I woke up early to prepare for my first day. Alas otso ang tutor ko kay Harry, and although it's just one tricycle away from the apartment, umalis na ako ng ala siete.
Naobserbahan ko noong nakaraan na maraming sumasakay sa umaga na papasok din ng trabaho. I have to be there at its peak para hindi na maghihintay pa ng ibang sasakay. Ang school naman ay isang jeep mula sa mga Brios. But I don't really trust the traffic.
Pagdating ko sa mansyon ay agad akong sinalubong ng kasambahay.
"Good Morning po, Ma'am."
Ngumiti ako sa kanya. "Magandang Umaga rin po. Nag almusal na ho kayo?"
She smiled wider. "Ah opo. Kayo po? May nakahanda sa kusina. Ako po pala si Beth, Ma'am."
"Naku, Nanay Beth, nakakain na po ako. Huwag niyo na po akong i-po." I chuckled.
Natawa rin siya sa sinabi ko. I know they are all trained to respect the guests and convey much hospitality. I witnessed it so many years ago everytime my mother brings me here.
"Gising na po ba si Harry?"
She nodded actively. "Maagang ginising ni Madam kanina. Umiinom pa po yata ng gatas sa kwarto niya."
Another housemaid went to us when we reached the large living room. I smiled at her, too. Parang kaedad ko lang siya. Her cheeks are glowing red with her lips.
"Ang aga aga nakamake up ka?" Nanay Beth told her.
"Narinig ko sa mga bata. Pupunta mamaya si Sir Zandro!" Kinikilig niyang inayos ang buhok niya.
Nanay Beth shook her head disappointedly and looked at her as if she finds her pitiful and hopeless. The cute housemaid made a beautiful eyes.
"May nobya na yata iyon, Mimi. Sa gandang lalaki niya, magkakandarapa ang mga babae. Naku! Pipili ka pa!"
Akala ko ay sisimangot si Mimi pero humagikhik lang siya. Natatawang pinagmasdan ni Nanay Beth ang reaksyon niya. Nangingiti na rin ako sa usapan at samahan nila.
"Walang girlfriend, Manang Beth! Tinanong ko si Haiden!"
"Aba! Dinamay mo pa ang bata!"
Kinurot siya ni Nanay Beth sa tagiliran. Dumaing siya roon ngunit tumatawang bumalik sa kusina.
Nahihiyang ngumiti sa akin si Nanay Beth. "Pagpasensiyahan mo na siya. Masugid na tagahanga ni Dizandro. Hinahayaan na lang din nila Madam."
Ngumiti ako. "Ang cute nga po niya. Iyon po ba ang tito nila Haiden at Harry?"
Papaakyat na kami ng hagdan. Lumingon siya sa akin at nakangiting tumango. "Napakagwapo at magalang na bata noon pa man. Kahit ang iba pang kasambahay dito ay sabik sa tuwing pumupunta ang kanilang pamilya rito."
Habang patungo kami sa kwarto ni Harry ay unti unting bumagal ang lakad ko. Just like one of those many relapses I had, a particular dialogue of mine in a warning tone.. uttering one's name flashed in my head. My brows met as I tried to recall the familiar name she mentioned.. and check if it's the same.
I walked faster to keep up with Nanay Beth. "Ano pong pangalan-"
"Teacher? Teacher!" Harry emerged from his room's door.
He's wearing a navy green shirt and a denim jumper shorts. Sumunod namang lumabas si Haiden na nakapajama pa.
"You changed your pajamas?" Nanay Beth asked him.
Proud siyang tumango ngunit no'ng sulyapan ako ay tila nahiya.
Haiden went to his brother.
"I helped him wear that. He wanted to look cool for Ate Coli but he still looks like a baby. I told you, Harry, your white pants is better."
YOU ARE READING
Heartful Whispers
RomanceCorjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feelings for someone. But then one day, she woke up and found herself thinking about Leonel Dizandro Carson...