"Umuwi ka na muna. May pasok ka pa bukas." Mama said weakly.
Namumula pa rin ang mga mata ni mama. She's been crying silently since we arrived here in the hospital. Nananakit na rin ang lalamunan ko dahil pinipigilan ko na ang sarili na umiyak pa.
I need to comfort my mother's pain. I have to be sane and strong when my sister wakes up.
"Dito lang ako, ma. Hindi ma muna po ako papasok bukas."
Pagod na umiling si mama. "Umuwi ka na muna, Corjana. Baka umiiyak pa rin ang kapatid mo roon. Puntahan mo muna at pumasok ka bukas."
I swallowed hard. Iniwan muna si Carlo kila Aling Tora. He was uncontrollable when we left. Hindi ko alam kung paano nila napatahan ang kapatid ko o kung tumahan na ba siya.
Lumapit ako kay mama para yumakap. I hugged her while she's sitting beside my sister's bed. Hinayaan kong tumulo ang luha ko dahil nakatayo naman at hindi nakikita ni mama.
"S-Sige na.. mauna ka na muna roon.."
I nodded painfully. Nang aalis na ako sa likuran ni mama ay biglang gumalaw ang katawan ni Ate. Her whole body quivered. Naalarma kaming lumapit ni mama. Unti unting bumukas ang mata ni ate.
"Coraline.. Coraline.. Corjana tumawag ka ng nurse o doktor! Dali!"
My eyes widened when my sister gripped on my wrist tightly. Sinubukan niyang umahon sa pagkakahiga kahit nanghihina pa.
"Anak.. mahiga ka muna. Hmm? Anong nararamdaman mo? Bakit?" Hindi magkandaugaga si mama. At kahit ako habang nakikipagtitigan sa namamasa niyang mata.
"H-Huwag.. huwag mo silang tawagin. Mama.. ayaw ko.. ialis niyo na ako rito. Umuwi na lang tayo Mama.. Coli.."
Naiiyak kong tinignan si Mama habang hawak hawak pa rin ni ate ang kamay ko, hinihila ako para hindi makaalis. Sumusunod ang katawan ko sa bawat paggalaw din ni ate dahil naubos nang lahat ang lakas ko.
"Coraline, bakit? Sabihin mo sa amin ng kapatid mo! Bakit ka nagkakaganito?! D-Dahil sa akin ba? Dahil ba sa mga pagbabawal ko?" Nabasag ang boses ni Mama.
I love my mother so much. At alam kong ganoon din si Ate. Na kahit mahigpit si Mama, oo nagagalit siya rito, nauubusan siya ng pasensya, lumalayo ang loob niya, pero mahal niya si Mama.
At si Mama, kahit gaano kapinal ang desisyon niya, ang mga paalala niya.. if we will insist on going astray from her and face danger, she will lower down her hand.. and tend to us.. because she loves us dearly. People may not understand or I myself don't understand her sometimes, but I will always choose to love how my mother loves.
I bit my lip as my tears raced down my cheeks. This is the conversation I've been wanting to be addressed.. I've been wanting to hear.. dahil iyon ang nakikita kong wala kay Mama at ate kaya hindi sila nagkakaunawaan. Maayos at tapat na komunikasyon.
Pero ngayong maririnig ko na.. parang hindi ko kaya.
My sister sobbed, her grip on my hand loosened as she search for our mother's.
"M-Ma.. sorry... ma.. tama ka. Sorry hindi ako nakinig ma.. Sorry.. Sorry.."
Umiiyak akong binalingan ni ate habang paulit ulit na umiiling. "H-Huwag kang tatawag ng doktor. Ma.. umuwi na lang tayo. Alis na tayo ma.."
Napaaawang labi ko sa hindi malunok na nararamdaman. Parang hindi si Ate ang nakikiusap sa amin ngayon. Her lips, fingers, and even her breaths are shaking.
"P-Pinagsamantalahan nila ako, Ma.. Coli.. kakampi d-daw nila lahat! Mga pulis..abogado.. doktor.. susundan nila si Coli, Ma.. ayaw ko! Umalis na lang tayo, Ma!"
YOU ARE READING
Heartful Whispers
RomanceCorjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feelings for someone. But then one day, she woke up and found herself thinking about Leonel Dizandro Carson...