Hindi maalis ang mata ni ate sa akin. Mula pagpasok ko ng cr hanggang paglabas ay pinagmamasdan niya ako. Nang nasa harap na ako ng salamin at nagsusuklay, kinuha niya ang kamay ko.
"Nasaan ang bracelet?" kaswal niyang tanong.
I gulped. Nanatili ang tingin niya sa akin, naghihintay ng sagot. Marahan kong binawi ang kamay ko at muling humarap sa salamin.
"May suot ka kahapon. Bakit mo tinatago? Lalaki ang nagbigay?"
Umiling lamang ako.
"Boyfriend-"
"Ate!" pigil ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi mo sasabihin?"
I sighed in defeat. Wala talaga akong maitatago sa kanya.
"Bigay ng k-kaklase ko."
"Kaklase lang, Coli?" she teased.
Nakasilip siya sa salamin kaya habang nagsusuklay ako kitang kita ko ang nang-aasar niyang mukha. Sinimangutan ko siya. Ano bang gusto niyang sabihin ko? Kaklase ko naman talaga.
"Mag-ingat ka sa pagtatago mo. Ako nga nakita ko pa rin sa kamay mo. Paano kung si mama ang nakapansin?" Ate Cora smirked and exited our room.
I took her reminder religiously. Kaya sa mga sumunod na araw ay hindi ko na iyon sinusuot bago pumasok. Kapag nasa school na lang.
I always notice Leonel secretly looking for it on my wrist everytime kaya kahit na nakakakaba ay sinusuot ko iyon sa classroom. Lagi naman siyang nangingiti sa tuwing nakukumpirmang suot ko nga. I don't know why it matters to me. Ano naman kung makita niyang hindi ko suot? Maybe it's his sad and disappointed face?I don't want to see it. And besides, gusto ko rin namang talagang suotin.
I like the color. Yep, the color. It's not that I like Leonel. Maliit na crush lang ang nararamdaman ko.
My senior high weeks went smoothly. Katulad ng dati, sinisikap kong hindi mapag-iwanan sa klase. Kahit na marami na sa mga kaklase ko ang talagang mahuhusay, I try my best to keep up. Hindi na mawawala sa akin ang nakasanayang mindset. I need to be on the first three of our class.
But it feels different now. Kahit na pressured at puro aral, compared before, I feel happier now. And I somehow know why..
"Coli.." tawag ni Leonel at umupo sa katabing upuan.
I searched for my seatmate at nakita ko na naman siyang nakaupo sa upuan ni Leonel. Kahit na iba-iba ang sitting arrangement namin sa bawat subject ay nakagagawa talaga siya ng paraan para mapapapayag ang katabi kong makipagpalit sa kanya.
Tinignan ko lamang siya. He's slightly smiling but his eyes seem exhausted. Ang kanyang buhok ay paunti-unting tumatama sa kanyang noo gawa ng hangin mula sa bintana. He looks fresh with his half closing eyes kahit parang ilang araw na puyat.
"Bakit?" tanong ko sa maliit na tinig, takot na mahimigan ang pag-aalala sa boses ko.
"I'm sleepy," he said softly.
"Matulog ka.. hindi naman na raw papasok si Ma'am."
He nodded drowsily. "Can I hold your hand?"
"H-huh?"
"So I can sleep better."
Tumingin ako sa paligid. My classmates are busy doing their own things. But then I saw Simon looking at me..? Nilingon ko ang katabing bintana. He's probably looking somewhere.
Bakit naman niya ako titignan? We're classmates but we're not that close. We just interact sometimes sa tuwing ngingitian niya ako at tatango naman ako pabalik. I was just being paranoid.
YOU ARE READING
Heartful Whispers
Любовные романыCorjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feelings for someone. But then one day, she woke up and found herself thinking about Leonel Dizandro Carson...