CHAPTER 42: KILLED

5 1 0
                                    

Author's Note:
Hi! Play the music above para mas feel ang pagbabasa, any silent readers there? Comment naman kayo! Ilalagay ko kayo as dedication hehe. Happy reading, enjoy!

"Ms. Diana, ano ang motibo mo, para tangkaing saktan ang sarili mong pamangkin." Tanong ni Matheo habang nakatayo ito sa tabi ni Diana na mugto ang mga mata kakaiyak. "Why would I tell you a single damn thing? I will have my lawyer, he will come soon." Taas noong sagot nito, natawa lamang si Matheo bago hinampas ang lamesa na ikinagulat ni Diana. "A-Ano ba? Are you out of your mind?!" Tanong nito at itinulak si Matheo palayo. "Hanggang kailan kayo magsisinungaling matapos ng lahat nang ginawa niyo? Hanggang kailan magiging matibay ang pagkakaupo niyo sa mataas na silya?" Tanong ni Matheo at inilapit ang mukha sa tensyonadong si Diana.

"I did not do anything! Hindi totoo ang sinasabi mo!"
"Magmamaang-maangan ka pa? Kahit pa na sinabi ng pamangkin mo, na nagiiba ang kulay ng juice na iniinom niya kapag hinahaluan ng lason? Alam niya, dahil nakita ka niyang nagaabot ng pera kay manang Beleng!" Magkatapat na sigawan ang ginawa ni Matheo kay Diana. Matapos n'on ay hindi na ito umimik pa.

Walang pinagbago at parang naulit lamang sa nakakatanda nitong kapatid na si Diamond. Hindi ito sangayon sa ebidensyang nakalap lalo na at p'wede itong pekein. Pero ipinadala na sa isang eksperto ang talaarawan at ilang ebidensya na pagmamay-ari nang namayapang biktima, upang tukuyin kung siya nga ang nagsulat nito. Ilang oras nang wala si Victoria dahil kinausap nito si Dazmon na tumaas ang prisyon at kasalukuyang nasa hospital.

Halos hindi makapagpigil si Matheo sa pagmumulit na pag-amin sa mga isinama sa opisina ng mga pulis ng maynila, kakailanganin silang ikulong kaya sa pulis ng maynila na sila idinala. "Damon, bakit? Bakit nagawa mo 'yon sa sarili mong anak?" Tanong ni Matheo habang daretsong nakatingin sa mga mata ni Damon, na para bang ni isang singkong duling nang pagsisisi ay wala kang makikita.

"I have told you this countless of times, I did not dare hurt my daughter. Who knows? This could be a move from our enemies, kilala ang pamilya namin, one can easily fabricate an information circling around us, napaka-dali niyo namang utuin kung gan'on?" Sagot nito sa kaniya nang may lakas ng loob, ilang karagdagang pagsisinungaling pa ba ang kaya nilang ibigay?

Saan na pupulutin ang dalawang kaibigan ng biktima na sinubukan siyang patayin ngayon na tinakasan na sila ng sarili nilang pamilya? Ngayon naman ay ang tatlong magkakapatid, na ayaw nang pahintulutan ng kanilang ama na gamitin ang pera ng kanilang pamilya. Ngunit ito ang bagay na hindi pa alam ng tatlo.

"Alam mo Matheo, to life, everything happens for a reason, and man to man I will ask you. Hindi ba't you will do everything just to get something you deserve, hmm? 'Diba't tama ako?" Tanong nito at binuksan ang mga palad at ngumisi, hindi nakayanan ni Matheo ang pagngiti nito na para bang nasisiyahan pa sa mga nangyayari. "Huwag mo akong igaya sa'yo, hindi ako alipin ng pera, tagapag-silbi ako ng batas at karapatan ng tao. At 'yon ang bagay na hindi ikaw, hindi ka tao Damon, isa kang hayop." Agad na umalis si Matheo kasama sina Reyes upang puntahan si Victoria sa hospital na matyagang binabantayan ang kalagayan ni Dazmon.

Nang papunta sila sa hospital ay samu't-sari ang pumapasok sa isipan ni Matheo, una ay kung paano dadaloy ang batas o pagbibigay nang parusa sa lima, si Yani Salamanca, Sylvester Luna at ang tatlong Visokovich. Ngayong alam naman niyang wala kang mapapala sa sistema ng bansa, ito nga ang dahilan kung bakit nabuo ang organisasyon sa ilalim ng gobyerno. Ang V.E.S.P.I.D. na nagpapaandar ng apat na organisasyon.

Alam niya, alam niya na sila ang mga nagtangkang manakit kay Fleur sa mga nagdaang taon, ngunit marami pa siyang katanungan. Bakit at sino? Sino-sino sa kanila ang nagpautos nang pagbaril sana kay Fleur noong gabi ng insidente? Ano ang kanilang motibo upang saktan si Fleur? May mas malalim pa bang dahilan?

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now