Kabanata 25

85 5 8
                                    


"What happened to your eyes, Teacher Coli?"

Natigil ako sa pagchecheck ng papel ni Harry. Nasa mukha ko ang buong atensyon niya, na para bang ngayon niya lang talaga ako nakitang ganito ang itsura.

"I was sick last night, Harry.. until now but much better. You called me, ah?"

I continued on checking his paper. Sinulyapan ko siya saglit. Hindi pa rin siya natigil sa panunuri sa akin.

Naningkit ang mata niya. "Yes, I know you were sick. But your eyes look like you cried. Did you?"

My fingers tightened on the ballpen.

Mukha akong umiyak?!

Totoo naman pero.. halata?!

Kung napansin ni Harry, hindi kaya si Nanay Beth at Leonel din? Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam. Ano naman kung gano'n? Normal naman ang umiyak.

But I cried because of him! Normal, oo pero ayaw kong malaman niya!

I forced a smile to Harry. "I coughed and sneezed a lot. Maybe that's why. Mamamasyal daw kayo mamayang hapon?"

"Y-Yes, with Kuya, Mommy, and Daddy," aniya kahit may katanungan pa rin sa mata.

"I'm sure you'll enjoy it, Harry! Mind showing me the pictures, then?"

He nodded quickly. Nawala na ang atensyon sa mata ko. I smiled.

"I will ask Yaya to take a lot of pictures of me! You can just look at my pictures, no na kay Kuya."

Natatawa kong pinisil ang pisngi niya. He blushed! Hmm.. totoo yata ang sinasabi sa akin ni Haiden na may ito crush sa akin.

Harry helped me clean his study table. Nang palabas na kami ng kwarto niya ay sakto ring pag-akyat ni Haiden para tawagin ang kapatid.

"Harry! You done?"

Ngumiti ako kay Haiden. He smiled back but his eyes went somewhere else.

"Yes, Kuya." Harry answered his brother.

"Let's unbox our new robots from Tito Zandro!"

Harry's eyes twinkled. "R-Robots? Where? Come on!"

Kumaripas ng takbo pababa ang dalawang bata. Tinignan ko ang relo ko bago bumaba ng hagdan. Sakto lang ang natitirang oras para sa biyahe. Hinilot ko saglit ang sentido ko. Bumalik yung hilo ko kaninang paggising.

Ngunit bago ako makahakbang ay biglang rumehistro sa akin na ihahatid nga pala ako ni Leonel.

I heard footsteps going upstairs. Akala ko ang mga bata ulit yon. Naestatwa ako nang makita si Leonel paakyat. His steps are slow and precise. Mataman siyang nakatitig sa akin habang unti unting lumalapit sa kinatatayuan ko.

When I remembered that Harry noticed my swollen eyes, I quickly looked away and went to the other side of the staircase. Gusto kong magmadaling bumaba.

Narinig ko ang buntong hininga niya bago lumipat din sa gawi ko at ipinatong ang kamay sa bannister para harangan ang pagbaba ko.

"Saan ka pupunta?" He asked in an accusing tone.

Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. Ang matipuno niyang katawan ay talagang nakaharang sa akin, unless lilipat na naman ako sa kabila pero mahahalatang hindi ko kayang tagalan ang presensya niya.

Wearing a black tshirt that fits his body and maong pants, he stood commandingly. He already has this air back then. Yung hindi mo aakalain na puro kalokohan pala ang gawain.

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now