CHAPTER 29: ALMOST

18 2 0
                                    

M A T H E O 

Hindi man inaasahan ay nagpapasalamat ako sa pagdating ni Feira, ang kinikilalang kapatid ni Victoria. Kahit pa na sabay-sabay kaming lumaki, batid kong mas malapit sila sa isa't-isa. Dahil sa kadahilanang bawal matulog sa iisang silid ang magkaibang kasarian ay iba ang tinutuluyan nilang bahay.

Kung hindi walo ay sampung taong gulang ako noong unang beses ko silang nakilala, para silang kambal, pero hindi raw sila magkaano-ano. Linta kung makakapit si Feira kay Victoria noon pero inintindi ko na lamang, dahil siguro sa sabi nga ni direktor Salvador, si Victoria ang nagligtas sa kanilang dalawa nang muntikan na silang ibenta ng apat na lalaki. Napangiwi ako nang maisip na gan'on pala talaga kabagsik ang isang 'yon, makapatay ba naman ng apat na tao e, pitong taong gulang pa lang naman siya n'on. Pabalik-balik rin akong bumisita sa hospital kung nasaan si Victoria, matinding pagod ang natamo niya matapos siyang bugbugin o sampalin ba ng kung sino man pero pinaghihinalaan ko si Sarmiento, dahil posibleng siya lang naman ang gagawa n'on.

“Rodrigo, tama ba?” Tanong ni Reyes sa kaharap, isa itong matandang lalaki, ayon sa aking binasa ay matagal na siyang drayber ng biktima. Kung tutuusin ay mukha siyang laging gulat, tila ba e, lagi siyang nakakakita ng multo. “Opo, ma’am, tama ho kayo d’yan.” Bahagyang natawa si Mendoza nang tawaging ‘ma’am’ ni Rodrigo si Reyes. 

Kumpara kay bossing e, talagang hindi mo maiisip na babae si Reyes. Mukha at boses pa lamang niya e, barako pa sa barakong kape. Kaya hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon wala siyang nobyo. “A-Ah e! Naaalala niyo ho ba ang mga naganap ng gabing ‘yon? Maari niyo ho bang isalaysay sa amin?” Saad nito, nasa nakasanayang p’westo ako ni bossing, ang paborito niyang sulok. Ngayon ko lamang naintindihan ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang maupo dito, kitang-kita mo pala ang bawat galaw na gagawin nang pinapaunlakan nang panayam, pero hindi ka nito nakikita. 

Tatlong araw matapos sabihing hindi siya espiya, hindi pa siya nakakabalik sa trabaho. Bahagya akong nahirapan sa kampo nila Sarmiento dahil sa unang araw pa lamang ay nagpumilit na agad silang hawakan ang kaso ng biktima, hindi ako nagpatinag at inilaban ang sarili kong gusto. Kaya kong patakbuhin ang aming kampo kahit pa na wala si bossing, pero ‘wag naman sana. Pansin ko, na aligaga ako at hindi sanay na hindi siya nakikita. Pero ano pa bang dapat kong ipagalala e walong taong gulang pa lang ‘yon e nakapatay na siya? Hindi isa, hindi rin dalawa at lalong hindi tatlo, pero apat? Apat na malalaking siraulo? 

Lumipad ang isip ko na tila ba malayang ibon at hindi ko na napansin na natapos na ang paghingi nang panayam kay Rodrigo, ang drayber ng biktima. “Mukhang.. may iniisip kayo bossing.. miss niyo na ba?” Tanong ni Reyes sa akin nang lumapit siya sa akin, kaagad akong umiling upang ipakitang hindi ako sumasang-ayon. 

“Hindi ah! Bakit ko naman mamimiss si bossing? Baka nga ako pa ang mamiss noon..” Tugon ko, tumawa-tawa lamang si Reyes at maging si Santos. Sinamaan ko sila nang tingin. “Anong tinatawa-tawa niyo d’yan?” Tanong ko rito, umiling ang mga ito bago nagpatuloy sa pagtawa. “Noodles kase, alpha. Ayon o, nagluluto si Mendoza.” Itinuro ni Santos si Mendoza na nagluluto nang instant noodles sa may lapag, noon ko na lamang rin naamoy ang mabangong aroma nito. 

Nang matapos magluto ni Mendoza ay umupo kami nang pabilog sa lapag, sinubukan kong isipin kung ano ba ang mga sinabi ni Rodrigo nang mga minutong naririto siya ngunit wala akong maalala. “Reyes, anong sinabi ni Rodrigo kanina?” Tanong ko rito, ngumuya ito nang noodles at kanin bago ako sinagot at harapin. “Pareho sila nang sinabi ni Raynaldo, alpha. Nalaman-laman ko e, magpinsan pala ang mga ‘yon, may agwat nga lang ho sa kanilang mga edad.” Sagot nito sa akin, tumango-tango na lamang ako bago nagpatuloy sa pagkain. “Ano ba ‘yan, tanghalian na tanghalian e trabaho ang pinaguuusapan. Binabastos niyo ang special recipe ko o!” Pagre-reklamo ni Mendoza. “Siraulo ka yata, anong special recipe? Nagpakulo ka lang ng tubig saka nagluto ng noodles, feeling chef ka na.” Panga-asar ni Gonzales rito, nagasaran ang dalawa hanggang sa matapos kaming magtanghalian.

Masarap naman ang aming pinagsalu-saluhan, nararamdaman kong malapit na kaming matapos sa aming mga gawain sa misyon na ito pero ang ikinakalungkot ko at inis ay bakit wala pa kaming nakukuhang sagot? Na tila ba walang kalinawan ang lahat? Hindi ko mahanap ang gusto kong kasagutan sa mga hindi matapos-tapos kong tanong. 

Ang kasunod na pauunlakan nang panayam ay ang mga pinaka-hihintay kong magkaibigan, ang mga kaibigan ni Mr. Damon. Sina Luke at Leon, ang mga kababata ni Mr. Damon ayon sa information file nito. May reports ng psych admition ang dalawa ngunit sa mga panahon na ito ay pinaniniwalaang nagamot na sila. Noong makita ko sila kasama ang iba pang bisita ay tila ba sabog sila at aligaga.

Kalaunan ay natapos ang oras at dumating si Santos na nagsundo kay Luke. Daretso ang tingin at tahimik kung huminga, umupo ito sa aking harapan nang siya ay makapasok ng silid. Pinagmasdan ako nito na tila ba kinikilala ako. Kalaunan ay nagumpisa na ang pagtatanong sa kaniya ng iilang katanungan, ngunit ang mapapansin mo ay ang madalas niyang pagnginig.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko rito, agad itong tumango at yumuko bago muling nag-angat nang tingin. "Wala ito.. as I was saying, umiinom kami ni Damon at Leon sa opisina nito nang mga panahon ng krimen. Nang may sumigaw ay agad kaming bumaba para tignan kung ano ba 'yon, at doon na namin nalaman na ang anak pala ni Damon ang nadisgrasya." Dagdag pa nito, tumango-tango ako upang ipakitang naiintindihan ko ang mga sumunod niyang isinalaysay.

"Wala ka bang nakitang kakaiba?"
"Wala."
"Sigurado ka?"
"Siraulo ka ba?" Sagot nito sa akin, itinaas ko ang aking mga palad upang ipakitang hindi naman ako lalaban, ganito ba talaga ang mga takot mapagbintangan? O sadyang, may ginawa sila kaya takot na takot sila?

"Unang-una sa lahat nagta-trabaho ka lang para sa kasong ito, kaya't huwag kang bastos kung magtanong." Idinuro-duro ako nito sa mukha, napailing lamang ako bago tumawa nang kaunti. "Pasensya na Mr. Luke, p'wede na kayong mauna.." Tumayo ako at itinuro ang pintuan palabas, agad itong umalis na siyang sinundan ni Santos para sundan ang isa pang kaibigan ni Leon.

"Gonzales, alamin mo kung may mga krimen ba na ginawa ang isang 'yon, makikita 'yan sa sistema ng headquarters." Utos ko kay Gonzales na nakaharap sa laptop nito, tumango ito at nagsimula na mag-type. "Masusunod, alpha." Tanging sagot nito, apat na minuto sigurong nawala si Santos nang sunduin si Mr. Leon, ang isa pang kaibigan ni Mr. Damon. Ang ikinatataka ko ay kung paanong pinili ni Mr. Damon na mapagisang manatili sa kuwarto nito habang magkasama ang dalawang kaibigan nito sa iisang silid.

"Alpha, may nakita ako." Biglang bulalas ni Gonzales, agad akong lumapit sa kaniya. "Ano 'yon?" Tumingin ako sa laptop nito. "Ayon sa ginawa kong pangangalap, alpha. Gumagamit ng meth noon ang magkaibigan na Luke at Leon, silang tatlo ay magkababata ngunit sina Luke at Leon lamang ang nabalitang gumamit nang ipinagbabawal na gamot na siyang sikat sa amerika. Ayon rito ay, tatlong taon silang nagpagamot para hindi na muling mabalik sa gan'ong paguugali." Pagbasa nito sa nilalaman ng kaniyang laptop, nag-ayos ako ng tayo bago naglakad-lakad sa loob ng silid.

"Tignan mo ang sintomas kapag nasa ilalim nang paggamit ng ipinagbabawal na gamot na 'yan," Sagot ko rito. "Masusunod, alpha." Trenta minutos itong nangalap ng impormasyon na siyang hinihintay ko.

"Pagkabalisa, pagtaas ng kadalasang pagtibok ng puso, matinding kaba, panginginig at namumugtong mga mata–" Hindi pa tapos magsalita si Gonzales nang ilabas ng pintuan si Mr. Leon at Reyes. "Mamaya mo na lamang sabihin sa akin," Tugon ko rito, walang anumang sabi ay umupo ito sa centro ng silid, batid kong alam niya na ang mga dapat mangyari. Kumpara kay Mr. Luke ay mas matangkad ang isang ito, batid ko na tila ba gumagamit ang kaibigan nitong si Mr. Luke ngunit kinailangan kong manigurado, mahirap na kapag bigla akong nagbintang.

Walang nagbago matapos hingiin ang panayam, tila ba scripted ang mga isinambit nila sa akin pero harap-harapan na lamang akong nakinig. Kumpara kay Mr. Damon at Mr. Luke, may iba akong nararamdaman kay Mr. Leon, na parang ang dami-dami niyang itinatago. Kumbaga sa lobo ay parang marami siyang hangin sa loob, pero sa oras na matusok ito ay sasabog ito. 'Yon ang nararamdaman ko, matagal kong tinitigan ang lalaking 'yon at nilalabanan niya rin ang mga titig ko.

"Hindi ako ang pumatay sa kaniya." Malamig na tugon nito nang basagin ang katahimikan matapos kaming magtitigan, umalis ito agad na siyang ikinatulala ko. Kung sinabi nito na hindi siya ang pumatay, maaari bang alam niya.. kung sino?

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now