Kabanata 14

101 5 10
                                    

Like the usual scenario everytime I have group activity, nakaabang si Mama sa gate habang inaayos ko na ang bag na dadalhin ko. She's waiting for Laine to fetch me. Katatapos ko lang din paliguan si Carlo and he's now asleep.

Para akong magnanakaw na nahuli niya sa akto kaninang umaga. Buti na lang ay hindi nagising si Ate Cora. Dali dali ko siyang pinuntahan at iginaya patungong sala. But that didn't stop the little boy's curiosity.

"Ate, Coli. Bakit mo po kinuha iyong cellphone ni Ate Cora?" usisa pa rin ng bata kong kapatid.

Lumuhod ako sa harapan niya. Tinanggal ko ang mumunting muta niya. Inosente siyang nakatingin sa akin ngunit unti-unti ay kumukunot ang maliit na noo.

"May tinignan lang ako. Dahan dahan ko iyon kinuha kasi baka magising si Ate Cora."

"Ano pong tinignan mo?"

"Iyong message ng classmate ko. Pupunta kasi ako sa bahay niya mamaya." I smiled like I just didn't panic a while ago.

He stared at me for a few more seconds before nodding and then hugged me. Habang nakayakap sa akin ay kinarga ko na siya pabalik sa kwarto nila ni Mama. I felt him yawned on my shoulder.

Thankfully, wala ring nasabi si Ate paggising. Kasi kung gising siya no'n she'd definitely recite every move I did to get her phone. Pinahiram niya pa ako ng damit niya paglabas ko ng cr matapos maligo. It's a maroon round neck tshirt. She told me to pair it with a white skirt so I wore my white midi skirt na medyo fitted sa akin.

I feel a bit concious of my.. butt. Halatang halata ang kurba dahil sa palda. I waited for my mother to say something about it but I heard nothing. She just proceeded on fixing my hair in a high ponytail.

"Nandito na ang kaklase mo." Mama mouthed through the window.

Sumilip ako roon ay nakita ang itim na sasakyan sa harap ng gate namin. Saktong paglabas ko ng pintuan ay pagbaba ni Laine mula sa kanilang kotse. She waved at me. Napangiti ako. She said something to my mother. Tingin ko ay may tinanong si Mama.

"Yes, Tita. Ihahatid ko po siya mamaya." Magalang na sabi ng kaklase ko.

My mother hugged me. "Huwag papagabi." She reminded me. Mabilis akong tumango.

Laine held my wrist and smiled at me. Pinauna niya akong papasukin sa kotse at saka siya sumunod. Akala ko ay sa unahan siya pupwesto. I pursed my lips nang magkatabi na kami. Medyo iginilid ko ang katawan. Now, I don't know how to start a conversation.

"Your Mom's beautiful. Kaya pala super ganda mo, Corjana."

Napalingon ako kay Laine. She's smiling at me. Nahihiya akong ngumiti. "Salamat. Ikaw din.."

She chuckled and shook her head a bit. "You're on the other level, Corjana. The first time I saw you enter our classroom, I was literally speechless!"

Hindi ko alam ang sasabihin kaya nakitawa na lang din ako sa kanya. Our conversation progressed to academics then fashion. Laine was unexpectedly jolly. She's usually serious in classroom. O baka dahil hindi ko lang siya nakakausap.

She also showed me some stolen pictures of mine. Nanlaki ang mga mata ko roon habang guilty niyang iniisa-isa iyon sa gallery niya.

"Swear! Dalawang shot lang ang akin diyan. I can't help it you were so pretty noong presentation niyo. Sorry, Corjana!"

"Uh.. ayos lang. Huwag lang ipopost sa f-facebook."

She raised her right hand. "I didn't!"

I was smiling the whole time though I still feel a bit shy. I made a new friend! Bukod kay Yula at sa tatlong lalaki ay may makakausap na ako na hindi tungkol sa school works. Ang saya pala..

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now