05

478 11 0
                                    

"Saan ka nagpunta? Bat ka absent?"

Sunod sunod na tanong ni Evren pagkapasok ko sa room. Agad ako naupo sa upuan katabi nya at tinulungan nya akong alisin ang suot kong bag.

"May pinuntahan kasi kami ewan ko kung anong pangalan nun basta dagat sya". Sagot ko. Tumango naman sya.

" Good morning everyone". Khaizer said coldly. Binati naman namin sya pabalik at napansin kong masama ang tingin nya samin ni Evren.

"By the way Ms. Ledezma, you're teachers said that you're absent yesterday, why are you absent?" Nanlaki ang mata ko nang tanungin nya ko. Is he cornering me? Lagot ka talaga sakin mamaya.

Sasagot na sana ako nang biglang tumayo si Evren. "Just a vacation prof. They go in a vacation with her family." Pagkasabi nun ni Evren ay hinawakan nya ang kamay ko at hinila na paupo.

Napansin ko ang madilim na tingin ni Khaizer sa kamay namin kaya madali kong binawi ang kamay kong hawak nya. Sa buong klase tuloy ay bantay na bantay nya kami. Sa amin lang sya nakatingin na wari mo'y kami lang ang estudyante nya .

Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang matapos na ang klase nya. Mabuti nalang at walang nagduda samin.

"Evren and Sophie sitting on a tree. K. I. S. S. I. N. G". Nagsimulang kumanta ang mga isip bata kong kaklase. "Ang sweet nyo kanina ah. Smells fishy. Alam nyo naman na bitter si prof sa love tapos maglalandian kayo sa harap nya? "

"Ano ba kayo, tumigil nga kayo. Naiilang si Sophie oh". Pagtatanggol ni Evren. " Tsaka wala namang malisya yun. Magkaybigan lang kami".

"Magkaybigan o magkaIBIGAN?" Tanong ni Rhaya. Sinamaan sya ng tingin ni Evren kaya napabuntong hininga sya bago tumawa. "Fine... "

Para talagang may something kay Rhaya at Evren. May gusto yata si Rhaya sa kanya dahil nahuhuli ko itong nakatingin sa amin at kapag tinitingnan ko sya pabalik ay iiwas na sya ng tingin.

Nang matapos na ang ilang klase ay lumabas ako at naglakad papunta sa office ni Khaizer. Nang palapit na ako ay may narinig na kong boses ng nag uusap kaya binuksan ko ng marahan ang pinto.

Si Khaizer... At si maam Ther. Nagtatawanan sila habang nag uusap. Nakaupo si maam sa table na malimit kong upuan. Kaunti na lang ay kaharap na ni Khaizer ang hita ni maam. Medyo may luha sa mata ni maam at hawak ni Khaizer ang isang kamay nya.

Napatakip ako ng bibig bago umiiyak na tumakbo. Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko. Tumakbo ako ng tumakbo palayo hanggang sa marating ko ang rooftop. Naupo ako doon na parang kaunti na lang ay malalaglag na ko.

Nagulat ako nang may kamay na humila sa akin dahilan para malaglag ako at mailayo sa dulo ng rooftop. Pagkamulat ng mata ay nakita ko si Evren. Nasa ibabaw nya ko at madilim nya akong tinitingnan.

"May balak ka bang magpakamatay?" Tanong nya habang madilim pa din ang tingin sakin. Umiling ako bago tumayo. Nakita kong nasugatan ang siko nya kaya agad kong hinila ang braso nya at bumaba na kami. Papunta na sana kami sa Clinic nang makasalubong namin sina Khaizer at maam Ther.

"Ms. Ledez..."Napansin kong may sasabihin sana si Khaizer samin pero hindi ko na sya pinansin at patuloy kaming tumakbo papuntang clinics.

Lumapit ako sa drawer at kinuha ang first aid kit. Lumapit ako sa kanya at ginamit ang sugat nya sa siko"Mukhang may sasabihin sana satin si prof kanina. Bakit di ka tumigil. Nakakapagod ding tumakbo no? Ang liit liit ng sugat o. Kasing laki nga lang yata yan ng langgam e".

"Sesermonan lang naman tayo nun ni prof. Nakakaguilty kayang ikaw ang nasugatan dahil sakin." Rason ko para di nya ako pagdudahan.

"Bakit ka ba kasi nandun ah? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. May balak ka ba talagang magpakamatay?" Tanong nya ulit.

"Wala nga. Nagpapahangin lang ako. Tara na? Ayoko mag cut tumakbo na tayo pabalik habang may oras pa". Pag iiba ko ng usapan. Tumango naman sya at tinakbo na namin ang papunta sa room.

Pagkapasok namin ay nandun na si Maam Ther... Kasama nya si Khaizer at masayang masaya silang nagtatawanana.

Naglakad na ko papunta sa desk ko at di sinasasyang nalaglag ang keychain ko. Hindi ko iyo napansin kaya nang tumayo si maam Ther ay naapakan nya iyon at nadulas sya.

" are you okay?" Nag aakalang kumapit si Khaizer kay maam ther nakita ko ang galit nyang mga mata nang makita ang keychain na naging dahilan ng pagkadulas ni maam. "Ms. Ledezma, come to my office later".

Agad syang dinamayan ni Khaizer at binuhat. Sinamaan ako ng tingin ni Khaizer bago sya lumabas ng room at itakbo si maam Ther sa clinic.

"H-hindi ko naman sinasadya... "Bulong ko nalang habang nagsisimula nang tumulo ang luha sa aking mga mata.

" it's okay Sophie, sasamahan kita". Pagdamay sakin ni Evren. I looked at him and smiled bitterly. I shook my head and stand.

"O-okay lang ako... Hintayin nyo nalang ako dito". Sagot ko. Nasaktan ako dahil iyon ang unang beses na magalit sya sakin at hindi pinakinggan ang explaination ko. Baka kaya nya ko pinapapunta sa office nya... Pagkumbinsi ko sa sarili.

"K-khaizer..?" Tawag ko nang makarating sa office nya. Nakita ko syang stress na nakahawak sa ulo nya at galit akong nilingon.

"Why did you do that Sophie?! You almost killed her?!" Galit nyang tanong. Pasigaw. It's the first time he shouted at me. "Gusto kong intindihin ka pero sobra na yun! Dahil ba yun sa nagseselos ka sa kanya?!"

Natawa ako ng mapakla." Hindi ko nga sabe sinasadya. Ni hindi ko nga alam na nalaglag ko iyon e.". I tried to explain.

Natawa sya sa sagot ko. "Bakit ka nga ba sasagot ng totoo e nasaktan yung tao. I know you Sophie. Sinadya mo yun diba?"

Napatango tango nalang ako. Ang sakit. Unang beses nya rin akong... Hindi paniwalaan. "Bakit sya na ang kinakampihan mo ngayon? Bakit di ka naniniwala sakin?"

"Tumigil ka na Sophie. Kung ano man ang plano mo, please stop. That's not a good idea! You almost killed her!" Inis nyang sigaw sakin. "And please, hindi ako uuwi at hindi kita kakausapin hangga't hindi ka umaamin".

" then. Don't".matigas na sagot ko bago lumabas. pagkasara ng pinto ay tinakpan ko ang bibig ko para hinaan ang iyak ko.

Nang araw na yun ay hindi nga sya umuwi. Hindi ako kumain ng kahit na ano. Natulog ako mag isa sa kwarto at habang natutulog ako ay naalimpungatan ako sa brasong nakayakap sakin.

"I'm sorry wifey, I love you". Bulong ng pamilyar na boses.

----------:)----------
----------:(----------
----------:/----------

Please help me gain some supports by voting my story, thank you.

-uniloves18

Professor Hubby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon