"Kapag ang lalaki ngumingiti na kahit hindi naman palangiti, in love na 'yan. Love instructs us to do things we don't normally do. You know.. beyond our limitations."
Kinagatan ni ate ang hotdog saka bumaling sa akin.
"Kaya ikaw pag nagsisimula ka nang maglagay ng kolorete dahil may papagandahan ka. Iba na yan. Tignan mo siya conscious na sa mukha oh! Tapos tignan mo yung lalake may pangiti-ngiti na e nung una halos parang manununtok yung normal niyang mukha."
Nanonood kami ng movie ngayon na palabas sa TV. Sumaktong pareho kaming wala nang gagawin ni Ate. It feels so good. Pagtapos ng isang linggong pagtahimik ni ate sa tuwing umuuwi sa bahay bumalik din kami ulit sa normal. Pero sila ni Mama ay ganoon pa rin.
"Ikaw napapansin ko medyo namimink na yung labi mo pag pumapasok ng school e," pagpapatuloy niya.
"Isang tuldok lang naman iyon, Ate."
Tumaas ang kilay niya. "So naglalagay ka na nga?"
"Wala namang masama ah. Saka ikaw nga ang bumili ng mga 'yon." I took a bite on my hotdog so normally like my heart isn't going crazy at this very hour.
Alright, naglalagay na ako ng pink na tint sa labi kapag pumapasok ng school pero sobrang kaunti lang no'n halos hindi nga halata. Hindi nga rin napapansin ni Yula. Pero itong si Ate alam na alam niya talaga.
"Bakit parang kabado ka ngayon?"
Sumimangot ako. Oo kinakabahan nga ako. Pero hindi dahil guilty ako na nagpapaganda para sa kahit kanino. Para sa akin lang naman talaga iyon. Pag-aayos ang nagiging bonding na mga kaklase kong babae lalo na kapag may event o uwian. They seem to enjoy it so much with their giggles and all. Kahit naman hindi ko hilig ay babae pa rin ako. Naiisip ko rin kung bagay sa akin kung susubukan ko. And it did! Nagandahan ako nang isang beses akong naglagay kaya dumalas na ang paggamit ko... nang pasikreto.
Kinakabahan ako dahil baka akusahan niya ako na in love na o kung ano man. Hindi naman ako in love. Maliit na crush lang. Sobrang liit lang.
"Hindi, Ate. Anong kinakabahan.." bulong bulong ko.
Nanginigiti siyang nagtaas ng kilay sa akin.
"Pwede mong sabihin sa akin ang mga ganyang bagay. Hindi ko naman isusumbong kay Mama. There's nothing wrong with liking someone, Coli."
I looked at my sister to see her face. Nakangiti siya pero may lungkot sa boses.
"Normal lang 'yan lalo na sa edad mo. E sa dami ng gwapo sa school niyo." Now she sounds playful.
"Tama ako diba? Maraming gwapo?" siniko niya ako.
"Wala naman.. masyado." Tanggi ko.
An offended reaction of Leonel's face popped up in my head. Kinagat ko ang labi para pigilan ang tawa.
"Wala raw masyado pero may naiisip."
Lalo kong tinikom ko ang bibig.
"Sino yan? Isesearch ko. Tignan ko kung gwapo ba."
"Wala nga ate!"
"Hmm magtatanong tanong na lang ako sa kaklase mo?"
Natigilan ako at parang iiyak na nang tignan siya. Her smirk declared her triumph. Bumagsak ang balikat ko at miserable kong isinubo ang natitirang hotdog sa tinidor.
"Hindi pa ako.. sigurado." Mahina kong sabi habang mabagal na ngumunguya.
"Hindi sigurado? Na gusto mo o gusto ka?"
"Hindi ko gusto, Ate..." huminga ako nang malalim at pumikit bago nagpatuloy. "C-crush lang.." parang hangin lang iyon na lumabas sa bibig ko.
Ate Cora's smile looked so real and warm. Mas maliwanag ang personalidad ni Ate sa akin. Masayahin at palangiti. Dito lang talaga siya sa bahay tahimik kapag andiyan si Mama. Pero ngayon ko na lang siya ulit nakitang ngumiti nang ganito. Walang panunuya o kung ano man.
YOU ARE READING
Heartful Whispers
RomanceCorjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feelings for someone. But then one day, she woke up and found herself thinking about Leonel Dizandro Carson...