CHAPTER 21: LISTEN

15 3 0
                                    

M A T H E O

Tila ba binuhusan ako ng tubig sa mga susunod na katagang sinabi ng linya galing sa headquarters, ngayon ay naka-loud speaker ang aking telepono habang gulat naming narinig ang lahat.

"The disappearance of the maids at the ancestral home of the Visokovich family started year nineteen-ninety-nine, whom are broadcasted around the nation, the Visokovich family are investigated by the FBI but found no evidences of proof of maltreat and crime. For the past years the news had been later on buried after the family was proven innocence, according to them the maids ran away after stealing their riches and gold and are never to be seen again in fear of being punished if ever they were seen by the police." Bawat katagang sabihin nang nasa kabilang linya ay tila ba nabibingi ako, na parang gusto ko nang matigil ang lahat.

"Nagta-trabaho pa ba tayo rito para sa hustisya? O tayo na ang susunod na biktima?" Biglang salita ni Santos na ikinagulat ni Reyes. "Ano ba! Tingin ko hindi naman, pero dapat maging alerto, diba bossing?" Daretso at walang ekspresyon na tumango si bossing habang ako'y namamawis.

"State the missing people's names."
"Copy alpha dela Cruz, Jackie Pelayo, Erika Santivañez, Yolanda Sanchez, Ayena Sanchez, Lolita Valentino, Talita Fuertez, Kali Nuerves, Floran Pineda, Morgan Pineda, Anika Lim, Poli Vasquez, Angel Reyes, Wena–" Hindi ko na nagawa pang patapusin ang pagsaad niya ng mga pangalan ng mga babaeng ito, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko, kung poot ba, galit o inis, o kalungkutan para sa mga pamilya nito na umaasa uuwi ang kanilang mga anak.

"Ano ang edad ng mga ito ng mawala."
"Good afternoon omega vespera, their age are between eighteen to nineteen, parents, guardians and the missing women's siblings are the ones that reported them missing years ago, one filed a complain against the Visokovich family but immideately lost. There are no data about the missing women's family as they are from the far areas of provinces, and only reports." Dagdag nito, napahilamos ako sa aking mukha.

Habang paulit-ulit akong huminga nang malalim inabutan ako ng tubig ni Reyes na agad kong linagok. "Send out a copy for us to read, thank you." Agad na pinatay ni bossing ang tawag habang nakataas ang kilay itong tumingin sa akin.

"Kumalma ka.. pero lunukin mo ang bagay na dalawampu't-tatlo ang mga nawawalang tao sa mansyon na 'to, kaya mo pa bang sikmurain ang mga nagaganap?" Tanong nito sa akin at lumapit. "Marami pa tayong pagdadaanan, dela Cruz. Wala tayong oras para gumawa ng kuro-kuro." Matapos n'on ay tumalikod ito at sinabihang alalayan ako nila Mendoza at Reyes. Sumakay kami ng sasakyan habang naiwan si Santos at Gonzales na nagbabantay ng kapayapaan sa mansyon, iniisip ko kung saan kami pupunta pero sa hospital pala.

Napagtantong tumaas ang prisyon ko sa puso. Agad kaming nagtungo sa pinaka malapit na hospital, nakapikit lamang ako habang hawak-hawak ang puso ko habang nasa kasalukuyan kami ng byahe, may sinasabi si Reyes sa akin pero parang wala akong marinig.

Nang mga sumunod na minuto naramdaman kong nakarating na kami, inupo nila ako sa wheelchair, at hinayaan ko na lang na matulog na ako.

____________________

"Anong nangyari kay Mr. Santos?" 'Yon ang bungad na tanong ni Dr. Jose Fernandez, ang in charge sa autopsy, ang cardiologists at hematologist ng Manila Doctors Hospital. Isa rin siya sa mga kaibigan ni Director Isaac Salvador, isa siya sa mga kinikilalang pinaka magaling na agents noong panahon nila. Matapos manilbihan sa loob ng dalawang dekada bilang isang S.H.I.E.L.D. agent pinili niyang magpursigi na lamang sa pagdodoktor pero nagta-trabaho pa rin nang palihim bilang isang spy. Miyembro pa rin ito ngunit hindi na sa kabuuan.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now