Kabanata 10

92 4 13
                                    

The truth is I've always wanted to spend the yearly vacation in our province. I miss the feeling of being hugged and kissed by our grandfather and aunties. Iyong amoy ng malawak na palayan at simoy ng hangin galing sa mga puno, mga sariwang pagkain na sa probinsya mo lang malalasahan. Oo mayroon din sa syudad, but it doesn't taste and feel the same.

Sa loob ng labing pitong taon, tatlong beses pa lang akong nakararating doon pero nanatili ang pakiramdam at ala-ala sa akin hanggang ngayon. Kung sana, pwede kaming pumunta roon kahit kailan namin gustuhing magkakapatid.

Pero hindi pwede. Hindi pa rin kaya ni Mama. Maaaring napatawad na siya ni Lolo pero pakiramdam ko ay hindi niya pa rin napapatawad ang sarili niya.

And that's when I realized, forgiveness is hardest to give to oneself because we can't earn it from ourselves. Not until we renew our thoughts. That is why I really believe that your healing is not just your responsibility but your own choice.

"Hindi porke iyon ang ginawa mo noon, iyon din ang mangyayari sa akin ngayon! Anak mo lang ako hindi tayo iisang tao!" iyan ang naaalala kong sinabi ni Ate Cora noong unang beses na mag away sila ni Mama. Iyon din ang unang beses na sinampal niya si Ate.

The look in my mother's eyes at that moment  screams pain, guilt, and.. regrets. Sa kabila ng poot at galit niya sa pagsagot ni Ate, nakita ko.. Mama hasn't healed yet.

At dahil doon, mas lalo kong minahal ang Mama ko. Those who are cold and wounded need love. They may seem like they don't and won't need anything from anyone but the truth is that they need love the most.

Kaya naman ngayong bakasyon ay nandito lang kami sa bahay. Kapag may pasok parang ang daming gustong gawin pag weekend pero kapag bakasyon naman na, parang walang masyadong magawa at minsan hihilingin na lang na sana may pasok na.

May mga ginagawa naman ako but maybe it's the academic works? Nasanay na masyado ang isip at katawan ko na nakasentro sa pag-aaral.

It's been three weeks since our graduation. At dahil walang pasok, ako na ang bantay ni Carlo. Hindi na siya sinasama ni Mama sa trabaho niya. Tuwing sabado naman ay ganoon pa rin, sumasideline ako sa karinderya. Kaya kahit papaano, may pera ako linggo-linggo. Pameryenda at pambili ng pagkain para sa mga kapatid ko. Paborito ni Carlo at Ate Cora ang egg pie sa bakery malapit sa bahay namin.

Dumaan ang birthday ko. Sabi ko kay Mama huwag nang maghanda pero nagluto pa rin siya ng pancit at spaghetti. It was a small lunch of my family with Yula.

"Nakatulala ka diyan. May namimiss ka?" sumulpot si Ate sa gilid ko.

"Wala, ate. May pupuntahan ka?" Tanong ko dahil nakapang-alis siya.

Tumango siya nang hindi tumitingin sa akin.

"Saan ka pupunta, Ate?" subok ko.

Nagkibit balikat lamang siya at niyakap ang ulo ko dahil nakatayo siya habang nakaupo ako. I can smell her sweet perfume on her stomach. Gusto kong tanungin kung nagpaalam siya kay Mama pero walang lumabas sa bibig ko. Yumakap na lamang ako pabalik.

"Nagchat pala si Yula. Pupunta raw siya rito mamaya. Nagpaalam na raw siya kay Mama."

Kakapunta niya lang last week noong birthday ko. May ikukwento siguro siya.

"Bakit daw, Ate?"

"Hindi niya sinabi. Nabored siguro? Sa laki ng bahay niya baka nabored na siya." Natawa si Ate.

Ano naman kayang gagawin ni Yula rito? I sighed. Mabuti na rin dahil namimiss ko na rin siya kausap. Dahil nga wala akong cellphone, hindi namin nakakausap ang isa't isa kahit kailan namin gusto unless may pasok.

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now