Kabanata 13

91 4 11
                                    

Binilang ko ang barya sa palad. May dalawang limang piso at iilang piso na hindi ko na nabilang. Ayos na ito. Dalawang ensaymada. Inilagay ko ang mga kamay sa likod at pinaghawak, my usual posture when waiting. Nang matapos na ang nauna sa akin ay umabante na ako.

"Dalawang ensaymada po."

Lumiwanag ang mukha ng ale. Maliit akong ngumiti.

"Si ganda pala ito! Kumusta ka na ineng? Saan ka nagkolehiyo?" she asked merrily while getting the two loaves of my favourite spiral bread.

"Senior high pa lang po ako at doon pa rin po ako nag-aaral." I answered politely.

"Ganoon ba? Hala! Hinahanap pa naman ng apo ko ang eskwelahan mo. Hindi makapanligaw dahil hindi ka raw nakikita!"

Umawang ang labi ko, hindi alam kung sasagot ba o ngingiti na lang. Tinuon ko na lamang ang atensyon sa nakaplastic na ensaymada na hindi pa rin binibigay sa akin.  Napansin niya siguro iyon kaya't inabot na sa akin.

"Ay ito pala! Pasensya na hija ang ganda ganda mo talagang titigan." The lady looked at me with adoration.

Uminit ang pisngi ko. "Salamat po.."

"Dito ka lagi bumili! Ipakikilala ko ang apo ko.  Sana masaktuhan na nandito siya kapag bibili ka!" desidido niyang sabi.

I just bowed my head. Pagpihit ko patalikod ay may nakabusangot na mukhang sumalubong sa akin. Halos mabitawan ko ang supot ng tinapay sa gulat.

Wearing a grey t-shirt, crossing arms, and jaw defining, Leonel looked at me like a betrayed puppy. 

"B-Bakit ka nandito?" mariin kong bulong at nagsimula ng maglakad na parang hindi nanggaling sa lubos lubos na gulat. 

Malalakas ang bawat pintig ng puso ko,  sumasabay sa mga nanginginig kong hakbang.   Sana hindi siya nakita ng tindera! May mga tao rin pa naman sa paligid. And this guy.. napapalingon niya ang kahit sino! No issue, please..

"Coli.." malambing niyang tawag sa likod ko. 

Hindi ko siya pinansin. Imbis na uuwi na ako, sa Ibang daan ako dumaan. I can't go home with him following me like a lost puppy!

"Hindi dito ang daan sa inyo, ah?" Talaga!

"Uy.. Coli. I went here because it's Saturday.  I thought andoon ka sa carinderia ni Ate Tora." He explained while keeping up with my fast walk. 

Ate Tora? Nakiki Ate Tora na siya, ah!

"Sorry na. Gusto lang kita makita.."

Hinarap ko siya. With the skin of my forehead almost overlapping, I looked at him with disbelief.

"Araw araw mo akong nakikita sa classroom!"

"Yes.. but I want the Saturdays, too." He countered softly.

"Tapos ka na ba sa mga assignments natin, ha?"

Napalunok siya. See!

"I'll do it tonight."

I made a straight face. 

Kabado siyang umabante. He licked his lips and tried to get the plastic of ensaymada on my hand. Iniwas ko iyon. 

"Gagawin ko na nga po, mamaya.."

Umiling ako. "Uwi."

He nodded sadly. 

"Hatid kita. Sa likod lang ako."

"May makakakita."

"Hindi, lalayo ako. Saka na ko uuwi pag nakita na kita nakapasok sa inyo." Ang kulit!

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now