M A T H E O
Ang susunod na pauunlakan nang panayam ay ang ama ng isa pa sa mga kaibigan ni Fleur Amaranth, at batay sa information file na ibinigay ni Reyes ay nagngangalan itong Wilson Warne Jacoby, ama ni Wayne Jacoby. Biglaang dumaan sa isip ko ang nangyari kanina sa pakikipag-usap ko kay Mr. Wisconsin. Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya dahil mas nabigla siya na imbestigasyon na ito para sa possible murder, may nagtangka, may ebidensiya na pero hindi ito kasabay sa araw nang pagkahulog niya sa tore.
Agad na umupo si Mr. Wilson Warne Jacoby nang imbitahan namin siya sa loob. "How are you doing gentlemen?" Tanong nito at palabirong tumawa, pasimple na lamang akong ngumiti bago naupo. "Ayos naman ho, at sana kayo rin. Handa na po ba kayo?" Tumango lamang ito at tumingin nang daretso sa akin, "Maaari na po kayong magumpisa sa ano mang oras.." Panimula ko nang magsimulang mag-voice record, "Well ahem.. my son Wayne came to my office a week before the graduation, telling me that we can't set up a celebration for his graduation since the daughter of Damon is to celebrate her debut the very same day. I agreed but I told him that he should fly with me to Canada for vacation, we agreed on that deal. If I were to talk about the graduation, I arrived late dahil nahirapan akong maghanap ng parking space, malapit lang naman ang bahay namin from the university so.. we had time to change clothes. We arrived along with the Salvacion family." Salvacion family, ang isa sa mga family friend ng mga Visokovich, at isa rin sa mga stockholder ng VIU.
"I rarely saw Fleur dahil lagi akong nasa office ng VIU but I heard that my son adores her but he can't seem to have the courage yet to court her." Tumawa ito bago humipak ng hawak na sigarilyo, napalunok na lamang ako bago nagplano nang susunod na itatanong. "Maaari niyo po bang isalaysay kung ano ang mga susunod na nangyari nang gabi na 'yon?" Tanong ko. "Hmm.. since we arrived with the Salvacion family we went ahead sa venue where I believe is the ballroom, nagku-kuwentuhan kami nang may narinig kaming bumagsak sa labas, followed by a woman who screamed, I looked for Winona which is my only daughter dahil kinabahan ako na baka napano na siya." Tinapon nito ang yosi niya sa ash tray na nasa kaniyang tabi at sumandal sa upuan.
Kung hinanap niya si Winona nasaan ang isa pa niyang anak? "Nang mga oras ho na 'yon nasaan ang anak niyong binata?" Tanong ko rito. "I believe he went to the restroom, I saw him come from the door of it and the moment he came back he smells like soap. Tingin ko ay isa ang anak ko sa mga pinaka apektado dahil.. matagal niya nang gusto si Fleur, but unfortunately balita ko may pagka-masungit ang dalaga ng mga Visokovich. Well, gentlemen that is all I remember." Ngumisi ito nang pagka-lawak-lawak, kumpara sa iba na maraming iniisip, si Mr. Wilson lamang ang nakita kong pinapanatiling positibo ang sarili.
Makakatulong rin naman iyon para hindi siya masiyadong maistress, ang ipinagtataka ko lamang ay saktong naghugas siya ng kamay nang mga oras na 'yon, kahit pa na may nagkumpirma na nakakita sa kaniya, maaari pa ring magsinungaling ang ama nito para maligtas ang sarili niyang anak.
Matapos ang karagdagang tanong ay agad ring lumisan ang padre de pamilya ng pamilya Jacoby, ang susunod ay ang anak nitong babae. Masama ang tingin nito, ramdam na ramdam mong napupuno nang negatibong pakiramdam ang silid, daretso ang tingin nito, kulay asul ang kaniyang labi at buhok. "Make this quick kung ayaw niyong sipain ko kayo isa-isa." Hindi ko inaasahan ang mga kataga na kaniyang sinambit at maging ako ay nagulat.
'Salamat at wala si bossing kung hindi siya ang sumipa sa iyo.'
"Ahm.. p'wede mo bang isalay–"
"My father, Wayne and I left the house and arrived thirty minutes before she died." Walang interes na panimula nito.
"At paano ka nakakasigurado?" Panghimok ko rito, parang may tinatagong inis 'to sa biktima at maaaring sumabog siya sa galit pag nagkataon at siya mismo ang magsabi nang lahat.
"Unang-una sa lahat wala akong pakialam kay Fleur at maging sa inyo, kung sakaling ako man ang pumatay sa kaniya aaminin ko sa inyo nang taas noo pero hindi e? Maraming beses ko nang pinatay sa utak ko 'yan dahil sa kung paano siya kayabang.." Agad kong itinuro kay Reyes na makinig at pagmasdan ang mga galaw nitong mabuti, maaaring maging potential suspect ang anak ni Mr. Wilson Warne Jacoby, ang lahat nang sasabihin nito ay maaaring maging laban sa kaniya.
YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystère / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...