"Ano yan, Ate?"
She sighed. "Grades ko."
I gasped in excitement. "Tingin!"
Tumabi ako kay ate sa kama at kinuha ang card niya. Natawa siya at mahinang hinila ang nakapusod kong buhok.
"Excited ka pa talaga sakin lagi pag kuhaan ng card ko e no. Iyong sa'yo tinititigan mo lang."
I chuckled. "Proud lang.."
She made face. "Proud ka diyan e mas matataas pa grades mo sakin."
"Syempre ate, high school pa lang ako ikaw college na. Hindi pa gaanong mahirap sa amin na makakuha ng mataas na grades."
I looked at the piece of paper. Lahat ng numerong nakasulat ay may uno. I smiled widely. Ang totoo niyan si ate talaga ang pinakamatalino sa amin. Kwento niya sa akin no'n bata pa lang talaga siya ay sinanay na siya ni Mama sa mga aralin na kung tutuusin ay hindi pa akma sa edad niya.
"Kung istrikta si mama sa'yo ngayon, mas lalo na sa akin noon. Natuto lang talaga akong sumuway." Isang beses ay sinabi niya sa akin.
I feel like my sister was trained to teach me. Si Ate ang unang nagturo sa akin mag basa ng mga patinig. Kahit na tinatamad na siya noon ay wala siyang magawa dahil nakabantay si Mama. At habang tumataas ang baitang ko, si ate pa rin ang tumutulong sa akin sa mga assignment. Natigil lang noong nag high school na ako. Hindi ko madalas nasasabi pero mahal na mahal ko ang ate ko.
"Kayo kelan kuhaan ng card niyo?"
"Next week yata.."
"Sigurado akong Valedictorian ka. Magpapahanda niyan si Mama," she rolled her eyes and smiled.
Tumawa ako at umiling. Si Hichasen 'yon sigurado ako.
"Hindi, Ate. Second honor siguro.. pero okay lang. Ang sabi naman ni Mama ay basta hindi ako lalagpas ng top 3." I chuckled a bit.
"Next school year senior high ka na. Saan mo gusto? Diyan pa rin ba?"
Inabot ko kay Ate ang grades niya. Tumaas ang kilay niya nang kunin iyon sa akin. I put my feet on the bed and played with my ankle. Hinawakan ni ate ang kamay ko.
"Ano? Saan mo gusto? Kung diyan pa rin, okay lang naman. Susuportahan ka pa rin naman siguro ng amo ni mama.. o kung hindi naman, pwede akong mag working student. Gaano ba kamahal tuition ng senior high diyan?"
I put my head on my sister's shoulder. Inalog niya iyon. I laughed.
"Hindi ka pwede mag trabaho sabi ni Mama.."
"Tss.. hindi niya naman malalaman e."
"Mag aapply ako for scholarship para kahit papaano lumiit yung babayaran. Pero kung gusto na akong ilipat ni Mama, doon na lang ako kung saan niya gusto. Thank you Ate pero huwag ka nang magtrabaho. Mahahaggard ka sige.."
She laughed girlishly and tapped my head.
"Maganda naman ako kahit stressed no! Saka bakit si Mama ang inaano mo. Kung saan mo gusto, Coli. Alam mo ba gusto ko diyan sa school mo dati mag senior high pero hindi afford kaya ngayon gusto ko diyan ka."
"Gusto ko rin, Ate. Bukod sa maganda ang sistema, doon din si Yula.." nahihiya kong sabi.
"Tama! Mas mabuting mag kasama kayo ni Yula. Gusto ko ang best friend mo na yon. Mga plastikada mga nakikipag friends sayo sa dati mong school."
I laughed aloud. Hindi talaga nakakalimot si Ate. Kahit iyong sumabunot sa akin nung grade 5 tinatarayan niya pa rin kapag nakikita namin sa kanto.
"Afford naman ng utak mo kaya go lang gagawan natin ng paraan. May naiisip ka na bang strand?"
YOU ARE READING
Heartful Whispers
RomanceCorjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feelings for someone. But then one day, she woke up and found herself thinking about Leonel Dizandro Carson...