"Elementary education?" Marahang tanong ni mama habang binabasa ang application form ko.
"Opo, Ma."
Tumango siya at tinignan ako. "Ito ba talaga ang gusto mo?"
Hindi ko inaasahan iyon. Kahit na istrikta si mama sa aming pag-aaral, hindi niya kailanman kami pinilit sa ano mang mga kurso. Kaya akala ko, hindi na magtatanong pa si Mama ano man ang maging desisyon ko, ngunit nakagagaan ng loob na mahalaga sa kanya ang gusto ko.
"Opo, Ma." I nodded with more conviction.
Inilapag niya ang papel at lumapit sa akin. Nilingon niya ang mga batang naglalaro nagtatawanan sa maliit na kubo sa harap ng aming bahay. Isa roon ang kapatid kong si Carlo na may mga bakas na ng buhangin ang mukha kalalaro maghapon.
"Sila ba ang naglagay nito sa puso mo?"
Pinagmasdan ko rin ang mga bata. Mula nang lumipat kami rito sa probinsya, sila ang nagbigay buhay sa pagkabata ni Carlo, at sa akin. Most of them came from big families, so they were not monitored enough by their own parents.
Sa tuwing tururuan ko si Carlo sa kanyang pag-aaral, napupuno ang kubo dahil pati sila ay nakikinig. Sa una, ang akala ko ay dumadayo sila sa amin para hintayin ang kapatid kong makapaglaro, pero sa mga sumunod na araw nagdadala na rin sila ng kani kanilang lapis at papel.
Kaya naman inipon ko ang mga baon ko at bumili ng maliit na blackboard sa bayan na may kasama na ring pansulat. Sa kanilang lahat ay si Carlo lang ang nag-aaral kaya paminsan minsan ay nagtuturo rin siya sa mga kaibigan niya. It was a breath of fresh air for me to be with these willing learners.
It saddened me to realize that quality education has become a dream rather than a basic right. So with the means I have, I tried to provide them with what they should have in the first place.
"Ate Coli, maga-enroll run ako sa pasukan. Hambal sakun it maestra tigo run ako magbasa." Balita sa akin ni utoy isang araw, isa sa pinakabibo sa mga bata.
"Pa'nong bukon kaw matigo, utoy e sigi imong tan-aw kay ate Coli mo." Singit ng kaklase kong si Dessa.
"Crush mo si Ate Coli ko, 'no?" Dagdag pa ni Carlo, medyo naintindihan yata ang salita ni Dessa.
The kids teased Utoy. Kahit na kayumangging-kayumanggi ang balat nito, halata ang pamumula ng pisngi at tenga. I smiled at him kaya lalo nilang inasar. Sa huli, ay sinaway ko na dahil nagtatago na si Utoy.
The smiles on their faces everytime they get to learn something new, and their every little progress became the emblem of my purpose - to educate.
Ngumiti ako kay Mama. "Malaking parte sila, Mama."
"Masaya ako para sa'yo kung ganoon. Pero gusto ko pa ring humingi ng tawad, Coli anak."
Nilapit ko ang sarili kay mama at niyakap siya.
"Bakit po, Ma? Wala ka pong kailangang ihingi ng tawad."
Hinawakan ni Mama ang braso kong nakayakap sa kanyang dibdib.
"Alam kong gusto mong magdoktor.."
Natigilan ako. Kinalas ko ang yakap kay mama at hinarap siya. She smiled sadly at me. Kaagad naman akong umiling.
"Pangarap lang po iyon, ma. Ayos lang po sa akin kahit hindi iyon ang kurso ko."
"Alam ko, Coli anak. Pero alam ko rin na kung kaya lang kitang suportahan sa pangarap mo, gugustuhin mo rin iyon. Kaya patawarin mo ako-"
I hugged her again. "Huwag mo pong sabihin 'yan, Mama. Kuntento po ako, kami ni Ate at Carlo sa kung anong naibibigay niyo sa amin. Wala pong kailangang ihingi ng tawad ma."
YOU ARE READING
Heartful Whispers
RomanceCorjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feelings for someone. But then one day, she woke up and found herself thinking about Leonel Dizandro Carson...