Prologue

1.4K 22 1
                                    

This story will updated at least once a week because I'm busy. Feel free to share this but don't copy. This story needs some support so please, recommend it to others.

Your mapanakit na author
uniloves18

Your hubby is calling, your hubby is calling, your hubby is-

Agad kong sinagot ang tawag ng asawa ko. Natutulog pa ko at antok na antok pero mukhang wala syang balak na patulugin ako. It's his seventeen calls right now. Kanina pa ito tawag ng tawag na para bang hindi kami magkikita ng isang linggo.

"Why hubby?" Antok na tanong ko at pinipigilan ang pagpikit ng mga mata. I looked at my alarm clock and it's just five thirty in the morning. Seven pa ang umpisa ng klase at malapit lang naman sa University ang bahay namin.

"Where are you wifey? You said five minutes and it's now five thirty... I can tell right now that you're still sleeping in our bed. Do you really want to be late?" May bahid ng inis ang boses nito na para bang malaking kawalan pagnalate ako

"Maaga pa naman Khaizer... Don't interrupt my sleep". Antok na sagot ko. Tinatawag ko sya sa pangalan nya kapag naiinis na ko at alam nya yun. I heard him sigh one more time before answering me.

" Don't forget that I'm your first subject wifey... I already miss you... One hour and Thirty minutes na kitang hindi nakikita ngayong araw... Tommorow, sumabay ka na sakin pagpasok, you can sleep in my office if you wanted to". Sunod sunod na sabi nya. "I'm sorry wifey but I'm begging you to go here now".

Napabuntong hininga nalang ako bago napipilitang bumangon. Maganda din naman ang buhay may asawa... Nakakainis lang kapag lagi ka nyang namimiss at lahat nalang ng lalaki ay tinataboy, even my classmates at ang dahilan pa nya ay masyado pa daw kaming bata para lumandi.

Hell, e pinakasalan nya nga ko. Pero ano bang magagawa ko? One year na kaming kasal. Magkakilala na kami since when we're kids. Magkaibigan ang papa ko at ang daddy nya kaya isang taon pagkatapos nyang makagraduate ay ipinakasal na kami. Ni hindi manlang ako hinintay na makagraduate din.

Pagkatapos kong maligo at magsuot ng uniform ay bumaba na ko. Our uniform is just a normal uniform. Ang palda ay hanggang ibabaw ng tuhod at medyo maikli ang polo namin kaya lagi akong pinagsusuot ng jacket ni Khaizer kahit minsan ay mainit. Dahil sya ang first subject namin ay lagi nyang pinapabuksan ang aircon kahit malamig pa para sakin.

I wear my black shoes at inayos ang buhok kong hanggang balikat. Sinuot ko na ang bag ko at eye glasses ko. Pagkadating ko sa kitchen ay may pagkain na sa mesa at may cute sticky notes pasa refrigerator.

Dear wifey,

Eat your breakfast, nauna na ko sa school at hindi na kita ginising. Ubusin mo yan ah? I love you mwa.

-from your hubby.

I chuckled when I read his sweet notes. Ganto kami araw araw. At tulad kanina ay tatawagan nya ko ng maaga para pumasok na dahil miss nya na ko o kaya sasabihin nya ay baka malate ako at ayaw nyang magdeduct ng points sa grade ko kung pede lang. And I never been late.

Walang daya ang mga grades ko. Naiinis pa sya dahil mababa ako minsan pero never syang nag cheat. Yun ang nagustuhan ko sa kanya. He's always honest and loyal.

Pagkatapos kumain ay lumabas na ko. Nilock ko ang pinto dahil tag isa naman kami ng susi ni Khaizer. Pagkalabas ng gate ay agad akong nakita ni Evren, isa sa mga classmates ko. Isa sya sa dahilan kung bakit nauuunang pumasok si Khaizer, dahil tatlong kanto lang ang pagitan ng bahay nila sa bahay namin.

"Hey, Sophie!" Nakangiti syang tumakbo palapit sakin. "Sabay na tayo. By the way may assignment ka kay sir Ledezma? Ang hirap ng topic natin ngayon... Math ba naman first subject".

Agad akong naubo sa sinabi nya. " Graduate na naman tayo next year... Last sem na to e, yung iba nga may balak nang mag asawa at may ibang may asawa na".

Sagot ko. Naglalakad kami habang nag uusap para di kami malate. Napapansin ko na noon pa na may gusto sakin si Evren pero wala naman akong pakialam dahil may asawa na ko. My lovely professor hubby.

"May point ka pero diba nga, pagkatapos nito ay magkakaroon pa tayo nang next two sem. Cookery tayo e. Ikaw, may balak ka bang pumasok sa cooking lecture ng school?" Tanong nya.

"Wala, ayaw ng family ko. Masyado daw busy yun. Nagcookery lang naman ako para incase sa asawa ko. Ako na ang magluluto para sa kanya bago sya pumasok... " sagot ko.

"Asawa mo? Baka you mean, magiging asawa mo? Hahaha ang sweet mo namang asawa, swerte nang magiging asawa mo". Sagot nya.

Napilitan akong ngumiti at nakipagkwentuhan nalang sa kanya hanggang sa makarating kami sa school. Pinigilan kong lingunin ang faculty kung nasaan si Khaizer pero hindi pa din ako nakatakas.

" Ms. Ledezma, Mr. Oliveros, can I walk with you two?" Malamig nyang tanong. Tumango naman kami ni Evren at sinabayan sya.

"Anu bayan, minsan ko na nga lang makasabay si Sophie sasabay pa si sir". Rinig kong pabulong na reklamo ni Evren. And I know na narinig din yun ni Khaizer dahil nandilim ang tingin nito kay Evren.

"May sinasabi ka Mr. Oliveros?" Sarkastikong tanong ni Khaizer bago tumingin sa akin. I looked at him and whispered. "Don't act jealous, we're here in school" dahilan para irapan ako nito.

"Wala prof". Sagot naman ni Evren. Sabay sabay kaming pumasok sa room. Fourty five minutes early tuloy si Khaizer pero hindi sya agad nagturo at nakatitig lang sakin. Paano't katabi ko din kasi si Evren. Adviser pa namin ang nag ayos paby-surname kaya wala itong magawa para mailayo sakin si Evren.

"Sophie, alam mo ba tong equation na to? May exam daw tayo sa math mamaya e, hindi ko maintindihan... " tanong ni Evren.

I needed and taught him how to solve that kind of problem. Nang tingnan ko si Khaizer ay madilim na naman ang tingin na ibinibigay nya samin.

"Let's now preceded to our lesson". Malamig na sigaw nito dahilan para mapalayo kami ni Evren sa isa't isa. He's being jealous again.

"Mr. Oliveros, answer this question." Agad na napatayo si Evren ssa gulat. New lesson kasi kami at hindi nya pa ito tinuturo..

"P-prof? P-pero hindi nyo pa po yan natuturo samin". Sagot ni Evren. Alam kong sinasadya iyon ni Khaizer kaya tinaas ko ang kamay ko.

" it's aswer is... "Ako na ang sumagot ng equation para kay Evren. Isa naman kasi ako sa nagtotop ng klase at dahil math teacher ang asawa ko ay nakakapag advance study ako about dito.

" okay, you can now sit down". May bahid ng inis sa boses nito. He's mad because I help Evren. Nang matapos ang subject nya ay napabuntong hininga nalang ako.

"Ms.Ledezma, go to my office this break time, I need to talk to you". Malamig nyang sabi bago lumabas ng room.

"Sophie, sorry ah, nadamay ka pa tuloy dahil sakin pero ang galing mo kanina. " sabi sakin ni Evren.

Nagpakawala naman ako ng buntong hininga. It's okay Evren, ako pa din naman ang susuyuin nun mamaya.

----------:)----------
----------:(----------
----------:/----------

Professor Hubby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon