Kabanata 29

105 4 16
                                    

I was brushing my teeth with my wet hair covered by a bath towel when my phone rang. Mabilis kong tinapos ang pagtotoothbrush.

Ate Cora's name was flashed on my screen. I smiled as I answered the call.

"Bakit ang tagal mo sinagot? May kasama ka diyan?" pang-aakusa niya agad.

I sighed. "Kalalabas ko lang ng banyo, Ate. Nagtotoothbrush ako no'ng tumawag ka."

"Weh, Ate Coli." I heard Carlo from the background.

"Ewan ko sainyo! Si Mama?"

"Nandito rin nakikinig."

"Ma! Wala po akong kasama rito!" I said.

Ate Cora and Carlo laughed. Ate Cora opened the camera and showed Mama. Nagpuputol si Mama ng sitaw. Tumingin siya sa cellphone at saglit na tumitig sa akin bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Kumain ka na?" tanong ni Mama.

"Kakain pa lang po, bumili ako ng lugaw sa labas at naglaga ng itlog."

"Anong kakainin mo mamayang tanglian?"

"Nilagang itlog din po ma. Nagsaing naman po ako para may pambaon."

The camera went to Ate Cora's serious face. "Sabi ko sa'yo 'wag ka magtitipid 'di ba? May trabaho ako rito padadalhan kita riyan sa sweldo ko!"

"Ate, wag na. Ako ang magpapadala riyan. Hindi ako nagtitipid. Mas gusto ko lang talaga ang nilagang itlog. Saka may ibang ulam naman sa canteen, bumibili rin ako minsan."

Nagsalita rin si mama kaya tumabi si Ate sa kanya.

"Huwag mong ipadala lahat dito, Corjana." Mas seryoso ang pagkakasabi ni Mama kaysa kay Ate Cora kahit na mas magaan ang mukha niya. Si Ate kasi ay halos bugahan ako ng apoy.

"May mga nabibili ka bang bagong damit diyan? Patingin?"

I sighed and smiled at her order. Tumayo ako para buksan ang cabinet. Ipinakita ko sa kanya.

"Mga dati mo ng damit 'yan, e!"

Ipinakita ko ang iilang long sleeves na nabili ko kamakailan.

"Iyan lang?!"

I faced the camera. "Ate, hindi ko naman kailangan. Naeenjoy ko naman ang buhay ko rito kahit papaano."

I know her concern. Ate Cora opened up to me, crying, apologizing. Hindi ko na mabilang kung ilang beses. I would cry everytime she does it. I am hurt not because what she was sorry for is true, but because she's feeling that way.

It was midnight while I was studying for the board exam. Ate Cora suddenly hugged me while crying.

"Sorry, Coli. Kinailangan mong tumayo para sa atin. Sorry, I can't do much. Sorry wala akong kwentang Ate. Sorry apektado pa rin ako kahit taon taon na ang lumipas. Patawarin mo ako, Coli."

I cried so much, too while hugging her back. It pains me that she feels that way. I never mind standing up for our family. I love them so much. Naiintindihan at nauunawaan ko lahat.

Kaya pakiramdam ni Ate Cora, hindi ko na nagagawa, nabibili, nararanasan ang mga bagay na gusto ko. She didn't have to worry. All I wanted to do is give them a better life.

Maaaring hindi ko nga nagawa ang isang bagay. Ang pagtuunan ng panahon para mahalin ang taong gusto ko.

Pero alam kong makakapaghintay ang  bagay na 'yon. Kay Leonel man o kanino. Ngunit sa totoo lang, kay Leonel ko pa lang nakikitang maranasan iyon. Kahit na hindi na ako sigurado kung nakikita niya pa rin ako sa ganoong paraan.

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now