Kabanata 1

160 4 15
                                    

Tinanaw ko ang dulo ng kalsada kung saan nakaparada ang mga tricycle. Kanina pa iyon ah?

"Wala pa rin ang kapatid mo, Coli?" Aling Tora asked.

"Wala pa rin po.."

"Darating din yon maya maya. Baka maraming tao sa pamilihan,"

I sighed and went back inside the carinderia. Sabado ngayon at araw ng trabaho ko kay Aling Tora, kaibigan ni Mama. Tumutulong ako sa karinderya na maghatid ng mga order sa kami-kanilang lamesa. Ang kinikita ko rito ay pangbaon ng bunso kong kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating.

"Miss!" tawag ng kadarating lamang na customer.

Maayos kong tinali ang apron ko at mabilis na dinaluhan ang iba pang mga tumawag.

Bukod sa kapatid ko ay hinihintay ko rin na dumaan si Yula. She invited me earlier to go to the mall which I declined. Sayang ang araw ko rito. At ito na lang din ang naibibigay ko kay Mama linggo-linggo. We're not rich and my mother's a single mom. As a daughter, it is my duty to help my mother lift our expenses aside from doing good in school.

I really need to keep my grades as high as I can. I should and I must. Ang mayamang amo ni mama ang nagpapaaral sa akin. They were moved by my diligence and strong will to study. Also, because of my mother's loyalty and service for their family over the years. Kaya ako nakapag-aral sa paaralan na pinapasukan ko ngayon. I was transferred there just last school year.

"Ilang taon ka na, girl?" tanong ng isang customer matapos kong ilapag ang order niyang kanin at ulam.

"17 po.."

Ang malalaking hikaw niya ay bahagyang gumalaw nang pagmasdan niya ang kabuuan ko. He flipped her blonde hair and smiled at me. I was quite reluctant to smile back but I did. Kasama sa trabaho ko ang maging magiliw sa mga tao. Hindi raw pwedeng magsungit.

"Tora, 17 lang itong dalaga mo?"

"Oo! Ganda no? Anak yan ni Rosalie kapitbahay ko!" sagot ng papalapit na si Aling Tora.

Tumango tango lamang ang customer at tinitigan ako. He's like memorizing every part of my face. I looked away.

"Coli, si Kerina. Yung mga nakikita mong modelo ng shampoo at sabon sa tv.. siya ang nakadiscover sa mga ilan doon! Hindi lang halata pero naghahanap yan ng mga pwedeng magmodelo!" Aling Tora bragged. A scout?

Kerina chuckled and turned to me. "Malapit lang dito ang bahay mo?"

"Uh opo.." 

"Here's my calling card. You know when to call me," he winked. Marahang tinampal ni Aling Tora ang balikat ko kaya't nalilito kong kinuha iyon.

Itatanong ko sana ang ibig niyang sabihin ngunit yumuko na siya at inasikaso na ang pagkain. Siniko ako ni Aling Tora at pinandilatan ako ng mata, nasasabik sa kung anuman.

Kumibot ako nang may kumalabit sa akin. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Yula.

"So my best friend's going to be a model, huh?" sinundot niya ang tagiliran ko.

"H-hindi ako interesado.." I whispered and put the calling card inside the huge pocket of my apron. Tinignan ko muna kung may bagong dating na customer bago marahang hinila si Yula sa gilid ng karinderya.

"Kanina ka pa?"

"Medyo. Anong oras ang tapos mo?"

I glanced at the sky and mentally weighed the time. Hindi pa naman gaanong madilim. "Mga ala siete siguro. Hinihintay ko pa si Carlo."

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now