"Sigurado ka na ba talaga na iiwan mo sila?" isang subok pa ni Ericka.
I watched the children as they all focus on their seatwork. Some are standing to borrow crayons in different regions of the classroom and some aren't on their proper seats. I didn't care. Theiri comfort is the most important thing to me.
I sighed. "May papalit naman sa akin.." sabi ko pero hindi magaan sa loob nang ito.
"Kailan ka aalis?"
I looked at her. Her hooded eyes still window both sorrow and distance. Tahimik si Ericka kahapon pa simula no'ng sabihin ko sa kanya ang plano kong bumalik ng Maynila. Kahit na magkalapit kaming ganito at nag-uusap, ramdam ko pa rin ang tampo niya.
"Naiintindihan kita, Coli. Pero hayaan mo sana akong magtampo," that's what she said.
I smiled at her. Pairap niyang iniwasan ang ngiti ko.
"Hinahayaan kitang magtampo, ah?" Pabiro kong sabi.
Umismid siya. "Tss. 'Di bale, susunod naman ako sa'yo."
"Ano?"
"Sabi ko baka luluwas din akong Maynila sa mga susunod na buwan. Paulit ulit nang tumatawag si Papa. Pero pag-iisipan ko pa rin."
"Aalis ka rito?" tanong ko ulit, hindi maproseso ang sinabi niya. I know how much she hated going back.
"Kung kailangan," she said, mimicking my voice and even my face expression everytime I say that line.
Natawa ako, umirap siya ulit pero natatawa na.
Habang naglalakad ako pauwi, sinalubong ako nila utoy, lino, at zack. Kinuha ang plastik ng bitbit kong mga kamote. Pinaubaya ko kay Lino ang plastik. Minsan ay halos pati bag ko ay bitbitin nila. Pinalibutan nila ako na animo'y mga gwardiya.
"Gab-i ron Ate Coli. Mayad kung may kaibahan kaw," sabi ni Utoy.
Natawa ako. Mag aalas otso pa lang naman. Medyo humaba ang pag-uusap namin nina lolo at tita tungkol sa pag-alis ko. Iba't ibang uri ng pangaral at paalala. Huwag daw akong aalis nang hindi dumadaan doon dahil marami silang ipapabaon.
Theo also offered me an apartment in Manila but it's too far from the school I'll be teaching. I assured him that it's okay. May nakausap na si Tito na kakilala niya mismo ang may-ari. I looked up to it, too, mukhang totoo naman. Isang jeep lang mula roon sa school kaya pwede na.
Nagpresinta na lang si Theo na ihatid ako sa terminal ng bus na agad ko ring tinanggihan ngunit hindi siya pumayag. Maging sila lolo ay sinabihan ako na tanggapin na ang alok ni niya. Wala na ako nagawa at pumayag na lang kahit nakakahiya talaga dahil malapit lang at kaya ko namang magtricycle.
"Kamusta ang pag-aaral?" I asked them.
Since they enrolled later than Carlo, kahit halos magkakaedad sila ay ito ahead sa kanila. Dahil naman doon ay nagkakaroon na sila ng ideya bago ang bagong baitang dahil pinapahiram ni Carlo ang mga nagamit niyang notebooks at minsan tinuturuan pa sila.
Pamilya na sila sa amin. Sila ang nagbabantay kay mama kapag nagkataon na kaming tatlo ay wala sa bahay. Hindi sila malapit kay Ate pero kahit mula sa malayo ay nagsisilbi rin silang bantay ni Ate lalo na kapag nasa labas siya ng bahay.
Nagkibit balikat si Utoy. Aba!
"Abo! Hing taas imong grades, hay?"
"Wala run ako bagsak, bukon na pirmi gagalit si madam Sherlie," he said, pertaining to their teacher.
"Buriton! Bagsak kaw sa science! 8 over 20 tana, buriton na utoy na ya!" kontra naman ni Zack.
Nagpatuloy na ang asaran at yabangan nila hanggang sa makarating ako ng bahay. Unti-unti ay bumibigat ang loob ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila. Kaya naman no'ng nagsimula na akong magpakawala ng mahihinang singhot, nag-alala agad sila.
YOU ARE READING
Heartful Whispers
RomanceCorjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feelings for someone. But then one day, she woke up and found herself thinking about Leonel Dizandro Carson...