CHAPTER 10: DISTRICT 17

195 3 0
                                    

M A T H E O

Sa mundong ginagalawan, walang nakakaalam kung kailan sila babawian ng buhay, nasa sa atin kung paano natin gagamitin ang hiram na buhay. Sa trabaho kong 'to, madalas kong kaagaw ang kamatayan sa mga misyon na pinapasukan namin. Pero ito ang sinumpang tungkulin ko bilang isang S.W.O.R.D. agent, kailangan kong hayaang nasa ilalim ng hukay ang isa kong paa. "Handa na po ba tayo Mr. Damon?" "Yes.." Sagot nito nang walang ekspresyon, napangiti na lamang ako nang pilit bago nagisip nang itatanong. "Ano ang relasyon niyo sa biktima?" Tanong ko at nag-ayos ng upo. "I'm Damon Valentin Visokovich.. I'm Fleur's father. I'm also the dean of VIU, if you ask me to state what happened yesterday I will try my best.. well before I say anything else.. I will make it clear. My daughter is rebellious and that she does not like me that much.. she adores my parents and despise me." Hmm.. what would make her despise her father? Ano ba ang nagawa ng ama niya para hindi niya gustuhin?

"Hindi ko masyadong nakikita ang anak ko dahil kung hindi siya late pumasok, not that she's late but her schedule is not as early as mine especially I'm a dean and that I need to wake up early.. anyways I woke up at four thirty am, I took a bath and my usual morning coffee. I drove to the university, assisting on what more we should do to prepare for the ceremony. I remained at the stadium of the school for an hour before I went to my office to organize my messy table. Not so much happened.. I greeted some teachers and early parents with their graduating children, a lot of students greeted me also. I also gave a short message and later on each one of them came up on stage to receive their diploma and certificates, my daughter's turn eventually came..." Mr. Damon's tears fell down on his cheeks, kahit pa na parang wala siyang pakialam e hindi ko inaaasahang lumuha rin siya.

"At nasasaan po kayo noong mga panahon na-aksidente na siya?" Kasunod kong tanong, paulit-ulit lamang ang mga tanong ko at pakiramdam ko nanunuyo na ang lalamunan ko. "Kasama ko ang mga kaibigan ko sa sarili kong opisina dito sa mansiyon, kumpara sa mga magulang ko at ang nagiisa kong anak mas maaga silang umuwi. Kakauwi ko lamang kasama ang mga kaibigan ko, after a tiring day I invited them over for a few drinks before the party starts but.. unfortunately while we were drinking we heard something fall followed by the scream of one of our maids, at noong tignan namin from my balcony it was my daughter." Pinunasan nito ang kaniyang mga luha, tumango-tango ako at nagisip. Kung sakaling kasama nga niya ang mga kaibigan niya p'wede naman nilang ikumpirma, at kung hindi naman ay doon na magkakagulo. Lalong sumasakit ang ulo ko sa mga nagaganap, at wala pa man kami sa kalahati, marami pa kaming dapat gawin. Napatingin na lamang ako kay bossing na taimtim na nakatingin kay Mr. Damon.

"Agad kaming bumaba but my father already took her to the nearest hospital, my father later on called to tell me to assist and reassure that my guests are well taken care of and that no one should leave the mansion.. and here we are." Dagdag nito, hinayaan ko munang tapusin ni Beta Reyes ang huling pahayag ni Mr. Damon bago ako nagpasalamat sa pahayag niya. Kung tutuusin ay napaka-hirap na trabaho ng imbestigasyon, maaaring magsinungaling ang kahit na sino pero kailangan mo silang matyagan nang mabuti. "Sigurado ka ba sa mga sinabi mo.. Mr. Damon?" Napalingon ako kay bossing na nagbasag nang katahimikan, agad na lumingon si Mr. Damon kay bossing na nakaupo sa may dulo ng silid, medyo madilim doon at 'di ko rin alam bakit doon niya napili umupo. "Excuse me?" Tanong nito. "Sometimes, someone makes up stories that he can no longer recognize himself..." Dagdag pa ni bossing, tumayo ako para pakalmahin ang namumuong tensyon. Agad na tumayo si Mr. Damon at lumapit kay bossing, "and who are you? What makes you think you can talk to me like this?" Tanong nito kay bossing, kami na naroroon ay hindi alam ang gagawin lalo na at parehong tila ba kabayo ang dalawa na gustong magkarera. Tumayo si bossing saka tinignan nang walang ekspresyon si Mr. Damon, agad na napaatras ito at parang nagulat, habang palaki nang palaki ang nararamdaman kong pagtataka sa kung bakit nagbubungguan sila nang Galit e nangibabaw na lamang ang takot ko sa kung ano ang mga susunod na mangyayari, naka-abang lang ako at ang mga bata sa kung ano ang mga susunod na maaring mangyari.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now