Kabanata 4

99 4 18
                                    

Hanggang sa makauwi ako ay iyon ang laman ng isip ko. Hindi ko rin masagot nang maayos ang mga tanong ng kapatid ko tungkol sa prutas. Nevertheless, he was so happy about it.

Nang magtanghali ay naligo na ako. Susunduin daw ako ni Hichasen ng 1pm. Nandito na rin si Mama at naghihintay. Kakausapin niya raw ang kaklase ko. Dapat ay kakabahan ako ngunit wala akong nararamdaman. Siguro dahil alam kong maayos kausap si Hichasen. He's very polite.

Matapos maligo ay nanatili akong nakatayo sa gilid ng kama, pinagmasdan ko ang puting long sleeves na polo sa bintana ng kwarto namin, nakahanger at pulido ang tela. Pinlantsahan pa ito ni mama dahil gusot na gusot nang mahukay niya sa kailaliman ng damitan ko. May kiliti na dumaan sa akin. Habang tumatanda ako ay nagiging magaan na sa akin si mama. Noon kasi ay bawal ang kahit ano.

I paired it with a denim skinny jeans. Inilapit ko ang mukha sa salamin, nagdadalawang isip kung maglalagay ng kahit munting kulay sa maputlang labi. Sa huli ay kinuha ko ang liptint na ibinigay sa akin ni ate. Kulay rosas ito at mabilis na nagbigay buhay sa labi ko kahit sa kaunting dampi lamang. Its shade harmonized with my milky skin tone very well. I pouted to enjoy my lips more, nagagawa ko lamang ito kapag mag-isa. Nahihiya kasi ako kapag may nakakakita.

Nang matapos sa pagbibihis ay tinawag na ako ni Mama para ayusin ang aking buhok. She put in on the high bun. Sobrang linis ng pagkakagawa ni Mama kaya walang maliliit na buhok ang nakawala.

"Mama, Ate may tao sa baba! May kotse!" sigaw ni Carlo. I looked at my mother, asking permission to go down. She just nodded at me.

Mabilis akong bumaba. Nakasunod si Carlo sa akin at mukhang excited. Nakita ko agad ang ulo ni Hichasen mula sa sala. He's even taller than our gate!

"Where's your Mom?" bungad niya paglabas ko.

Sakto at kabababa lang ni Mama. She positioned behind me and looked at Hichasen stoically. Napalunok ako. Pareho silang walang emosyon. Can someone at least smile? Ako na lang ang ngumiti, though I'm sure it looked so awkward!

"Good Afternoon, Ma'am." Bati niya at kinuha ang kamay ni Mama para magmano. Tinanguan lamang siya ni Mama.

"Hanggang ala sais lang pwede si Corjana. Kapag tapos na kayo at wala pang ala sais, iuwi mo pa rin agad." Mariing bilin ni Mama.

Hichasen nodded quickly. Tumingin sa likod kung nasaan ang sasakyan nila. A man in his uniform went to us, may dalang kahon. Their family driver, I suppose. Kinuha iyon ni Hichasen at nagpasalamat. Tumaas ang kilay ni Mama.

Hichasen turned to me. "Yula told me you have a younger brother so I bought chocolates."

Napasinghap ako nang biglang may kamay na yumakap sa binti ko. Nakatago ang katawan ngunit nakasilip ang ulo. Carlo looked at the box with full amusement. Hichasen crouched and offered it to my brother. Tiningala muna ni Carlo si Mama para humingi ng permiso. Nang makuha ang nais ay mabilis niyang kinuha ang kahon ng tsokolate.

"Salamat po classmate ni Ate Coli!" Carlo said cheerfully. Niyakap niya ang kahon at muling nagtago sa binti ko.

Hichasen smiled a bit.

"Sinong tao sa inyo ngayon? Saan kayo gagawa? Kayong dalawa lang ang magkasama buong hapon?" Dire-diretsong tanong ni Mama. I bit my lip in embarrassment.

"The maids are there po and my younger sister, Haia. We won't be alone, Ma'am. Also, we'll gonna shoot in the backyard." Hichasen answered casually.

"Sa laki ng mansyon niyo, sigurado kang hindi kayo maiiwang mag isa?" si Mama ulit!

Sabe niya kilala niya ang pamilya ni Hichasen. So siguro tinatantya lang ni Mama ang magiging reaksyon niya? Pero nahihiya na ako. Parang ang dating tuloy ay may binabalak na hindi maganda si Hichasen. Lalo akong nahiya!

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now