09

885 17 3
                                        

"Welcome to Eleonor Fort"


Sabi ng tourist guide namin slash assigned Teacher namin. Dito kami magcacamping. Kanina ay maagang gumising si Khaizer at nauna na. Sumabay naman ako kay Evren kaya ngayon ay masama ang tingin ni Khaizer sa aming dalawa.



"Ang ganda pala dito". Bulong ni Evren. " my mom once recommend it to me but I told her that mountains is just a waste of time".



"Maganda nga pero masmaganda pa rin ako". Biro ko. Ibinaba ko na ang nag na dala ko at inilabas ang aquaflask bago uminom dun.


" masmaganda ka nga". Muntik na kong mabulunan dahil sa sagot nun ni Everen. Napansin ko ang kakaibang titig nya sakin kaya nilingon ko sya. "Pero masmaganda pa din ako."

Sabi nya at nagkunwari pang beki na ikinatawa ko. "See, sabi sayo e. You're pretty but-"


"Evren!" Napalingon kami sa boses na iyon ni Rhaya. She's holding a empty basket at mukhang balak na manguha ng mangga.


"Bakit?" Tanong ni Evren. "Istorbo ka naman samin... Epal!"


"Epal ka din! Sophie, pede mo ba kong samahan sa gubat, balak ko sanang manguha ng manga." Sabi naman ni Rhaya.

Naiisip ko pa lang ang manga ay tila nangangasim na ko. Ewan ko ba. noon naman ay paborito ko ang manga.


"Sorry Rhaya, wala kasi ako sa mood na manguha ng manga". Sagot ko na ikinasimangot nya. "Evren samahan mo muna si Rhaya"..


" bat ako?" Reklamo naman ni Evren. "Ayos  ka lang ba? "


"Oo" tumango tango ako. "Ikaw muna ang sumama sa kanya please".



" hayst sige na nga". Pagsuko ni Evren bago sundan si Rhaya.




Naisip ko na maglakad lakad muna ngunit aksidente akong nadulas. Akala ko ay magtutuloy tuloy ako ngunit naramdaman ko ang braso na humila sa akin.


"Kumapit ka lang Ms. Ledesma". Napatingin ako kay Maam ther na nakahawak sa braso ko ngayon. " Help! Help!"


"Okay na ko Maam Ther. Bitawan nyo na lang po ako, baka madamay pa kayo at matangay ko".



"No!" Sagot naman nito. "I'm one of the in charge teachers, I need to take care of you students. Wag kang bibitaw Ms. Ledezma".



" Ahhh!" Wala na kaming nagawa nang pati si maam ay natangay. Nagtuloy tuloy kami hanggang sa tuluyan na kong mapapikit dahil sa pagtama ng ulo ko sa isang puno.



"ARE YOU OKAY NOW SOPHIE?" Napamulat ako sa boses ni Evren. "Akala ko ay may nangyari nang masama sa inyo ni maam ther."



"Kamusta pala si maam ther?" Tanong ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ng nangyari. Luminga linga pa ko dahil hinahanap ng mata ko si Khaizer pero hindi ko sya makita.



"Kasama nya si Sir Ledezma. Buti nga at walang nangyaring masama sa baby nila". Sagot ni Evren na ikinatigil ko.



" what do you mean?" Nagtataka kong tanong.


"Buntis si maam ther at si sir Ledezma ang ama ng dinadala nya". My heartbeat stop. I felt like hundreds of dagger was stabbing my heart.


"P-pano nyo naman nasabi yan?" Tanong ko.




"Si sir Ledezma mismo ang nagsabi. Galit nga sya sayo dahil kung hindi daw dahil sayo au hindi mangyayari yun." Si Rhaya ang sumagot.


"Pupuntahan ko sila". Agad akong bumangon hindi na ako napigilan nina Rhaya dahil diretso lang ako sa kabilang kwarto mo



Nang makapasok ako ay sinalubong ako ng masasamang tingin ni Khaizer. It's not the first time na magalit sya sakin pero hindi ko na natanggap ang dahilan nya ngayon. Dahil galit din ako.


" what are you doing here?" Tanong nya sa malamig na tono. "Ito ba ang gusto mo? Pinlano mo ba to?"



"Wala ka ba talagang tiwala sakin?! Do you really think na magagawa ko ang bagay na yan?! "




"I know you Sophie! I know that you can do this! Kapag nalaman ko lang talaga na pinlano mo to? I'll divorse you my self". Natigilan ako sa sinabi nya. Seryoso pa din ang tingin nya sakin.



" T-totoo bang buntis sya a-at ikaw ang ama ng dinadala nya?" Sinubukan kong hindi manghina ang boses ko ngunit talo pa din ako.


"Yes" sagot nya na parang hindi bigdeal ang tinanong ko. "Stay away from us. We'll talk later. I can't talk to you right now".


Bumalik sya sa pagkakaupo at umiiyak naman akong tumakbo palayo. Ilang oras din ang lumipas na nalaman kong okay lang pala si maam ther at ang baby nya.. . Ang baby nila ng asawa ko.



" Sophie... " umiiyak ako habang si Evren naman ay nasa tabi ko. "Stop crying.. . "


"Ang sakit na ako ang sinisisi ng lahat e di nga nila alam ang nagyayari sa buhay ko."



"Ms. Ledesma, Mr. Arrallano". Sabay kaming napalingon ni Evren sa pamilyar na boses na tumawag samin. "The bonfire is ready, they're waiting for the two of you".


Walang emosyong tumalikod na si Khaizer at sumunod naman kami sa kanya. Marami nang estudyante ang nakaupo at nakabilog sa bonfire.


" maam, sino po ang magkakasama sa hotel rooms?" Tanong ng isa sa mga estudyante.



"I'll stay with Theresa". Lahat ay kinilig sa sinabi nun ni Khaizer. They laugh at each other at mukhang kinikilig din si maam Ther.


"I'll stay with Sophie". Sagot naman ni Evren. Napansin ko ang pagtingin ng lahat samin.


" mukhang may nagaganap na hindi namin alam. Kayo ba?" Tanong ni Rhaya. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nya.



"I'm courting her". Sagot naman ni Evren. Hindi na ko umimik.


" sir, kelan po pala kayo naging magjowa nito ni maam?" Tanong ng isa sa mga estudyante.


"Three weeks ago, nung linggo". Agad akong natigilan sa sinabi nya. The day of our anniversary.. . "Sinagot nya ko nung umagang iyon."

Kaya ba masaya sya nung araw na yun? Kaya may pasurprise pa sya? Dahil good mood sya sa kadahilanang sinagot na sya ni maam ther.



Hindi na ko umimik simula nun. Pagkadating sa loob ng hotel room ay agad akong umiyak. Lumapit naman sakin si Evren.



"I know that Ledezma is your husband". Napatingin ako sa kanya. " I once saw your wedding picture, dun sa bahay nyo nung araw na inalagaan kita dahil sa sakit mo".


"Bukas na bukas... Iuuwi na kita". Sabi pa nito. That night. He became my comport... That my husband should be.

----------:)----------
----------:(----------
----------:/----------

Handa na ba lahat sa break up nila? O magbebrake nga ba sila? Hahhahaha

Professor Hubby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon