CHAPTER 24: WHAT I HAD TO DO

12 3 0
                                    

"Inyong kagalang-galang! Naririto na ako! Naririto na ang tetestigo para sa aking anak! Ako si Isaac Salvador!" Inilabas ng pintuan ng entrada si Isaac Salvador, ang ama ng akusado na si Victoria Salvador. Tinitigan nang tatlong hukom ang piskal na si Raul Montemayor, bilang pagtanong kung pasok pa ba ito.

"May tatlong segundo pa nang dumating ang testigo, maaari siyang maglahad nang panayam, inyong kagalang-galang." Sagot nito. Humahangos, pawis at hinihingal na tumakbo si Salvador papunta sa tabi ng kaniyang anak, at sa harapan ng tatlong hukom. Ito ay hindi nagdalawang isip na lumuhod sa harapan ng mga ito.

"Ako ay nanggaling pa ng ilocos, pagpaumanhin niyo na hindi agad ako nakarating. Ngunit.. inyong kagalang-galang! Ako po ay nanghihingi nang permiso upang ilahad ang mga ebidensyang meron ako, na magpapatunay na inosente ang aking anak." Itinuro nito ang kaniyang nanghihinang anak na ngayon ay nakayuko na.

Saglit na nagusap ang tatlong hukom bago bahagyang tumango, ikatuwa nito nang mga nagaalala sa dalaga. "Ikaw ay pinahihintulutan, ikaw ay maaari nang magumpisa." Abot langit na ngiti ang lumabas sa mga labi ni Salvador at agad na ibinigay ang flash drive kay Maruduox dela Peña, ang kaniyang matagal na panahon ng kaibigan.

Pinahintulutan na ipakita ang nilalaman ng flash drive gamit ang malaking telebisyon, naagaw ng lahat ang atensyon nito nang ito na ay kumislap at sumindi. Ang mga sumunod na larawan ay ikinagulat nang lahat, na hindi nila inaasahan ang mga lalabas na larawan. Ano nga ba ang dapat nilang isipin?

Ang inilabas nang malaking screen ay ang mga larawan ng isang marungis na bata, hindi ito nakilala ng mga naroroon at ang karamihan ay nagtataka. Ang marungis na bata ay may itim na buhok at may hawak-hawak na kutsilyong nadungisan ng dugo.

"Ang larawan na 'yan, ay walang iba kung hindi si Victoria Salvador, ang aking anak." Pagpapaliwanag ni Salvador sa harap ng tatlong hukom. "Nakita ko siya sa isang magulong baranggay sa tondo, madungis siya noon, at.. kung hindi nga ako naroroon ng araw na 'yon.. baka wala na siya ngayon." Ikinagulat nang lahat ang mga sumunod na binitawang salita ni Salvador, isang rebelasyon.

"Edi hindi niya anak 'yan?"
"Napaka imposible naman."
"Parang gawa-gawa lamang!"

"Katahimikan!" Sigaw ng Supreme Judge na si Maximus. "At sinasabi mo ba na.. hindi mo anak 'yang si Victoria Salvador?" Tanong nito kay Salvador na namamawis sa may ibaba. Bahagyang humihingal itong tumango. Lalong nagulo ang pagdinig, kaniya-kaniyang usapan at kuwento na ang nabuo ng mga taong naroroon.

"Alam kong napakarami kong kasalanang nagawa ngunit makinig muna kayo sa akin." Dagdag nito. "Totoong hindi ko anak si Victoria ngunit kinupkop ko ito at inalagaan. Wala akong maibigay na totoong dokumento gayong palaboy-laboy lang siya sa tondo noon, walang makain at walang tirahan." Lumingon ito kay Victoria Salvador na lalong lumalim ang pagkakayuko.

"Nagbigay ako ng pekeng impormasyon para maipasok siya bilang isang miyembro ng ating sistema at organisasyon, sinanay ko siya at inalagaan na parang sariling dugo't laman." Muli itong tumungo sa tatlong hukom na nasa mataas na palapag.

"Sa hindi rin malamang kadahilanan ay nasa ilalim siya ng isang hipnotismo, wala siyang maalala sa mga naganap magsimula ng makita ko siya sa tondo. Ang tanging alam ko lang, ayon sa mga naroroon ay isang taon na siyang naroroon at walang nagnanais kumupkop dahil isa siyang wirdo, mabaho at madungis sa paningin ng iba." Patuloy na pagpapaliwanag nito. "Inalagaan ko siya dahil, dahil nakitaan ko siya ng potensyal. Ang mga mata niya na nakatitig sa akin noon, na parang hinihikayat akong tulungan siya, na siyang ginawa ko! Dahil 'yon naman ang ating sinumpang tungkulin hindi ba? Ang tumulong sa ating kapwa at magpalaganap nang kapayaan?" Pilit itong ngumisi matapos bitawan ang mga kataga na iyon.

"Maliwanag, ngunit paano mo naman maipapaliwanag na ang dugo ng akusado at biktima ay iisa lamang at magkapareho?" Kasunod na tanong ni Orion Vanguard. "'Yan ang hindi ko alam kung bakit, mga kagalang-galang na hukom. Ngunit hayaan niyong gumawa kami nang paraan para linisin ang pangalan ko at ng aking anak." Muli itong nagmakaawa sa tatlong hukom, nagtinginan ang tatlog hukom nang hindi inaasahan na bumukas ang pintuan.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now