"Dito ka lang, ha? Huwag lalabas ng bahay." I patted my brother's head. He nodded cutely.
"Ate, gusto ko ng gwapes.."
"Grapes?" I chuckled.
I looked at the piece of paper on my hand and calculated the money on my mind. Nakasulat ang mga bibilhin ko at parang sakto lang ang ibinigay ni Mama. Carlo innocently stared at my face. Mabilis kong ibinaba ang hawak at ngumiti nang matamis.
"Susubukan ni ate kapag may tira pa akong pera. Okay lang ba iyon?" Hinaplos ko ang pisngi ng kapatid.
"Okay lang, Ate. Uwi ka po agad ah.." I smiled and nodded.
Dumaan muna ako kay Aling Tora bago dumiretso sa palengke. Dapat ay tutulong ako sa kanya ngayon pero may school work kami mamaya. Well, my morning walk didn't go smoothly. There were people gawking at me then would obviously whisper something. As much as I tried to ignored it, it made me a bit conscious.
Siguro ay dahil sa suot ko?
Mahabang kulay lavender na palda ang sumusunod sa bawat hakbang ng mga paa ko. It was long enough to give a nudge on my ankle. While a big white shirt is covering my upper body. Did they find it baduy? But I don't think it is. I feel comfortable and womanly.
Nag lakad-takbo na lamang ako kaya't malaya ring lumundag sa hangin ang mahaba at itim kong buhok. Mama likes my hair this way. Long and straight. Kung lalagyan man ng alon ay tuwing may okasyon lang gaya ng recognition day. I smiled at the thought. I'm going to be a senior high!
I wiped my tiny sweats with the back of my palm before going inside the carinderia. Muli kong naramdaman ang pag-ikot ng ulo ng iilang kumakain. Inipit ko ang mga labi at nagpanggap na walang napansin.
"Oh! Coli hija! Naipaalam ka na ng mama mo!" Panimula ni Aling Tora. Tinakpan niya ang malaking kaldero at lumapit sa akin.
"Oo nga raw po.. pero may makakasama po ba kayo mamaya?"
"Ay dios ko, oo naman! Kaya na ng ate Teressa mo iyan mamaya. Pagbutihin mo ang mga gawain niyo sa eskwelahan. Huwag kang mag-alala rito.." she squeezed my elbow gently.
"Oh siya, sige na at pinagtitinginan ka na naman ng customers ko!" she giggled.
I awkwardly laughed. "Oo nga po.. sa suot ko po siguro."
"Sa mukha mo kamo! Para ka talagang diwata sa daan kapag umaga, Coli!"
Matapos ng ilan pang pamumuri ni Aling Tora ay nagsimula na akong maglakad. I think I just blushed the whole time! Kapag nasa ganoon akong senaryo ay hindi ko talaga alam ang gagawin at sasabihin.
"Coli! Sakay na!"
Nilingon ko ang tumawag, and there I saw Nico, my childhood friend. Nakasakay siya sa tricycle ng ama niyang si Tito Lando na nakangiti na rin sa akin. The vehicle halted on my side.
"Sa palengke rin ba ang punta mo, Coli?" si Tito Lando.
"Uh.. Opo," I shyly replied.
Lumabas si Nico mula sa tricycle. "Sakay ka na. Libre lang," masuyo niyang anyaya.
I immidiately raised both of my hands. "Hindi na po! Maglalakad po ako!"
"Mainit na maya maya at baka maubusan ka pa ng mga sariwang gulay, Coli.." si Tito Lando na ngayon ay pinatutunog na ang tricycle.
Oo nga no?
Ngumuso ako at kalaunan ay tumango. Tumingin ako kay Nico. Nangingiti siya habang sumusulyap sa akin at bigla'y titingala. Tila hindi pinapahalata ang mga nakaw na tingin. My forehead creased as my lips twisted for a smile. May sasabihin ba siya pero nahihiya lang?
YOU ARE READING
Heartful Whispers
RomanceCorjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feelings for someone. But then one day, she woke up and found herself thinking about Leonel Dizandro Carson...