CHAPTER 35: WAKE

6 1 0
                                    

"Sa isang interview, nakapanayam namin si Dazmon Visokovich, ang nagtatag ng Visokovich International University at ang nagmamay-ari ng isa sa mga kilalang fuel companies ng bansa at Russia, inamin nito na hanggang sa ngayon ay wala pang nakakamit na hustisya sa nangyaring insidente, dagdag pa nito na hindi ito basta lamang aksidente, bagkus ay may kumitil sa buhay ng biktima." Pinuno ng balita ukol sa pamilya ni Dazmon ang mga telebisyon, radyo at maging telepono. Kalat na kalat ang nangyari sa kaniyang apo matapos nitong makasalubong ang kaniyang hindi inaasahang pagkasawi.

Ang iniisip nang karamihan ay sino naman ang maaaring gumawa nito at ano ang kaniyang motibo?

M A T H E O

Nauna kaming nakarating sa isang chapel kung saan isasagawa ang lamay ng biktima, magkasama kami ni Victoria habang nasa labas at bawat sulok ng establisyimento sina Mendoza, nagbabantay.

Sina Mr. Dazmon at ang asawa nito pa lang ang narito sa chapel, cremated ang napagpasyahan ng pamilya Visokovich para sa biktima. Nagmistula kaming personal bodyguard nang dumating ang mga media mula sa kung saan-saang networks para makibalita. Agad namin silang tinaboy. Magda-dalawang oras na ng nagsimulang magsidatingan ang mga tao. Napansin ko ang mga bigating personal na dumating, hindi maikakaila na magtataka ang iba sa kung sino kami at sa kung ano ang pakay namin. Dumating rin ang mayor ng iba't-ibang siyudad, nagtataka si Mendoza sa kung ano ang ginagawa nila rito.

"Ano kayang ginagawa ng mayor ng Pasig rito?"
"Mendoza, 'wag ka nang magtaka pa. Bigatin ang pamilya nila Mr. Dazmon, hindi na natin dapat pang ikataka 'yan." Si Santos ang sumagot sa katanungan ni Mendoza na siyang sinangayunan ko naman. Kakaiba ang trip ni bossing ngayon, nakasalamin siyang itim at nakasumbrero.

"Ano ba 'yang sinusuot mo?" Bulong na tanong ko rito. "Masama ang pakiramdam ko, dela Cruz." Bulong na sagot rin nito. Nadaanan kami ng mga anak ni Mr. Dazmon, isa-isa kaming tinignan ng masama ng tatlong mga anak nito bago umupo sa may harapan. Maririnig mo ang ilang hikbi ng mga naroroon, pero ang ikinatataka ko ay ni-isang kaklase ng biktima ay walang dumating, anong oras na rin.

Nakita kong kinamusta ng pamilya Quezon sina Mr. Dazmon, kilala ko ang mga 'yon, ang padre de pamilya nito ay kaibigan ni lolo Max, ayon sa lolo ko ay korup na politiko ang padre de pamilya ng mga Quezon. Naroroon rin at binati nang mag-asawang Dasig ang may bahay na si Mrs. Lancy. Kalaunan ay dumating ang mga kaibigan ng biktima, agad akong sinamaan nang tingin ng anak ni Mr. Wilson na si Wayne. Kahit kailan talaga ay mahangin ang isang 'yon, binati nila si Mrs. Lancy bago umupo sa may bandang gitna.

"Napaka-plastik talaga ng mga mayayaman.." Rinig kong bulalas ni bossing, saglit kong tinapik ang kaniyang daliri dahil baka marinig siya ng mga naroroon.

----------------------------------------

Nang lumalim ang gabi ay isa-isang umalis ang mga bisitang pumunta, tanging si Ms. Claudia ang nagpaiwan kasama ang ina nito. Isang araw lamang ang ginawang lamay para kay Fleur sa hiling ni Mr. Dazmon, nais daw niyang mamahinga na ang kaniyang apo. Tumulong kami sa pagliligpit at paglilinis tutal ay naroroon rin naman kami. Malungkot na yakap ni Mrs. Lancy ang abo ng kaniyang apo. Habang sinisigurado namin kung ayos na ang lahat ay biglang lumapit sa amin si Mr. Dazmon at si Ms. Claudia na nakabistidang puti.

'Nakakatakot naman, maputi na siya nakaputi pa siya.'

"Ahh.. Matheo? Victoria? May nais raw hingiin sa inyo si Claudia, kaibigan siya ni Fleur." Tinapik-tapik ni Mr. Dazmon ang balikat ni Claudia. Naagaw namin ang atensyon ng tatlong anak ni Mr. Dazmon.

"Uhh.. I would like to have Fleur's journal diary, ako lang kasi ang nagiisang p'wedeng magbasa n'on at ako lang ang pinagbigyan niyang magbasa n'on, I would like to have it because it's like– I have something of her with me everyday." Nagtinginan kami nila Victoria matapos ang hiling ng dalaga, matapos n'on ay bahagya itong tumawa nang malakas.

"Aha! 'Wag niyong sabihing wala sa inyo 'yon?" Tanong nito sa amin, maging si Mrs. Lancy ay pumunta na sa bandang gitna ng chapel kung nasasaan kami at maging ang tatlong anak ni Mr. Dazmon. "You don't have Fleur's journal?" Karagdagang tanong ni Mr. Dazmon.

Agad akong umiling habang nagtataka akong tumingin kay Victoria. "Mr. Dazmon, walang ebidensiyang nakita, kung meron man ay dapat hawak na namin 'yon ngayon." Pagpapaliwanag ni Victoria. "Ni hindi namin alam na may journal pala ang inyong apo, Mr. Dazmon." Sagot ko, napahilamos sa noo si Mr. Dazmon habang parang kinabahan si Ms. Claudia.

"'Y-Yon na nga lang ang sanang meron ako pero bakit wala? Wala ba kayong nakita?" Dagdag na tanong ni Ms. Claudia.
"It's the lilac one, the lilac journal she always have with her." Singit ni Mrs. Lancy. "Sana ay 'wag niyong masamain ngunit sasabihin ko na, posibleng may nakakita na nito at agad na itinago, sana ay itinago lamang at hindi sinunog dahil kung oo, hindi na natin makakalap ang impormasyon na kailangan nating malaman sa oras na may nilalaman pala 'yong importanteng impormasyon." Talaarawan, isang malakas na uri ng ebidensya iyon sa sitwasyong patayan ang naganap.

"Ipapahanap ko 'yon sa lalong madaling panahon."
Dagdag ni Victoria. "Salamat, Victoria." Ngumisi na lamang si Mr. Dazmon. "Isn't it the blue one, mother?" Tanong ni Mr. Damon sa ina nito, lahat kami ay lumingon kay Mrs. Lancy. "She has two journals, anak. A lilac and blue one." Ikinataka ko lalo nang hindi mapakali si Mr. Damon.

'Masyadong kang napapaghalataan, Mr. Damon.'

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now