17

417 12 2
                                    

"Both patients are stable now".

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang magandang balita ng doctor. Katatapos lang ng pagsasalin ng dugo nila.


"Kahit stable na silang dalawa ay kaylangan pa ring magstay sa hospital. Maraming dugo ang nawala sa ama ng bata." Paliwanag ng doctor. "Sya ang nakiusap samin na ibigay ang dugo nya sa bata hanggang sa maging okay ito".


"What do you mean doc?" Tanong ko. Tumingin sakin si doc at ngumiti.


"Your husband indeed love your son very much". Sagot ng doctor. Magsasalita na sana ako para itama ito ngunit nagsalita sya ulit. "Habang ginagawa namin ang surgery ay hinawakan nya lang ng mahigpit ang kamay ng anak nyo. We almost had a trouble dahil muntik nang maubos ang dugo ng asawa nyo dahil sa sobrang daming dugo ang naisalin sa anak nyo".

"He's willing to die just to save his child". Dugtong pa ng doctor. "By the way, I have another patient that's waiting by now. I'll leave now. If you need Anything, just call the nurses".

Tuluyan nang umalis ang doctor pagkasabi nun. I looked at the glass wall. Tanaw na tanaw ko ang anak kong nakahiga sa hospital bed.

Napagaling ako kay Khaizer na nasa kama katabi ng kama ni Ayler. Kumirot ang dibdib ko. Itinago ko sa kanya si Ayler sa loob ng limang taon.

May parte sakin na nagsisisi ako at may parte rin na hindi. He deserves that Sophie! Isa sya sa dahilan kung bakit muntik nang mawala sayo si Ayler! Kasalanan nya din kung bakit mo inilayo si Ayler sa kanya!

Kahit ano yatang pagkumbinsi ko sa sarili ko ay hindi ko maialis ang puntong ama pa rin sya ni Ayler at di nya iyun nalaman sa loob ng limang taon.

Naisipan kong umuwi muna para ikuha si Ayler ng damit at gamit. Dumaan din ako sa company ni Khaizer para sana kumuha na din ng gamit nya.

"Are you Mr. Ledezma's secretary?" Professional kong tanong sa secretary nyang lalaki. Mukhang mahiyain pa ito kaya nakaramdam ako ng awkward dahil tila ito batang hiyang hiya.

"Y-yes po. K-kayo po si Ms. Monterial diba? Y-yung bagong CEO ng MC??" Kinakabahang tanong ng secretary.


"Yeah. By the way, I'm here to ask where do Mr. ledezma live? He's in the hospital right now. Don't worry. I just need to get some of his stuff para madala sa kanya". Sagot ko.

He looked at his phone and show me the address. "Dyan po nakatira si Boss". Natigilan ako sa nakitang adress. It's... It's our house.

Dun pa rin pala sya nakatira. Aalis na sana ako nang may maalalang tanong. "By the way, may pamilya na ba si Mr. Ledezma? Asawa ganun, anak? Meron na ba?"


"Ahh. Si boss po?" Tanong ng secretary. Medyo nawala na ang hiya sa boses nito. Yun bang feeling close na kami agad. Yung parang nakikipagchismisan lang. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.


"Wala po ma'am. Marami na rin po ang nagtanong sa kanya at nagugulat dahil sa sobrang gwapo ni sir ay wala pang nababalitang pamilya. "Sagot nya. "One time po ay tinanong ko sya. Alam nyo yung sagot nya? Ang sabi lang naman nya ay may hinihintay lang sya. Hinihintay lang daw nya yung asawa nya. Ang kaso ay walang nakakaalam kung sino yun".


Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Wala nga syang pamilya pero asawa meron. Tapos kagabi lang ay sinabi nya pa sakin na mahal nya ko? What into him ba talaga?

Kinakabahan kong tinungo ang bahay namin noon. Marami na itong pinagbago. Kung noon ay medyo maliit, mas lumaki na ito ngayon. Marami na ding security.


"Bawal pong pumasok maam". Agad akong hinarang ng gwardya. "Mahigpit pong ipinagbabawal ang pagpapapasok ng bisita".

"What's going on here?" Isang mataray na matanda ang lumapit samin. "Wait. I think I saw you before... Ah! Pasok po kayo ma'am."

"Teka, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtanggap ng bisita". Sabat ng gwardya. Agad naman syang hinila ng matanda malayo sakin.

"Di mo ba sya namumukaan? Sya yung nasa wedding picture na laging tinitingnan ni sir kapag lasing sya. Sya siguro yung asawa ni sir na matagal nya nang hinihintay. Mas maganda pala sya sa personal. Kaya siguro laging namimiss ni sir, ganyan banaman kaganda ang asawa. ". Bulong ng matanda na di ko masyadong narinig dahil sa layo nila.

Siguro ay binabackstab nila ako. Di ba pwedeng share tayo sa chismis nay? Di ba pwedeng maging aware manlang ako sa mangyayari at sa pina uusapan nyo?

"Pasok po kayo maam". Sabay nilang pagwelcome sakin. I felt awkward. Kanina bawal ngayon pede na? Mood swing ba yan?

"Sa may second floor third room pa rin po ba ang kwarto nya?" Tanong ko at naniniguro. Pareho namang silang tumango habang nakangiti.

Agad kong tinungo ang kwarto. Ang kwarto namin noon. Pagpasok ko pa lang ay naamoy ko na ang pamilyar na amoy nito. I kind of missing my life before.

I looked at its surroundings. Walang nagbago. Maliban na lang sa mga bote ng alak na nasa basurahan. I opened his closet. Napaatras ako sa nakita.

My clothes. My clothes are still here. Di ako makapaniwalang umiling. Ano ba talagang nangyari sa kanya. Kumuha lang ako ng ilang damit at gamit nya. Nang lalabas na ako ay naisipan kong tumingin muna sa paligid.

Baka malaman ko kung sino ang asawa nya. Para naman aware ako kapag dumating yun at makita ako no? Mamaya bigla na lang may kumalbo sakin asawa na pala nya.

I opened his drawer. Nakalock iyun. Naalala ko tuloy kung saan namin madalas ilagay ang mga susi ng drawers at di ako nabigo nang makita ang susi nito.

I opened it just to see one thing. Wala itong ibang laman maliban sa isang kahon. Kinuha ko iyun at inilabas. Naupo ako sa kama nya at binuksan ang kahon.


Ang laman nito ay... Our wedding picture. Our wedding rings. Our couple keychains, couple necklace and everything that reminds our love for each other.

So the wife they're talking about... Was Me.

----------:)----------
----------:(----------
----------:/----------

Professor Hubby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon