Kabanata 15

87 2 10
                                    

"Oh? Natagalan kayo, ah?" Salubong ni Jasen sa amin.

Medyo kinakabahan ako sa maaari nilang sabihin pagbalik namin dahil pakiramdam ko ay.. tumagal nga kami. I was expecting them to look pissed or probably scold us a little but they all have malicious smirk on their faces!

Inakbayan siya ni Leonel at iginaya na sa harapan dahil mukhang may gusto pa siyang sabihin. I smiled at them apologetically. Kinuha ko ang script and started scanning it. Laine is already preparing the presentation but the boys are still looking at Leonel meaningfully.

Nangingiti siya habang umiiling. Sa huli ay seryoso na siyang umiling kaya tinigilan na rin siya ng mga ito.

He suddenly caught my eyes kaya napasinghap ako. He licked his lips then gave me a quick wink. Patay malisya kong ibinalik ko ang tingin sa script kahit kabisado ko na halos ang part ko.

Hanggang sa pag-uwi ay parang may humahawak sa puso ko. The way he indirectly kissed my forehead is humming on my mind on repeat as if I'm watching a melodic dance that is unknown to me. Everything he makes me feel is unknown to me. Or maybe.. I am just scared to label it all.

"Intrams week is the best! Marami tayong vacant time tapos pwedeng tumambay sa gymnasium! Chill pa ang mga prof! Tara ah? Pag lunch time." kumbinse sa akin ni Yula.

"Hindi ba tayo magkakaroon ng booth?" singit ni Daphne.

Laine probably heard our conversation kaya dumalo ito sa amin. Umakbay siya kay Yula habang nakatayo. "May booth tayong aasikasuhin! Kung mga gwapo ang pakay mo. For sure naman may bibili sa ating players. Hmm.. magbenta tayo mga juice?"

"Sabagay! Pero diba kapag ganoon dapat may free hugs or like picture sa famous nating kaklase para maraming pumila?"

The vibration of swirling pen on my fingers stopped. My eyes conveyed vigilance as I listened to them.

"Sina Andreign at Leonel!"

Tuluyan ko nang binitawan ang pinaglalaruang ballpen. I adjusted on my seat stiffly.

"Ay! Oo nga pala!" Daphne said when she realized something.

They are participating in sports. Kasama pala sila sa basketball team noong high school. I didn't know that. I watched the games before a couple of times because of Yula but I wasn't really watching. Umaakyat din ako agad pabalik sa classroom.

Laine nodded. "Players sila! Kahit nga si Hichasen. Si Simon ang naiisip ko since siya naman ang escort din natin."

I nodded nonchalantly at what Laine said. Right, as far as I know, muse and escort iyon. When I turned to them for a new information, they're already watching me.

I pursed my lips. "Hmm?"

"I think mas bebenta tayo if si Coli." Yula smirked evilly.

Umiling ako agad. "Hindi ako-"

"Famous? If you only know, Coli. I can hear your name even in college building. Ang layo nila, ah? May sarili pa silang cafeteria. So baka nakita ka lang nila once sa entrance or somewhere pero pinag-uusapan ka na!" Daphne's loud voice made some of our classmates look at us. Napapikit ako nang mariin.

"Diba iyong college na tinuturuan ni Sir Benedict, tinatanong daw pangalan mo. Naghatid lang iyon ng gamit sa classroom natin."

I swallowed hard. I don't even see college students! Hindi ko alam ang mga sinasabi nila.

"Wala ka napapansing college students, no? Classroom lang kasi natin ang everyday goal mo," si Yula na tila nabasa ang isip ko.

She combed my hair with her fingers and looked at the other girls proudly. Umiiling pa rin ako.

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now