatay mo siya, at kung meron ay sino ba?" Pahabol na tanong ko rito, nagaalangang tumingin ito sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na rin ito nagpahatid kay Reyes at tanging ipapasunod na lang daw ang kaniyang personal assistant.

"Totoo nga ang sinabi ni Mr. Dazmon, kailangan nating pagmatyagan ang mga sarili niyang anak. Idagdag mo si Diamond sa mga potential suspect, p'wedeng gamitin laban sa kaniya ang sinabi niya kanina lamang." Tumango si Gonzales na siyang nagsusulat. Kinumpira ko, bilang isa sa mga potential suspect ang sarili nitong ama, si Damon Visokovich. Napagalaman ko na nagtamo nang iilang pasa ang biktima sa leeg na hindi gaanong halata ngunit makikita sa isang instrumento na ginagamit upang makita ang recent bruises o injury ng isang tao o bangkay. Inutos ko kay Santos ang gawain na 'yon noong isang araw, at napagalamang may sumakal sa biktima bago ang gabi ng kaniyang kamatayan, ang mga marka ng pasa na ito ay kahulma sa kamay ni Mr. Damon.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now