06

411 12 1
                                    

"Sophie... "

Napamulat ako ng mata nang makita si Evren. I looked at the clock at nagulat nang makitang tanghali na. I looked at him... Bakit sya nandito?

"Why are you here? Bat di ka pumasok?" Tanong ko. He looked at me and smile. "Sumagot ka nga, para ka namang tanga".

" may lagnat ka". Napansin ko nalang na may towel pala sa noo ko nang pitikin nya ito. "Anong Naramdaman mo? Masakit ba ulo mo?"

"Okay lang ako." Sagot ko at naupo. "Paano ka pala nakapasok dito?"

"I tried to contact you. Nang makita kong bukas yung pinto ay pumasok ako at nakita kitang nangingisay dyan sa sobrang lamig at nung tiningnan ko ay may lagnat ka." Pagkwento nya. "Wag ka mag alala. Nagpaalam na ko sa mga teachers natin na may lagnat ka at ako ang nag aalaga sayo".

Tumango naman ako. Nakakalungkot lang dahil tuwing may sakit ako ay laging nasa tabi ko si Khaizer para alagaan ako. Akala ko ay umuwi sya kagabi... Hindi pala talaga.

"Ano bang iniisip mo?" Tanong nya dahilan para matauhan ako. "Halika na. Kaya mo bang tumayo? Kain na tayo. Naghanda ako sa baba pero kung hindi mo kaya ay dadalhin ko dito."

"Sige, tara na sa baba". Sagot ko. Wala naman na akong nararamdaman. Bukod sa gutom dahil nga hindi ako kumain kagabi. "Sorry pala kung naabala pa kita ah".

"Ano ka ba, magkaybigan tayo e, para namang others to". Pagbiro nya. "Kumain ka na o gusto mong subuan pa kita".

" sige nga, subuan mo nga ko." Sagot ko. Tumawa sya bago sakyan ang trip at sinubuan nga ako. Nahampas ko tuloy sya dahil hindi manlang hinipan yung pagkain at halos mapaso na ang dila ko.

"Ayan ahahaha". Patuloy sya sa pagtawa na ikinatawa ko din. Hinampas ko tuloy ulit sya at hindi na napigilan ang tumawa. " ayan. Dapat nakangiti ka lang. "

"Thank you talaga". Sagot ko. I appreciate him. Nandito sya kahit na iba ang gusto kong narito ngayon. Umabsent sya para sakin. Habang ang asawa ko ay may inaasikasonh iba roon.

Nang matapos kumain ay inalalayan nya ko palabas. Wala na naman akong sakit dahil sinat lang iyong kanina kaya napagpasyahan namin na pumasok sa mga natitiranh subject.

Noong una ay ayaw nya pa dahil baka daw mabinat ako pero syempre, ipinaglaban kong pumasok kami kaya wala rin syang nagawa. Sumakay kami ng trycicle dahil kung gusto ko daw na pumasok kami ay magtrycicle manlang kami.

"Sophie! Evren!" Hindi makapaniwalang tumakbo palapit sa amin ang mga kaklase namin. "Okay ka lang ba Sophie? Bat di ka pumasok kanina?"

"May lagnat sya kanina kaso nagpumilit na pumasok ngayon kaya pumayag nalang ako". Sagot naman ni Evren.

" ano ka ba Evren dapat hindi mo pinayagan na pumasok tong si Sophie". Reklamo ni Rhaya. "Okay ka lang ba Sophie? Dapat hindi ka na pumasok. Baka mabinat ka."

"Okay lang ako Rhaya at tsaka ako ang nagpumilit na pumasok at wala lang nagawa tong si Evren kaya wag nyo syang sisihin". Pagtanggol ko kay Evren.

Sakto naman ang pagpasok ni maam Ther kasama si Khaizer. Mukhang lagi na silang magkasama. Sinubukan kong hindi tingnan si Khaizer at nagtagumpay ako. Hindi ko sya binigyan ng atensyon kahit konti at nagfocus sa topic.

" mukhang may something kay prof at kay maam ther no? Lagi na silang magkasama at mukhang lagi nang nakangiti si prof kapag kasama nya si Maam". Rinig kong bulungan ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin.

"So magkakaroon tayo ng camping. Pupunta tayo sa isang village at dun tayo magstay ng isang buong araw. Pero dahil nga village iyon ay hindi tayo pinayagan  na sa tent magstay at nagbook nalang ang school ng hotel".. Pag-eexplain ni maam Ther.

" maam! Sino sino po ang magkakasama sa isang hotel?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Pag uusapan natin yan pagdating dun". Sagot naman ni maam. " prof, sasama ka ba? Kasama ka diba?"

"Yes". Simpleng sagot ni Khaizer at nginitian si maam ther. The way he smile at her is the same way he smile at me...before.

"Ms. Ledezma, answer this on board". Nang marinig ko ang pangalan ko ay tumayo na ako at lumapit sa board para sagutan iyon.

Nang tingnan ko ang mga letra ay para akong nahilo. I manage to answer it correctly pero nandilim ang mata ko at nawalan ako ng malay.

Agad na tumayo si Evren at lumapit kay Sophie. Gayun din si Khaizer. Nagkasabay pa sila ng paglapit kay Sophie pero inunahan ni Evren si Khaizer na buhatin ito at dahilhin sa clinic. Naiwan naman si Khaizer na nakatulala dahil walang nagawa upang iligtas ang asawa.

Nagising ako at puti lang ang paligid. Agad kong nakita si Evren sa tabi ko. He's sleeping. Hinihintay akong magising. Umayos ako ng upo at sakto namang nagising si Evren.

" are you feeling okay now Ms. Ledezma?" Tanong ni maam ther na hindi ko namalayang nandun din pala at katabi nya si Khaizer. Nakaupo sila sa sofa at sabay na tumayo palapit sakin.

"I'm fine... Okay na po ang pakiramdam ko". Sagot ko. " Nahilo lang po ako kanina pero okay lang po ako".

"Ikaw talaga ang tigas kasi ng ulo mo e". Inis na pinitik ni Evren ng mahina ang noo ko at napahawak nalang ako doon. " I told you that we should just stay in your house."

"Okay nga lang ako. Ikaw ah, kanina mo pa ko pinipitik sa noo." Sabi ko nang pitikin nya ulit ang noo ko. Inis na ginantihan ko sya na ikinatawa naming dalawa.

"You two are really close. May relasyon ba kayo?" Kung may iniinom lang ako ay malamang naibuga ko na iyon nang mag tanong ni maam Ther.

"Wala po". Sabay naming sagot ni Evren. Defensive kami pareho kaya napatawa na lang samin si maam.

"Just kidding". Sagot naman nya. " but wag ka munang pumasok bukas Sophie. Baka mabinat ka at lalong lumala yang sakit mo."

Tumango ako. Nang araw na iyon ay maaga akong pinauwi. Wala na sana akong balak na kumain pero biglang pumasok si Khaizer sa kwarto ba ikinagulat ko.

"Eat." Sabi nya. Lumapit sya sakin at niyakap ako. "I'm sorry for being unresponsible husband, wife. I'm really sorry. I'm just mad that I already hurt you. I love you and please... Forgive me".

" I love you, wife. And I regret doing that to you. I'm sorry".

----------:)----------
----------:(----------
----------:/----------

Please help me gain some supports by voting my story, thank you

-uniloves18

Professor Hubby (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon