Kabanata 8

83 4 20
                                    

"Coli! Umalis na si Ate Cora!" sigaw ni Ailyn na nagpagising sa akin.

Awtomatiko akong lumayo kay Leonel. He looked a bit shocked, siguro ay dahil sa lakas ng pagkakahiwalay ko ng sarili sa kanya. Kalaunan ay dinilaan niya ang labi at bahagyang ngumisi.

"Tabi.." I murmured and slightly opened the door. Bumungad sa akin ang buong mukha ni Ailyn na parang may inaasahan siyang masaksihan.

She smiled sweetly at me but her eyes darted behind me. Nilingon ko si Leonel. Matamis din siyang nakangiti pero hindi nakatingin pabalik kay Ailyn.. kundi sa akin.

I cleared my throat. "Bumalik ka na roon sa mga kaibigan mo. Bilis baka parating na si Aling Tora."

Tumaas ang kilay niya bago tumango. Nangingiti pa rin.

"Excuse me.." he whispered as his hands held my waist to make a way for him. He easily nudged my body to the side for I was too stiff to process his touch.

I swallowed hard before turning to Ailyn who is now grinning evilly.

"Nagkiss kayo?" bulgar niyang tanong.

My jaw dropped. My lips almost shook in so much shock and speechlessness.

Hindi ako magkandaugaga sa pagsagot. "A-ano ba Ailyn! Hindi magandang tanong 'yan! Huwag mong tinatanong 'yan."

Ngumuso siya at umirap. "Oo at hindi lang naman! Saka anong hindi maganda dun! Unless guilty ka?"

"Walang.. halik o kung ano pa mang iniisip mo. Tinago ko lang siya dahil kay Ate."

"Secret relationship kayo?"

Napaamang ako. Secret relationship? We're not even in a relationship!

"Yung hindi legal gano'n. Tago!" she laughed.

Umiling ako. "Hindi. Baka lang kung anong isipin ni Ate." I said and looked away.

Tumaas ang kilay niya. "Hmm sige. Pero huwag kang mag-alala, hindi makakarating sa mama mo at ate mo."

"Salamat, Ailyn.." I smiled a bit. Para akong nabunutan ng tinik.

"Pero may bagong naghahanap sa'yo! Lalaki ulit. Pogi pero ibang level pa rin ang itinago mo kanina. Ayun oh! Basta raw nakita ka niya pumasok dito kanina e. Binalikan ka lang."

Sino naman kaya 'yon?

Nang tanawin ko ang itinuro ni Ailyn ay nakita ko ang lalaki. Nakaasul na long sleeves at Jersey shorts. Naningkit ang mga mata ko habang inaalala kung saan ko siya nakita. My lips parted when realization hit me. Iyong nakakita sa akin na nananalamin sa laundry shop!

Anong ginagawa niya rito? Sinundan ako? May ari ba siya doon? Bakit? Wala naman akong ginawa o ninakaw. Wala rin akong nasira, hindi naman ako nakalapit nang husto sa babasaging salamin ng shop. I groaned. What a day.

Tinatagan ko ang loob at lumapit sa kanya. He smiled when he saw me. Lalo akong napaisip kung bakit siya nandito.

"Ako ba ang sadya mo?" salubong ko.

He nodded actively.

"I saw you entering here earlier so I tried asking if you were still here."

"Oo, nagtatrabaho ako rito. Anong kailangan mo?" tanong ko.

Sa gilid ng mata ko ay naaninag ko si Leonel na tumayo mula sa upuan nila. Laking pasasalamat ko nang hindi siya tumungo sa kinatatayuan ko. Hindi na tuloy ako mapakali.

"Nothing. Just wanted to see you. I'm Greg, you are?" he extended his arm.

Walang emosyon ko 'yong pinagmasdan. Gusto niya akong makita? At nakikipagkilala pa sa akin? I looked at him with no any sign of friendliness. Ano kaya ang pakay ng lalaking 'to?

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now