Kabanata 2

119 4 12
                                    

"Alcavin and Selandez.." Our science teacher announced.

Some of our classmates groaned and protested. "Andaya, Ma'am! Top 1 saka top 2!"

"Sorry class pero iyon ang nabunot ko," our teacher replied that made the class jokingly roared again.

Nagkibit balikat lamang ako. Anyone is fine with me. But not to my best friend though..

"Kainis! Hindi ko kasundo 'yun e! Feeling boss!" umirap siya.

Nang makalabas ng room si Ma'am ay mabilis na ring lumabas ang mga kaklase ko kahit wala pang sinasabi ang presidente. Si Yula ay padabog na nagliligpit ng gamit. I gently tapped her back.

"Tutulungan naman kita kung sakaling magkaroon kayo ng problema sa paggawa ng project.. hayaan mo na," I told her. She calmed down a bit and pouted.

I looked at Hichasen, waiting for him to look at me. Nang magawi na ang tingin niya sa akin ay simple akong ngumiti. He just nodded at me. Is that a 'let's talk' sign? We'll gonna make a video presentation. We should talk about it, right? I sighed. This guy is really hard to approach. I never saw him smiling..

Another irrelevant guy suddenly interrupted my thoughts on Hichasen. Mariin akong pumikit at umiling.

Kinalabit ako ni Yula. "Hindi ba kayo mag-uusap ni Chase?"

"Mag-uusap siguro... nahihiya akong lumapit e."

She chuckled. "Hindi yan. Tara!"

Bago pa man ako mahila ni Yula ay papunta na si Hichasen sa amin. Bahagyang tumaas ang kilay ko. Buti naman.

"Let's talk outside," aniya at dumiretso na papalabas ng pintuan.

Mabilis naman kaming sumunod habang si Yula ay tawang tawa. "Let's talk outside," she imitated him.

Nang naroon na kami sa pintuan ay napatigil ako. As usual, Leonel and Andreign were outside, waiting for Hichasen. May pinag-usapan sila. Sumulyap si Leonel sa kinatatayuan ko bago ibinalik ang tingin sa dalawang kaibigan.

"Uy! No absent talaga sa paghihintay kay Coli!" palihim kong kinurot si Yula sa tagiliran.

"Kay Chase pala.." bawi niya, may bahid pa rin ng pang-aasar.

I gripped on my bag's strap and went to Hichasen. They stopped talking and Hichasen turned to me. Sumipol si Andreign at tinapik sa balikat si Leonel.

"Uh.. pag-usapan na natin 'yung project. Kailangan ko na kasing umuwi at wala akong cellphone," sabi ko, pilit na iwinawaksi ang titig ni Leonel sa gilid ko.

"When do you want us to start?" Hichasen asked.

"Kahit kailan.. pero mas magandang maaga para makapagpasa na tayo agad."

"You're partners on a project?" singit ni Andreign.

"Yup!" si Yula ang sumagot.

Hichasen slightly shook his head. Ayaw niya siguro ng may sumisingit sa usapan. I bit my lowerlip. Hindi ko na tuloy alam ang sasabihin. I glanced at my side. Leonel is now staring at the sky seriously. My eyes widened when his head turned to me instantly, like he felt I was looking. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay pumungay ang mga mata niya. Ang kaninang magkadikit na kilay ay kumalma.

"Are you free tomorrow Saturday?"

Napakibot ako nang magsalita si Hichasen. I feel like I was caught of looking at something I shouldn't be looking. Tahimik akong napalunok.

"Oo, pero sa hapon lang. Mamamalengke ako ng umaga."

Tumango siya. "Okay. Saan tayo? Your place or mine?"

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now