Kabanata 11

83 5 18
                                    

"Uyy may hinihintay dumating," Yula teased.

Diretso akong tumingin sa harap at hindi na siya pinatulan. She swirled my braided hair on her forefinger, may pa unti-unti pa ring panunulak sa balikat ko.

"Hindi 'yun aabsent sa first day lalo na classmate ka niya."

Imbis na lingunin siya ay tinikom ko ang bibig. Baka kung ano pang masabi ko na aayon sa pang-aasar niya.

"Sabi ni Andreign kaninang madaling araw lang daw umuwi sila Leo. Baka napagod kaya late ngayon. Tanong mo pa. Dreign!" patuloy niya na parang inaalo ako. Buti na lang ay sa dulo nakaupo si Andreign kaya hindi siya narinig.

Bumaling ako sa kaibigan. She smiled victoriously for she got my attention. Napailing ako. Oo, hinihintay ko nga siya. Pero ngayon ngayon lang! Dahil ilang minutes na lang ay darating na raw yung adviser namin.

Marami na kami ngayon sa classroom. At bilang lang sa daliri ang mga kilala ko o pamilyar sa akin. Si Hichasen ay nandito na pagdating namin ni Yula. Si Andreign naman ay halos kararating lang din. The other one's still missing. Nagulat din ako nang malamang tatlo silang kaklase namin.

Nahagip ng paningin ko si Andreign na nakangisi. Sa pinakadulo siya umupo at pinatiling bakante ang katabing upuan dahil ilang babae na ang nagtangkang umupo roon. He's probably reserving it for his best friend.

Kung makataas siya ng kilay ay parang alam niya ang iniisip ko.

"See, Coli? I'm hot and smart." Bulong ng tinig niya sa utak ko.

Hmm.. I wonder..

A tall woman in her 40s entered the classroom. The sound of chattering faded like an end of a song. Strict. If a paragraph of first impression would be our first assignment, that's what I'd write. Our adviser looks so strict. Ginapang ako ng kaba para kay Leonel.

"Good Morning," she greeted in a low voice.

Bumati kami pabalik ngunit parang naging echo iyon dahil hindi kami sabay sabay. Nagtinginan kaming magkakaklase. May mga mukang kinakabahan meron namang nagpipigil ng tawa.

"Does anyone here knows his or her adviser's name?"

I remember only her surname. Nakalagay iyon sa sinend na masterlist. Pilit kong inalala ang buong pangalan. Ang isa kong kaklase sa harap ko ay patagong binubuksan ang cellphone niya pero huli na ang lahat. Someone already raised a hand. Bahagyang lumaki ang mata ko nang makita kung sino.

Ma'am only nodded at him.

"Ms. Evangeline R. Villa," aktibong sagot ni Andreign.

Gumalaw ang gilid ng labi ni Ma'am sa sagot niya pero kalaunan ay naningkit ang mga mata. Hindi naman natinag ang isa, malakas ang kumpyansa sa sagot niya.

"Who's Evangeline?" Our teacher asked. Natatawa na rin ang mga kaklase namin.

"Gawa gawa na naman ng pangalan." Yula laughed.

Someone in front raised his hand. It's Hichasen. Ma'am nodded at him kahit na parang natatawa pa rin. I slowly smiled. I guess she's not that scary after all.

"Ms. Evelina R. Villa," he recited coldly.

Humarap si Ma'am sa amin. "Good Afternoon. I am Ms. Evelina R. Villa." She said putting an emphasis on her first name. Sumulyap ako kay Andreign. Pilit siyang nakangiti. Gusto kong matawa.

"Now that I've introduced myself, be prepared because it'll be your turn after I check the attendance," she scanned the paper on the table.

Wala pa rin si Leonel. Pabalik balik ang tingin ko sa pinto at kay Ma'am. Nang hinarap niya na kami ay nawalan na ako ng pag-asa. He's really gonna be late.

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now